Chapter 41// KiAnz

30.5K 706 32
                                    

Para sa mga KiAnz ;) peace in advance! XD

Btw, Austin at the side ;)

---

Kia's POV

Nag jack-en-poy naman yung tatlo tapos si Austin ayun sa gilid, malalim na nag-iisip.

"Yes! Ako yung una!" Hanz.

Napatingin naman ako kay Hanz tapos kay Austin na suot-suot ang nakakalokong ngiti. I'm sure, malakas and trip nito -_-.

Bigla naman akong hinila ni Hanz papunta sa part nang basketball.

"Kia, laro tayo?" Nakangiti niyang sabi.

"Ahhh..." Tumingin muna ako sa likuran at nakita si Austin na pa cool na nakasandal sa air hockey na table. "Ohkaay?" Sabi ko nalang at tinignan si Hanz.

Sniwipe na ni Hanz ang card niya at naglaro. Magaling siya actually.. Tapos nung time na. Ako na yung nag laro.

"Hahaha! Di mo ako nalampasan!" Hanz nung nag time na sakin.

"One point lang yung lamang ah!" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at pumunta sa likuran ko at parang binack hug ako.

"Uhh..Hanz, PDA much?" Sabi ko sa kanya na siyang ikinatawa niya.

"PDA? Hahaha! Asa ka.. Tuturuan lang kita sa tamang pag shoot ng bola."

Nag swipe naman siya sa TimeZone card niya kaya gumulong na yung bola. Kinuha ko naman yung tapos hinawakan ni Hanz yung kamay ko at minotion sa tamang pag shoot.

Ang lapit...sobrang lapit nang mukha niya sa may leeg ko..

Lub.dub.lub.dub

/\_/ \_/\/\/\/\/\/\/\/\/\___

Ang lakas nang kabog ng puso ko. What the heelll?!

"Oh, ikaw naman." Nakangiting sabi ni Hanz.

"Ahh.. Pwedeng lumayo ka nang konti." Sabi ko.

"Bakit? Maganda naman ang position natin ah." Sabi niya tapos nag smirk.

>//////////< hanz.. Tama na please!

Ohkaaay.. Breath in breath out. Chillax Kia. Act normal.

"Tsk, bahala ka." Sabi ko nalang at tinignan ang ring.

Kaya ko to! Pag shoot ko sa bola. Hindi siya pumasok kundi ni bounce ito palayo papunta kay Austin, buti nga nasalo niya.

Hinawakan naman ulit ni Hanz ang kamay ko.

"Sabi ko nga sayo ganito an--ARAAAY! Fvck!" Napatigil naman si Hanz sa ginagawa niya sakin tapos napahawak siya sa kanya ulo.

Paglingon ko kay Austin tawa nang tawa. Nataranta naman akong lumapit kay Hanz na hawak pa rin yung ulo niya.

"O-ok ka lang?" Tanong ko. Aba! Kahit sinave ako ni Austin sa awkward position na yun, nagaalala din ako sa pervert na to.

"Ang sakit,feste." Tumingin naman sa mga mata ko si Hanz. "Kia, e kiss mo lang to.. Para maging ok na ako."

Nabatukan ko naman siya. Minsan nga lang ako nagiging mabait tapos nagloloko pa siya.

"KIA! Masakit na nga yung ulo ko dinagdagan mo pa!" Sigaw niya.

Lumapit naman si Austin samin.

"Time's up,Hanz Gonzales. Si Kia at Justin naman." Austin at hinila ako palayo kay Hanz at palabas sa timezone.

"Was that your plan?" Deretso kong tanong sa kanya.

"Obviously!" Humarap naman siya sakin at nag wink. "I'm going to ruin your date with those guys."

Black Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon