CHAPTER 3

36 6 0
                                    

Chapter 3: Boyfriend

Nandito na kami sa bahay, kasalukuyang nasa sala si Keith kausap si tita samantalang eto ako kaharap si kuya Jameson.

Is this world war 3 na ba or preaching lang?

"Sino yun?" Seryosong tanong nya.

Hindi ako maka-imik dahil natatakot ako sa itsura nya ngayon baka mamaya mag-wala to sa harap ko eh.

Napakaover protective ni kuya sa'kin dahil tinuturing na nya akong isang kapatid.

Thankful ako na meron akong kuya na isang tulad nya kaso lang minsan may sapak 'tong si kuya eh.

"Ahm... kuya sya si Keith Iverson Peralta... " sabi ko.

"Boyfriend mo na ba yun?" Agad agadan nyang tanong sakin.

"Boyfriend agad kuya hindi ba pwedeng kaibigan muna?" Sabi ko sa kanya.

"Sabihin mo nga sakin buntis ka na ba?" Tanong nya na nakakaloko.

"Ano bang akala mo sa'kin kaladkarin ng kung sino lang kuya?!" Medyo tumaas na ang tono ng aking pagsasalita.

Bigla na lang nya akong niyakap ng mahigpit.

"Alam mo naman na ayaw kong masaktan ka diba" sabi nya sa'kin.

Si Kuya naman kasi eh! Kung ano-ano sinasabi!

"Alam ko naman yun kuya eh kaya nga ginagawa ko ang lahat para hindi ako masaktan" Paliwanag ko rito.

"Sorry na sige na mag-explain ka na kay kuya" sabi nya sa'kin.

I'll explain it all simula first day until this day, yung mga ginawa nila sa'kin. Pero hindi detailed dahil baka sumugod ng school itong si kuya kapag nagkataon.

"Ginawa nila yun sa'yo?" Gulat na tanong nito.

"Opo kuya hindi ko alam kung bakit pero nagawa nila sa'kin yun" Sagot ko naman.

"Gusto mo ba pumunta ako sa school nyo para mapa-expel lahat ng gumawa sa'yo nyan?" Tanong nya.

"Huwag na kuya ayoko na lumaki pa ang problema baka lalo lang nila ako pag-initan pag may na expel sa kanila" paliwanag ko.

"Basta pag ginawa pa nila sa'yo ulit yan ako na mismo ang kikilos para maparusahan sila"may pag-aalalang sabi nya.

"Sige kuya sasabihin ko po kapag inulit pa nila"sabi ko sa kanya.

"Tara na puntahan na natin yung bisita mo baka naiinip na yun" sabi nya sa'kin.

Nag-nod nalang ako at sabay na kami bumaba para puntahan si Keith at si tita sa sala.

Papunta namin doon ay agad na lumapit sa'kin si tita.

"Ang gwapo naman pala ng boyfriend mo" Aniya.

Napatingin ako kay kuya Jameson ang sama ng tingin nya sa'kin.

"Ah tita hindi ko po boyfriend yan" sabi ko.

"Eh bakit sabi nya boyfriend mo sya" sabi ni tita.

Ramdam ko na konti nalang maghuhurumintado na 'to si Kuya.

"Niloloko ka lang nyan tita" sabi ko.

"Oh sige na kausapin mo na sya halika dito Jameson sumama ka sakin tulungan mo ako" sabi ni tita sabay ngisi.

Aba parang may naisip si tita na hindi maganda.

Nang maka-alis na sila agad kong nilapitan si Keith na nakaupo sa sofa.

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now