EPILOGUE

22 3 0
                                    

*Ten years later*

"Hello siomai ko sampung taon na ang nakakalipas nandito ka pa din sa puso ko hindi ka pa din nawawala alam mo madami akong gustong ikwento sayo pero bago yan may gusto akong ipakilala" sabi ko sa puntod ni abby

Matagal-tagal na nung huli akong dumalaw sa puntod nya akala ko kaya ko na pero hindi pa din pala

Masakit pa din pala na nawala na sya masakit pa din para sa'kin yung mga nangyari pero kahit ganun alam kong masaya na sya kung saan man sya naroroon at masaya na din ako

"Nga pala siomai ko gusto ko ipakilala sa'yo ang anghel ng buhay ko si nichael Ashley alcantara" sabi ko

"Oh ash say hi to tita abby " sabi ko naman kay ash

Ash ang palayaw nya ang ganda kasi kung ash

"Hi tita abby " sabi nya

By the way 7years old na sya 3 years after mamatay in abby nahanap ko ang babaeng muling nagpatibok ng puso ko

"Nga pala abby may nais pa akong ipakilala sa'yo ang taong nagpatibok ulit ng puso ng isang Kevin ryle alcantara" sabi ko

Napatingin ako sa kanya at ramdam ko na kinilig sya dahil first time ko lang sya ipapakilala sa taong una kong minahal

At matagal nya ng hinihiling yan gusto daw kasi nya makilala ang taong nang-iwan sa'kin pero hindi naman ako iniwan ni abby pakiramdam ko nandyan pa din naman sya binabantayan ako

"Meet my beloved wife Samantha Erich Gabriel-alcantara" sabi ko sabay tingin kay Samantha

Nakita kong namula ang pisngi nya kaya ngayon nagpipigil ako ng tawa

Lagi nalang syang ganyan lagi nalang syang nagbablush feeling ko ang sweet ko na

Lumipas ang oras at natapos na din kaming sa pagdalaw kay abby

Nagpaalam na kaming tatlo sa kanya

"Paalam na siomai ko sana maging masaya ka na kung nasaan ka man ngayon" sabi ko sa kanya

Mahal na mahal pa din kita hindi ka pa din nawawala sa puso ko

"Paalam abby pangako ko sa'yo iingatan at aalagaan ko si ryle para sa'yo " sabi ni Samantha sabay tingin sa'kin

Nagulat ako ng magsalita si ash

"Bye tita abby" sabi nya

Nagkatinginan kami ni Samantha at sabayang kaming tumawa

Pagtapos nun ay may mga huli pa akong sinabi

"Nga pala abby sorry kung nawala ko yung diary mo pero pangako hahanapin ko yun hindi ko pa kasi nababasa kung anong nakasulat doon" sabi ko sa puntod ni abby

Matapos noon ay umalis na kaming tatlo

Minsa talaga sa buhay kailangan nating tanggapin kung ano mang nakatadhana satin

Dahil minsan ang pagtanggap ang pinakamabisa sa lahat para makawala ka sa nakaraan

Pero ang oras ang makakapagsabi kung talagang bang nakawala ka na sa iyong nakaraan

Mahalaga ang oras sa buhay ng isang tao oo hindi nauubusan ng oras pero sa paglipas ng panahon

Maging ang oras pwede maging hadlang sa isang bagay

Lahat ng tao sa mundo ay pinapahalagahan ang bawat Segundo at minuto ng buhay nila

Nang masabi ko yan napahawak ako sa time necklace na binigay sa'kin

Marahan ko itong hinalikan at tsaka hinubad sa'kin

"Ash huwag mo itong iwawala importante ito kay daddy bigay ni tita abby sa'kin to"

Abby siomai ko tandaan mo oras man ang kalaban natin o ang tadhana mananatili at mananatili ka pa din sa puso

Nag-iisa lang ang aubrey ghaile sanchez at princess michaella garcia sa puso ko

Abby mahal na mahal na mahal kita

Paalam hanggang sa susunod na yugto ng buhay ko

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now