Chapter 28: back to school
Lumipas ang ilang linggo at sa wakas papasok na din ako
Inayos ni mom and dad ang records ko sa school at sa wakas ay makakabalik na din ako sa school
At syempre ganun pa din kaklase ko pa din si elixir at trixie
Section 1 pa din ako salamat kay mom and dad
Dahil nagawan nila ng paraan yung tungkol sa school
Namimiss ko ba din yung mga kaklase ko lalo na si roxanne
Kahit maldita sakin yun namimiss ko pa din yung babaitang yun sana naman walang pinagbago
Sana ganun pa din sila
Kasalukuyan akong nandito sa tapat ng pinto ng room namin
Kinakabahan ako pumasok dahil alam kong madami nang nagbago
Pagpasok ko nakita ko si sir na nagulat pa sakin
"Oh ayan na pala si ms sanchez este ms garcia pala " sabi nya
Sino si ms sanchez?
Nakita ko ang tinginan ng mga kaklase ko
May ibang natutuwa may nagtataka at may shocked naman
Nakita ko si elixir at bakante ang upuan sa tabi nya kaya naman tumabi ako sa kanya
May napansin akong pamilyar din ang mukha Sakin
Yung lalaking humawak sa kamay ko sino nga ba sya?
Ahhh yun Naalala ko na si ryle yung pinagpipilitan nitong si elixir sakin
Abnormal lang ipinapamigay ako samantalang dati nakikipagpatayan para lang makuha ako
Ngayon kung ipamigay nalang ako ganun ganun lang
May topak talaga ang isang to
Napatingin ako kay elixir na bakas sa mukha nya ang pagkagulat
Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang kinikilos nya nitong mga nakarating linggo
Parang hindi sya masaya na bumalik na ako
May bago na ba? Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito ako
Hindi naman ako dating ganito isa lang akong simpleng estudyante
Hanggang sa makilala ko ang lalaking may topak na to
Lumipas ang oras at ..........
Kring!!!!!!!!.............
Malakas na tunog ng bell hudyat na break time na
Hindi ko alam pero bigla na lamang kumilos ang mga paa ko at naglakad na ito palabas
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko
Sinundan ko lang kung saan ako dinala nito
Nagulat ako ng mapagtanto ko na nandito na pala ako sa rooftop ng school
Anong ginagawa ko dito at bakit ako nandito?
Hindi ko alam kung bakit gumalaw na naman ang mga paa ko
Dinala ako sa may pintuan sa may rooftop
Sinasabi ng utak ko na umalis na ako dito dahil hindi ko alam ang ginagawa ko
Pero may parte sa puso ko na nagsasabi sakin na kailangan ko buksan
Hindi ko alam pero nagtatalo ang utak at puso ko
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
General FictionThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...