t h e t r u t h

13.2K 331 18
                                    

Kia's POV

"What about him?" Tanong ko.

"He's a Valdez." Tito Richard.

Shocked. That's me right now. I was one-fourth happy for him. Dahil malalaman niya ang totoo niyang magulang pero.. isa siyang Valdez. Valdez! The same Valdez who killed my Mother. Alam kong hindi naman siya kasali doon dahil wala pa siyang alam sa totoo niyang magulang, pero the fact that he's a Valdez. Medyo nakakainis.

"Kia.. Alam mo namang di siya kasali doon diba?" Kuya Kurt.

Huminga muna ako nang malalim.

"Sasabihin niyo ba sakanya?" Tanong ko.

"Oo. E te-test namin siya kung sakaling mag traydor ba siya." Tito Richard.

"He won't..I trust him. Pero ghhaaad! This is confusing!"

Napaupo naman ako sa sahig at umiyak.

Halo-halo yung nararamdaman ko eh. May galit, lungkot, konting saya. Ewan ko ba! Lumuhod naman si Kuya Kurt at pinat yung likuran ko.

"P-paano niyo nalaman?" Nanghihina kong sabi.

"Nakausap namin ang Valdez." Tito Richard.

Napatayo naman ako bigla.

"Alam nang mga Valdez? At nalaman niyo nang dahil sa Valdez? Paano kung fake lang yun!" Sigaw ko.

"Calm down,Kia. Alam nang Valdez at nalaman namin sa kanila. We know, we doubt too! We treated Kyle one of our family too! Kaya pumunta kami nang kung saan-saan para sa DNA test." Tito Richard.

"And Kia, nung nag training kayo sa bahay.. Kinunan ko nang buhok si Kyle tapos konting dugo."

Kaya pala may band aid siya. My life is a mess!

"At sino naman yung totoong magulang ni Kyle?" Tanong ko. May masama akong kutob dito. Kinakabahan kasi ako nang sobra.

"Ang Clan Leader nila. Si Thomas Valdez." Tito Richard.

"Kakambal ni Devonne,Kia." Kuya Kurt.

Kambal ni Devonne si Kyle. Nung narinig ko yun, feeling ko ang mundo ko biglang naging upside down. Parang akong na crushed inside. Grabe talaga si tadhana.. Ako pa ang napagtripang bigyan nang ganitong estorya! No way!

"It's impossible! Hindi naman sila magkamukha!" Pagpupumilit ko.

Ayaw ko! Ayaw kong maniwala sa sinasabi nila.

"Meron namang hindi magkamukha na mga kambal diba? At Kia! Ito ang mga results! Hinintay,tinabihan at tinignan namin ang sumuri niyang mga results para makita talaga namin na walang dayaan!" Tito Richard sabay bigay sakin nang isang envelope na medyo makapal.

"Gusto nilang kunin si Kyle,Kia. Pero Dad made a deal. Nasa kay Kyle ang desisyon kung saan siya papanig."

Binuksan ko naman yun at nilatag yung mga papeles sa table ni Papa. Positive lahat ang mga results.

Am I dreaming? I hope I can wake up now.

"I'll convice him to stay with us." Sabi ko.

"No Kia! Kung gusto niya pumanig sa mga Valdez then we have to respect his decision! It's his real family anyway." Tito Richard.

"His real family is our enemy! I can't just fight him like it's too simple! May pinagsamahan kami ni Kyle! He's like my bestfriend too! He became my favorite cousin! And when I heard your conversation that night! The night when I knew his real identity, the night that he's not really my cousin. I was broken and relieved! I don't know why but there's something here in my heart felt happiness! I was confused as hell about this stupid feeling of mine when I haven't knew his real identity." Naiiyak kong sigaw.

"What do you mean,Kia?" Tito Richard.

"You don't say.." Kuya Kurt.

"I FREAKING LIKE HIM! May gusto ako sa kanya! May feelings na ako sa kanya! I'm falling in-love! To him! My fake cousin! Kyle. And now that I knew that he was a Valdez, ewan ko ba!" Pinahiran ko muna yung luha.

"And tito..ngayon palang.. I think I LOVE HIM. Mahal ko na ata siya eh."

Na shock naman silang dalawa. But it's the reality! Naiin-love ako kay Kyle. Mas lamang siya kesa nila Lucas,Hanz at Justin!

"Kia you're just sixteen it's not real love yet." Tito Richard.

"Dad, I think it's real love." Kuya Kurt.

"And you're going to side with Kia?"

"Oo! Dahil alam kong mahal na mahal ni Kyle si Kia. Hindi naman natin pwedeng ipaglayo sila nang dahil lang sa gulo na nangyari ngayon! Dad, lilipas din tong gulo na to. Pero ang pagmamahalan hindi!" Kuya Kurt.

Napabuntong hinga naman si Tito at napatingin sakin.

"Are you sure for that feeling of yours..for him?" Tito.

Tumango naman ako pero umiiyak pa rin ako.

Napa sigh naman si Tito at lumapit sakin para yakapin.

"Huwag ka nang umiyak,Kia. Nag promise ako sa tatay mo na pasayahin kita." Tito.

Niyakap ko din si Tito pero patuloy pa rin ako sa pagiyak. Tinatap naman ni Kuya Kurt yung likuran ko.

"P-pero paano na yung laban? Pa-paano na kung sa Valdez pala kakampi si Kyle, paano kung iwan niya lang ako?" Tanong ko habang umiiyak.

Kumalas naman si Tito at pinunas yung mga luha ko.

"I'll make sure he won't. Just keep your hopes up Kia." Tito.

Ngumiti naman ako.

"I'll try."

"Don't try it. Do it." Tito at unang umalis.

Niyakap naman ako ni Kuya Kurt.

"Ang saya ko! Dapat kayo talaga ang magkatuluyan ni Kyle!" Kuya.

"Huwag kang isip bata Kuya."

"Joke lang." Kuya Kurt sabay kalas sakin. "Labas na tayo?"

"Ikaw nalang.. Mamaya nalang ako. Ayaw kong makita nilang namumula yung ilong at mata ko."

"Sige, take your time nalang. Hahanapin ko muna si Kyle." Kuya Kurt at akmang aalis pero hinawakan ko yung laylayan nang t-shirt niya para huminto muna siya.

"Oh bakit?" Kuya Kurt.

"Don't tell him, that I already love him yet."

Nag frown naman siya.

"At bakit?!"

"Gusto ko, ako mismo ang magsabi." Sagot ko naman.

Tumango nalang si Kuya Kurt at tsaka lang lumabas.

Black Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon