Yshmael's POV
Ilang araw na ang nakaraan matapos sabihin ni ma'am ang tungkol sa presentation at ngayong araw na 'to ang alis naming magkakagrupo papuntang Batanes.
"Guys tara na,ipasok niyo na ang mga gamit ako na ang magdadrive"utos ni Czyme. "Salamat naman nang makatulog muna kami"sambit ng kapatid nya.
Nang makaalis kami ay umidlip muna ako dahil maaga pa naman.Tahimik ang aming byahe kaya mas mahimbing ang tulog namin.
Prrrrrrrt!!
Nagising nalang ako nang maramdaman ang biglaang pagprino ng sasakyan.Nagising rin ang mga kasama kong natutulog dahil don. Napalingon ako kay Czyme nang bumaba sya galing sa kotse.
"Kuya Zymor!!Bumaba nga kayo dyan!"inis na pagtawag niya kaya nagsibabaan naman kami. "Bakit ba?!"inis nya ring sigaw sa kapatid nya. "Kailangang mapalitan ang gulong"inis nya paring sambit habang nakatingin sa flat na gulong."Pano na yan?"problemadong sabi ng kapatid nya.Inilabas ni Czyme ang cellphone nya tsaka may pinipindot at itinapat nya ito sa tainga nya.
Nakangiting ibinaba nito ang kanyang cellphone."May gagamitin tayong ibang sasakyan,hiniram ko muna.Ibaba muna natin lahat ng gamit natin habang hinihintay natin sila"patuloy nya.
Naibaba na namin lahat ng gamit namin tsaka kami sumilong sa may puno.Unti lang ang dumadaan dito karamihan ay tricycle.
"Ayan na sila"nakangiting sambit ni Czyme habang nakatingin sa isang truck na may lamang kotse at may dalawang tao sa loob nito.
Lumapit si Czyme sakanila,nakasunod lang naman kami sakanya."Ember"masayang tawag nito kay Czyme .Inilabas naman nong isang kasama nya ang laman ng truck. "Salamat, kailangan na rin naming umalis kuya"paalam nya."Sige mag-ingat kayo sa pagbyahe, kwentuhan nalang tayo sa ibang araw"sabi naman ng kaharap nya."Thanks for the car bro!"pagpapasalamat ko sakanya.Buti naman at may sasakyan na kami."You're welcome basta si Ember"sabi nito tsaka naki pag fistbump kay Czyme.
Nakipag paalaman na kaming lahat at nagpatuloy sa pag babyahe.Hindi ko man lang namalayan na nilagay na pala nong kasama ng lalaking kausap ni Czyme ang mga gamit namin sa likod ng kotse.
"Kilala mo yon Czyme?"takang tanong ng kapatid nya.Hanggabg ngayon ay si Czyme parin ang nagmamaneho."Oo"diretsong sagot nito sakanya.Nasa passenger seat si Zymor kaming tatlo naman ay nandito sa backseat."Mas gwapo pa ko ron"pagmamayabang ni Zymor. Malakas talaga hangin nito eh.Mas gwapo pa 'ko sayo dre hahahaha.Nabingi ng katahimikan sa loob ng kotse.
Mauzyro's POV
Huminto kami ngayon dito sa Castrol."Magc-CR muna ako,mag CR na rin kayo.Malapit na tayo"paalam ni bansot nang makababa sya. Nanatili nalang kami sa loob dahil wala pa namang puputok ang pantog samin dito hahaha. Mas mahaba kasi ang pasensya ng lalaki kesa sa babae.
"Dre nagmumukhang alalay yong kapatid mo.Ibang iba yong itsura mo sa itsura nya hahaha.Wag maoffense sinasabi ko lang hehehe"sambit ni Zhawn sakanya.Sinamaan lang naman sya nang tingin ni Zymor na nasa passenger seat.
"Dre,sa dinami-rami ng pwedeng makasama sa grupo natin bat yong kapatid mo pa"biro ko sakanya.Kasi kahit sino naman sana don sa kaklase namin okay na pero tong bansot na 'to tsk."Pasalamat kayo dahil sya ang nakasama natin dahil hindi tayo mahihirapan,sya ang maraming ginagawa hahaha"sagot nya.Sana nga.Sana hindi rin palpak ang magagawa nya.
Tumingin ako sa pinasukan ng bansot na yon kanina at saktong lalabas naman na sya.May lumapit sakanyang lalaki na ikinataka ko."Wag mong sabihing pati dito may kilala rin yang kapatid mo dre?"natatawa kong tanong sakanya pero di nya ko sinagot at lumabas nalang sya.May sunod sunod ring lumapit sakanyang lalaki kaya bumaba na rin ako.Hinawan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ni Czyme na hindi man lang ito nagpupumiglas.
"Bitawan niyo ang kapatid ko"mahinahon pero seryosong sambit ni Zymor sa dalawang lalaking nakahawak sa braso nya.Tiningnan sya ng isang lalaki habang nakangisi at may inilabas na patalim galing sa bulsa nito.Susugod na sana ang may dalang kutsilyo kay Zymor pero natigilan ito dahil sa pambabato ni Czyme sakanya ng bag nya.Humarap ito kay Czyme ng masama ang tingin."Don't touch that jerk dude"maangas na patungkol nito sa kapatid nya sabay kindat nito sa lalaking may hawak ng patalim.Sumugod ang dalawang lalaki samin kaya umiwas at sabay sapak ang ginawa namin sa dalawang lalaking ito.Si Zhawn at Yshmael naman ang nagpabagsak sa dalawang lalaking humawak sa braso ni Czyme.
"Pano yan tayo nalang ang natitira,sinong una ako o ikaw?"nakangisi nitong sambit.Mukhang nasindak ang lalaki kaya nagsipagtakbuhan sila.
"Coward"natatawang sambit nito.Tumingin naman sya samin isa-isa.
"Hoy Czyme sinong jerk ang tinutukoy mo?"inis na tanong nito sa kapatid nya.Lumapit naman ito sakanya tsaka itinuro sa mismong mukha."Jerk your face!Tara na nga galing mong lumandi naka sapol ka pa ng lima tsk"natatawang sambit ni Zymor.
"Tara na,maghotel nalang tayo"bitin ko sa kanila.Sumakay naman na kami at nagpatuloy sa byahe.
Czyme's POV
After an hour nakarating na kami sa hotel na malapit sa pupuntahan namin bukas para sa Interview.
Pumunta kami sa room number namin.Medyo maluwang naman,may two beds for two persons and one bed for one person.Don ako sa pang isang tao lang na kama dahil hindi ako pwedeng tumabi kay kuya.Naghain agad ako nang matapos kong magpahinga.Kinakain na ng dilim ang liwanag.
Pagkatapos kong magluto inayos ko na ang mga plato sa dining area.Yong madaling lutuin lang ang niluto ko dahil pagod ako sa byahe."Dinner is ready!!"pagtawag ko.Nagpapahinga kasi sila kaya ako nalang ang gumawa lahat.Nagsiupuan naman na kami tsaka kumain.
________________________________________________
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT^__^
