Chapter 54

26.7K 600 6
                                    

Kia's POV

Maaga akong nagising. Pagtingin ko sa bed side alarm clock ko. 3:45 am na.

Four days to go.. And it's Tuesday.

Bumangon naman ako at nag suot nang pang jogging attire. Kailangan ko talagang mag exercise.

Lumabas naman ako sa kwarto ko habang tinatali yung buhok ko. Paglabas ko sa bahay.. Madilim pa at ang tahimik.

Nilagay ko naman yung earphone ko sa isang tenga ko at nagsimula nang mag jogging.

Nung nasa may park na ako, nakita ko naman si Justin na natutulog sa ilalim nang isang puno.

Nilapitan ko naman siya tapos sinipa nang mahina yung paa niya.

"Oy."

No response -_-. Napatingin naman ako sa paligid,buti walang mga criminal dito. Tinignan ko ulit si Justin na ang himbing paring natutulog.. Naka jogging attire din siya.

"Jog muna ako ha?" Sabi ko sa kanya, kahit hindi niya marinig. Magmukha akong tanga dito, kinakausap ang tulog!

Nagsimula naman akong mag jogging. Nakailang rounds na ako at nakaramdam na ako nang pagod. Tumatagaktak naman yung pawis ko kaya pinahiran ko at napatingin naman ako sa orasan ko.

"5:25.. Grabe." Sabi ko sa sarili ko tapos napatingin ulit kay Justin na tulog pa rin. "Addik yun ah." Sabi ko tapos lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

Tinitigan ko naman siya.

"Kia.. Matunaw ako niyan eh."

"Ay palaka!" Nasampal ko naman siya kaya napamulat niya yung mata niya at napahawak sa nasampal kong cheek niya. "Hala! Sorry sorry!" Sabi ko.

"Ang sakit nun ah!" Justin sabay rub sa cheeks niya.

"Ikaw naman kasi biglang magsalita eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Hoy! Hinaan mo nga yang boses mo, magising mo pa yung mga tao dito eh!" Sabi niya.

Napairap naman ako.

"Tss.. Addik ka ba? Bakit ka natulog dito?" Pag-iiba ko nang topic.

"Hindi ako tulog, tinitignan nga kitang nag jog eh."

"Yaak! Creepy." Sabi ko sabay tawa.

Tumawa naman siya.

"Ganito ka ba kung sobrang aga?"

"Anong ganito?" Sabi ko tapos pinuff yung cheeks ko tapos pinoke.

Tumawa ulit siya.

"Ganyan!" Sabi niya sabay turo sakin.

"Ganito naman ako ah." Sabi ko tapos sinamaan siya nang tingin.

"Minsan mo lang kaya yun pinapakita."

"Walang kain eh."

Tumawa ulit siya nang malakas. Halaa! Naka shabu ata toh eh!

"Ang cute mo!" Sabi niya.

"Justin.. Naka drugs ka ba?" Seryoso kong tanong. Mas tumawa naman siya nang malakas.

"Baka ikaw yung naka drugs eh!"

"Wala nuuh!" Sabi ko.

Bigla naman niya akong niyakap.

"Uhh..Justin?" Sabi ko sabay tapik sa kanya.

"Let's just stay like this for awhile,Kia." Sabi niya.

"Hindi ako unan." Matamlay kong sagot.

Tumawa naman siya at kumalas na sa yakap.

"Naka drugs ka nga, tawa ka nang tawa eh!" Sabi ko sakanya.

"Uwi na nga tayo!" Sabi niya at tumayo.

Tumayo din ako at napatingin sa paligid. May nag jo-jog na kaya tinignan ko sa Justin.

"Justin, limang round?" Sabi ko sa kanya.

"Sige....race tayo! Go!" Sabi niya at tumakbo.

"Daya!" Sigaw ko at tumakbo na rin.

***

Umuwi kami ni Justin sa bahay na nagtatawanan. Pagpasok namin, nandun silang lahat sa sala. Nanaman?!

"Saan kayo galing?!" Niel.

"Nag jogging." Pa cool naming sagot ni Justin.

"Tss.. Sasusunod, maglagay kayo nang note!" Blake.

"Oo nga! Dinadamay yung beauty sleep ko eh!" Mia.

"Beauty sleep? Baka Handsome sleep." Hanz.

"Whatever Hanz-Perv." Sabi ni Mia tapos umakyat patungo sa kwarto niya.

"Mia-landi!" Sigaw ni Hanz.

"Hanz(ang) Pervert mo!" Sigaw pabalik ni Mia.

"Maligo na nga tayo." Nikka.

"Ako na yung magluluto." Ethan.

"Huwag na! Yung cook nalang nila Kia." Austin.

"Nasabihan mo naba?" Kyle.

"Yeeps!" Austin.

"Okaay, maliligo muna ako." Sabi ko at umakyat na rin.

Black Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon