Chapter 49// The Real Mia

29.1K 706 71
                                    

Kia's POV

Umuwi na yung mga designers namin at sabi nila na this coming friday daw nila ito e deliver. Yung iba nasa kusina -_-. Pssh, mga patay gutom.

Umakyat naman ako papunta sa entertainment room. Pagpasok ko nandun si Mia, naglalaro nang tekken.

"Hoy." Sabi ko.

"Mamaya mo na akong e bully,Kia. Badtrip ako." Mia.

Pumasok naman yung kapatid niya na si Pia.

"Ate Kia.. Anyare kay Ate Mia? Kanina kasi nung dumaan ako sa kwarto niya may kasigawan siyang lalake." Pia.

Napailing naman ako at tumingin kay Mia na nakahiga na sa sahig tapos yung unan nasa mukha niya at sumigaw.

"Nagaway kayo sa kwarto?" Tanong ko.

Umupo naman si Mia at tinignan ako.

"Nagbago ka.. Infairness."

Umupo naman kami ni Pia sa sofa.

"Sagutin mo kaya yung tanong ko?" Sabi ko.

"Oo nag away kami.. Eh kasi yung loko! Namimili pa nang damit eh parepareha naman yung design nang mga t-shirts ko na ginagawa kong pantulog!" Mia.

Bumukas naman yung pinto nang entertainment room at pumasok si Nikka tapos dinuro si Mia.

"Tomboy ka?!" Nikka.

"Hindi nga ako tomboy eh!!" Mia.

Tumawa naman kami ni Pia. Ok. Noon kasi naging ka close ko si Mia. Tuwing mag reunion yung side ni Mama(kung wala sila Blake) si Mia lang yung nakakalaro ko. Kasi si Pia tahimik tapos tong si Mia.. Medyo boyish. Kaso lang, nung lumalaki kami.. Nagiging maarte siya hanggang sa nagbago kaming dalawa. Lagi kaming nag-aaway.

"P-pero sabi ni Hanz..na.." Nikka.

"Marami akong panglalakeng damit?! Duuh! Pantulog ko lang yung mga t-shirts. Tapos Nag ba-basketball ako tu---" napatigil naman si Mia at tinakpan yung bibig niya.

"Soo Ate.. Nag ba-basketball ka pa pala? Akala ko ayaw mo, kasi.."

"'I'll broke my nail!'" Sabi ko na ginagaya yung tone ni Mia.

Kaya tumawa kami. Inirapan naman niya kami so nag seryoso na ako.

"Mia.. Bakit ka ba nagbago?" Sabi ko.

Umupo naman sa sahig si Nikka.

"Ohheeem! I'm so excited to meet the real Mia!" Nikka.

Napabuntong hininga naman si Mia at tinignan kami.

"Ganito kasi.." Pagsisimula niya.

*F L A S H B A C K*

Mia's POV

Unang kita ko palang sa kanya. Lumakas bigla yung heart beat ko, na para bang may nagkakarerang kabayo.

Sinubukan kong lumapit sa kanya kaso nung malapit na ako, bigla siyang napaharap sakin at hinead-to-toe.

"Don't tell me iisa ka sa fans ko? Sorry ka nalang, ayaw kong pumatol sa mga tibo."

Na shock ako. Ang sakit.. porket ba ganito itsura ko, TIBO AGAD?! AGAD-AGAD?! HINDI BA PWEDENG BOYISH LANG?!

"Sorry, huwag kang feeling.. dadaan lang ako." Sabi ko at inirapan siya.

Napakamot naman siya sa likuran nang ulo niya at ngumiti. OH PLEASE DON'T SMILE! YOU'RE MELTING MY HEART!

"S-sorry. Hihi." Sabi niya.

"Huwag kasing feeling! Magka tornado pa dito sa pinas dahil sa pagkahangin mo." Sabi ko at nilampasan siya.

Nung nakauwi ako sa bahay, agad akong humarap sa salamin at nakita kung gaano ako ka panget. Napaisip naman ako na kailangan ko na talagang mag ayos.

Kinabukasan.. Tumino nang konti yung suot kong damit, kahit maikli yung buhok ko,  nag clip ko. Pagdating ko sa school..pinagtatawanan ako. Nahihiya ako, parang ang liit-liit ko na pwede lang apakan.

Lunch Break.. Sa canteen binatuhan ako nang pagkain kaya ang resulta? Umiyak ako at tumakbo palayo hanggang sa may nakabangga ako.. ang crush ko. Chineer up naman niya ako, naging close kami hanggang sa naging babae na talaga yung apperance ko kahit yung attitude medyo maypagka boyish.

That day... Umuulan, wala akong payong dala.

"Patay talaga ako nito.. Wala pa naman si Pia." Sabi ko sa sarili ko.

May tumapik naman sakin at nung paglingon ko, ayan naman si puso.. nagwawala.

"May dala kang payong?" Tanong niya.

"Wala eh." Sagot ko naman.

"AYOS!"

"AN--HOY!"

Bigla niya kasi akong hinila palabas kaya basang-basa na kami. Nag laro naman kami sa ulan, naghahabulan. Feeling ko, may gutso din siya sakin kaya wala nang paligoy-ligoy pa.

Nilapit ko yung sarili ko sakanya at ngumiti.

"Oh? Bakit Mia?"

"Mahal kita....mahal na mahal kita....

Lucas Valdez."

*E N D O F F L A S H B A C K*

"So ang ending? Iniwan niya ako sa kalagitnaan nang ulan tapos nung nagkita ulit kami sinigawan niya ako.. Hindi niya daw ako magugustuhan, nakakadiri daw ako.. at kahit..anong angulo, tibo pa rin daw yung paningin niya sakin." Mia.

Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako.

"Si Lucas Valdez..Siya ang dahilan kung bakit ako naging bitch."

Napatingin naman ako kay Mia at ganun din siya.

"So magkakilala kayo? Ni Lucas." Tanong ko.

"Sorry.. alam ko ang bali-balita about sa Valdez at sa mga higher clans."

Napa sigh naman ako.

"Anyway..Bakit ngayon mo lang to sinabi?"

"Kasi... ayaw kong magtagpo kayo..."

"At bakit?"

"Kasi..

......Inlove na si Lucas sayo..Noon pa."

Black Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon