Chapter 57

29.9K 626 23
                                    

Mitch at the side! And yeah, another update!

---

Kia's POV

Starting today.. I'm going to hate WEDNESDAY. Bad trip talaga ako ngayon! Kainis yung mga tao sa bahay eh!

Nandito na kami ngayon sa school at tahimik lang silang lahat na nakasunod sakin. Walang imikan. Yung mga students naman, na feel ata yung dark aura ko kaya umiiwas sila sakin.

"Kia!" Nalingon ko naman yung tumawag sakin. "Geez.. What's with the stare? And that aura?" Maarteng sabi ni Mitch tapos na napairap nung nakalapit na siya sakin.

"Anong kailangan mo? At pake mo sa itsura ko ngayon?" Cold na sabi ko.

Hinila naman niya ako sa isang sulok.

"Sabi ko, I need some time alone, pero bakit mo binigyan nang advice si Ethan? Yan tuloy umiyak ako sa harapan niya!"

"Ayaw mo nun? May time kayong dalawa para sa isa't-isa."

"Alam mo?" Tanong niya.

"Yung alin? In-love kayo sa isa't-isa? Aba hindi ko talaga alam grabe!"

Tumawa naman siya.

"Pero thank you ha." Sincere na sabi niya.

"Teka sa'n si Mitch Witch? Ibalik mo siya!" Sabi ko habang niyugyog siya.

Tinulak naman niya ako nang mahina.

"Anong Mitch Witch ha?!" Sabi niya pero nakangiti.

"De joke lang yun." Sabi ko tapos bumalik sa dark aura ko.

"Grabe mood swings mo Kia!" Sabi niya tapos tumawa nang malakas na ang resulta ay napatingin samin yung mga students. "What are you looking at? Ewww! Nakakadiri kayo!" Mitch back to her attitude.

Napatingin naman sakin yung mga STUPIDENTS.

"Oh? Ano tingin-tingin niyo? GUSTO NIYO BANG KUNIN KO YANG MGA EYEBALLS NIYO?!"

With that.. Yumuko silang lahat. May narinig naman kaming tawanan which is sila..Kyle,Ethan, Niel, Justin, Hanz, Austin, Blake and Nikka.

"Hi booyss!! And nerdy girl." Mitch.

Si Ethan naman nag smirk. Pagtingin ko sa likuran nila, nandun na yung group ni Mitch.

"Back to normal.." Bulong ni Mitch. Tapos umalis.

"Back to being bitch? Tss." Sabi ko sabay irap.

Natawa naman si Mitch. Hindi pa naman kasi siya ganun ka layo.

***

Half day lang kami ngayon, meaning more time to train. Well, my day went well para kasing at peace na kami ni Mitch.

"Kia mag t--"

Hindi naman natapos si Kyle sa pagsabi niya kasi naka salubong namin si Lucas. Medyo okay na yung mukha niya.

(A/N: gwapo na ulit.. Kahit may konting gasgas.. *le faints)

"Kia." Sabi niya tapos napatingin kay Kyle at nilapitan ito.

"Bakit po?" Pa innocenteng tanong ni Kyle.

"Kamukha mo siya" Lucas to Kyle then tingin ulit sakin. "Tapos magkamukha din kayo nang mahal ko." Dagdag niya.

Nag fake laugh naman ako.

"Sino ba naman yan Lucas?" Sabi ko.

Dumating naman bigla si Mitch.

Black Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon