Paalala: medyo may topak ang author ngayon sa pag update. Kaya damay yung characters XDD medyo baaad tong chapt na to xD
---
Kia's POV
Nagising ako dahil sa sigawan. Umuwi na pala yung nag massage sakin tapos bigla akong nakatulog.
Umupo naman ako at pagtingin ko sa pinto ko. Nandun na sila Nikka, Mia at Pia. Parang tina-try nila itong isara kasi may tumutulak sa labas para mabuksan ito.
"MGA MANYAK! UMALIS NGA KAYO SABI EH!" Sigaw ni Mia.
"Gusto lang namin makita si Kia eh!" I'm sure si Austin yun.
"EH NAKAHUBAD NGA! KAYA HINDI PWEDE!" Sigaw pabalik ni Mia.
"SABIHIN NIYO! GUSTO NIYO LANG MAKITANG HUBAD SI KIA! NYOK-NYOK NIYO! DI PWEDE!" Sigaw ni Nikka.
Processing..Loading Complete.
Huwatdapakingtape! Napatingin naman ako sa pinto at napansin naman ako ni Pia.
Natumba naman si Nikka kaya si Pia natatarantang tumabi sakin tapos tinakpan ako nang unan. Ako naman inangat ko yung kumot para hindi nila akong makitang nakahubad-- nakapanty naman ako pero yak! Parang nakahubad na rin ako noh!
Nung tapos na akong natakpan ni Pia ay tsaka naman natumba si Mia at pumasok yung boys.
"Hindi naman natutulog si Kia nang naka hubad eh!" Austin.
Nung lumingon naman sila sakin. Agad namang lumaki yung mga mata nila tapos balik sa normal.
"Is this one of your game,Kia?" Justin.
"Sorry ka nalang! Hindi benta!" Hanz at lumapit.
Si Mia naman parang da flash na pumunta sa harapan ni Hanz at Hinarangan ito. Si Nikka todo hila kay Blake at Niel palabas. Si Pia naman niyakap ako.
"Tabi nga Landi!" Hanz.
"Hindi ka pwedeng lumapit kay Kia!"
"At bakit?! Tabi nga! Baka gusto mo lang halikan kita eh!"
Namula naman si Mia tapos automatic na nasuntok sa mukha si Hanz.
"LECHE KA! ANG MANYAK-MANYAK MO!" Mia.
"Masakit yun!" Hanz.
While nag aaway yung dalawa lumapit naman si Justin sakin tapos akmang tatanggalin yung mga unan.
"Huwwaaaag!" Pia at tinulak si Justin.
"Ano ba? Magmukhang tanga si Kia diyan eh!" Justin at nakuha yung isang unan.
"Hoy! Tama na nga yan! Woman abuse na yan eh!" Pia.
"May woman abuse ba? Ha! Don't make me laugh!" Justin at kinuha yung dalawang unan.
Kung nasa gilid ka, medyo makikita mo na yung bare legs ko at nandun si Ethan atLumaki naman yung mga mata niya tapos natatarantang hinila si Justin palayo.
"Ano ba dude!" Justin.
"Labas muna tayo, Kia uh..needs privacy?" Ethan.
Si Pia naman napatakip sa sarili niyang bibig tapos tinuro si Ethan.
"You saw?!" Pia.
"I was trying to help here!" Ethan.
"Anong saw-saw niyo jan ha?" Kyle at napaupo sa tabi ko.
Ngayon ko lang napansin, may band aid pala sa isang finger tip niya.
Ako naman grabe yung hawak sa kumot para ma cover yung body ko. Dahil sa kaba.. Hindi ako makapagsalita.
BINABASA MO ANG
Black Hearted Princess
ActionShe's Rich,Beautiful,and Popular.Pero ang puso..magkaka sipon ka dahil sa kalamigan.MATARAY AT PALABAN.Walang awang mang bugbog.Siya ay kinakatakutan sa lahat,dahil siya ang tinatawag nilang BLACK HEARTED PRINCESS.