Hohoho! Mogondo rin si Devonne ;) Ok,medyo maraming comments dun sa group xD kahit lima lang kami xDDD
---
Kia's POV
Nagtitigan naman kami ni Devonne. Yung kaninang cold stare niya, ngayon ay full of hatred. At yung sakin naman, ay naging cold.
"Wala na akong balita sayo, saan ka nagtatago? Santiago." Devonne sabay ngiting nakapangliliit.
"Hindi ako nagtatago,Valdez. Nasa gilid lang ako.. Tahimik na nagmamasid sa inyo."
Nawala naman yung ngiti niya.
"Alam mo bang, hinahanap talaga kita. Bigla kang nawala sa school eh. Parang naging maluwag na yung pakiramdam ko kasi wala na akong kahati sa school. Kaya medyo, nakakacurious"
"Nag give way lang ako,Devonne. Ayaw mo nun? Wala ka nang kahati sa kinakakatakutan ng mga estudyante. Naging sayo na ang KORONA ko."
"Sa akin naman talaga yung korona,Kia. Inagaw mo lang at ngayon nabawi ko na."
"Hindi mo siya nabawi. Pinulot mo, dahil tinapon ko." Sabi ko at tinalikuran na siya at umalis.
"Hindi pa tayo tapos! Kia! Hahanapin talaga kita!"
Napatigil naman ako sa paglalakad.
"Matagal mo na akong nahanap. Di mo lang napapansin." Sabi ko at tuluyang umalis.
Ligtas naman akong nakalabas sa Club. At dun ko nakita si Hanz na parang naiinis na tapos si Nikka naman parang natataranta.
Nung nagtagpo naman ang mata namin ni Nikka, bigla siyang tumakbo palapit sakin at niyakap.
"Thank God! Ligtas ka!"
Tinulak ko naman siya nang mahina.
"You worry too much. Alis na tayo."
"Good idea! Kanina pa kasi nag te-text si Blake. Quarter to nine na rin kasi eh."
Tinanggal ko naman yung heels ko at humiga sa backseat.
"Kia! Dyan ako!" Nikka.
"Dito muna ako,Nikka. Pagod ako, gisingin mo nalang ako kung n--"
"Oo na, I'll wake you up when we arrive." Sabi niya at sinara yung pinto.
Pumasok na rin si Hanz sa kotse at ganun din si Nikka.
"Jacket oh." Hanz sabay abot sakin nang jacket.
Tinanggap ko naman. Medyo nagiginaw na rin kasi ako.
"Salamat."
May inabot naman na unan si Nikka sakin kaya ni-ngitian ko lang siya tsaka ko ipinikit ang aking mga mata.
***
Nagising naman ako na nasa kwarto ko sa bahay. Same clothes parin yung suot ko at pagtingin ko sa bed side alarm clock. 4 o'clock AM pa.
Kahit maaga tumayo ako at nag hot bath. Matapos gawin yun binuksan ko naman yung closet ko at an unang tumambad sakin ay ang BHP fighting attire ko.
Napatingin naman ako sa labas nang bintana.
"Makapunta nga doon." Sabi ko sa sarili ko at sinuot ang BHP attire.
Sa bintana na ako dumaan at inakyat lang yung gate para walang magising.
Tumakbo naman ako papunta sa Gang Zone at ang una kong nakita ay si Devonne, na may kinakalaban na dalawang lalake. Sumandal naman ako sa gilid ng entrance ng gang zone.
BINABASA MO ANG
Black Hearted Princess
ActionShe's Rich,Beautiful,and Popular.Pero ang puso..magkaka sipon ka dahil sa kalamigan.MATARAY AT PALABAN.Walang awang mang bugbog.Siya ay kinakatakutan sa lahat,dahil siya ang tinatawag nilang BLACK HEARTED PRINCESS.