Chapter 21

3.5K 109 4
                                        

Czyme's POV

Ngayon ang laban ni kuya ma siya ring dating ng parents namin.Hanggang ngayon hindi parin sinasabi ni kuya kung saan ang venue nila,alam kong underground battle ito pero di ko alam kung saan.



"Halika na kuya!"tawag ko sakanya na nasa loob pa ng bahay samantalang ako nasa harap na ng kotse niya."Ikaw na muna ang magmaneho inaantok pa ako"sambit niya habang humihikab.Medyo madalim pa naman, maaga kasi kami dahil maaga ang flight nina mommy galing sa America.



Sumakay na kami,gaya ng sinabi niya ako ang nagmaneho habang nasa backseat naman ito at nakahiga.Hapon ang laban ni kuya pero hindi sinabi sakin kung saan.Hindi rin nagtanong si kuya kung saan ko natutunan ang mga sinabi at ginawa ko kahapon.



Sinulyapan ko si kuya habang mabagal pa ang pagpapatakbo ko.Nang makitang tulog na ito ay nagseatbelt ako at pinatakbo ng mabilis ang kotse.


Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko biglang lumitaw ang imahe ni Mauzyro noong birthday ni dean.

Dito ka muna Dito ka muna Dito ka muna
Dito ka muna Dito ka muna Dito kamuna

Nagpaulit-ulit na parang sirang plaka ang magandang boses niya.Lumitaw lahat ng itsura niya sa isip ko pag ako ang kaharap niya.Hindi ko man lang namalayan na napapangiti na ako sa hindi malamang dahilan.Natauhan nalang ako nang may bumusina sakin.


After forty-five minutes nakarating na kami.Sinulyapan ko si kuya sa backseat na mahimbing parin ang tulog niya.Bumaba ako at binuksan ang pintuan sa likod."Kuya gising na" pangigising ko sakanya pero hindi pa rin siya gumising.Pinagmasdan ko ang mukha niya habang natutulog.Napangiti nalang ako nang bumuka ang bibig nito.Tumayo na ako at marahang isinara ang pinto at iniwan siya ron.



"Baby!!"nagulat ako nang may yumakap sakin. "Oh my god baby!I miss you!"sambit nito habang humihikbi.Inayos ko naman ang salamin ko nang bitawan niya ako sa pagkakayakap. Tumambad ang walang pinagbagong itsura ni mommy at daddy noong huli ko silang nakita.
Yinakap rin ako ni daddy ng mahigpit at hinalikas sa noo ko."Where is your brother?" nagtatakang tanong nito habang lumilinga. "Inside his car,he's sleeping.I didn't woke he up 'cause he's tired"nakangiting sagot ko sakanya.


Tinulungan ko si mommy at daddy na itulak ang mga gamit nila gamit ang push cart.Hila-hila ein ni daddy ang dalawang maleta."Underground battle?"seryosong tanong ni daddy.Nagkibit balikat nalang ako.Ipinasok namin ang malalaking gamit sa likuran ng kotse.Ginising ko naman si kuya para makapagpahinga narin sina daddy."Wag na baby,si daddy nalang sa passenger seat dito na kami ng kuya mo"sambit ni mommy habang hinahaplos ang ulo ni kuya.Itinaas ni mommy ang ulo ni kuya para don sya uupo.Sumakay na ako sa driver seat nang maayos ito.


Alam nila mommy at daddy na kasali si kuya sa isang gang.Alam rin ni lolo at lola na kasali siya. Hindi matanggap ni lola na kasali siya.Mas hindi rin tanggap ni lolo ang pagsali niya.Nang malaman nila dati na sumali siya halos palayasin siya ni lolo pero hindi pumayag si lola.Si lolo ay nasa korea 4 years na,dahil sa nalaman niya mas pinili niyang siya nalang ang lumayo.


"Mommy pumasok na kayo sa loob ako na ang magdadala nito,magpahinga muna kayo"sabi ko sakanila pagkadating namin sa bahay .Hinalikan ako ni mommy sa noo tsaka sila pumasok sa loob.

Zymor's POV

"Mom,dad alis po muna ako"paalam ko sakanila.Nagbuntong hininga si daddy tsaka umupo sa couch."Mag-ingat ka"seryosong sambit nito.Tiningnan ko siya ng nagtataka. "May laban ka hindi ba?"tanong nito tumango nalang ako.Lokong Czyme na yon.Lumabas na ako tsaka sumakay sa kotse ko.

Kring...kring....

[Sunduin mo nalang kami,nasa bahay kaming tatlo ngayon]sabi ni Zyro sa kabilang linya.

"Sige malapit na ako"sagot ko tsa binilisan.May napansin akong sumusunod sa likod ko kaya mas binilisan ko.

Ugok wag kang assuming daanan yan normal lang na may makita kang sumusunod sayo. Kumunot ang noo ko sa sarili kong isipin.

"Hali na kayo"tawag ko agad sakanila nang makapasok ako sakanila.Binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa venue ng laban namin.Hindi sa underground 'to kasi ang laban namin ay hindi legal.Walang hininging pahintulot.


"Dre baka sila na yan"tukoy ni Zhawn sa tatlong motor at tatlong kotse.Hindi nga siya nagkamali.Bumaba ang apat na lalaki galing sa isang kotse at apat pa sa isa at apat uli sa isa. Napatakip kami sa mata namin dahil sa liwanag na nanggagaling sa tatlong motor.

"Kamusta na?DARK NIGHTMARE?" pinagkadiininan ng leader nila ang code name ng leader namin na si Zyro."Ayos naman"mayababg na sambit nito habang nakangisi."Balita ko ikaw ang nagbuwag sa grupo ng HMG"natatawang sambit nito."Hindi yan balita sadyang tsismoso ka lang talaga" seryoso namang sambit ni Zhawn,nagtiim ang bagang nong leader."Sige magyabang muna kayo dahil ito na ang huling kayabangan niyo" seryosong sambit ng isa sakanila."Ang dami niyo pang satsat bat di nalang natin simulan?"halata ang pagkabagot kay Yshmael habang sinasabi ang katagang yon.


Ibinato ng tatlong lalaki ang mga nasa sampong baseball bat.Hindi lang pala sampu kundi tig-ida isa sila,labing lima.Nakangisi silang lumalapit samin.

(0____0)

Sumulpot ang babaeng naka maskara ng itim at itim rin ang kanyang suot.Lumingon ito saamin at dahan dahang pumunta sa harap namin."Tumawag ka pa ng kampon ng kadiliman yong sexy pa.Sayang naman akin nalang"natatawang sambit nito na tinutukoy ang babaeng nasa harapan namin."Let's the game begin"namutawi ang malaking boses ng babaeng nasa harap namin.Halos tumindig ang balahibo ko dahil sa boses niya.


Mauzyro's POV

Lahat ng sinabi ni Czyme ay sinunod ko.Kalaban ko ang leader at dalawang kasamahan ng Devil Dawn Gang.

"Zymor sa likod mo!"namutawi ang sigaw ni Zhawn.Biglang nag slow motion ang paligid ko. Nag slow motion rin ang pagbagsak ni Zymor dahil sa tinamong saksak sa tyan.

"He didn't deserved that.You must deserve it" nabingi ang lahat dahil sa sigaw ng lalaki na sinaksak rin ito sa tyan ng babaeng naka maskara.


Natapos ang laban namin dahil sa bilis at nakakapangilabot na galaw ng babaeng nasa harap namin ngayon.Tinulungan namin si Zymor sa pagtayo at inalalayan ito."Simula ngayon buwag na ang grupo niyo at hindi sila apat,lima kami.Remember my name......I am the lady of your dark nightmare.Ang grupong ito ang bubuwag sa lahat ng babangga sakanila" malamig at nakakatakot na sambit ng babae.

Zhawn's POV

Nandito kami ngayon sa operating room. "Papunta na ang parents nila"nababahid parin ng pag-aalala ang grupo namin.Hindi kami nakapag pasalamat sa babaeng maskarada dahil sa mabilis siyang naglaho sa paningin namin.

"Jusko!Nasan ang anak ko?!"humahagulgol na bungad agad ni tita Cyrill.Lumapit agad ito samin na nasa gilid lang nito ang asawa at si Czyme.Tiningnan ko si Czyme na masama ang tingin samin.

"He's stable.Magpasalamat nalang tayo at mababaw ang natamo nito kung hindi matatamaan ang kidney ng pasyente" paliwanag ng doctor.Walang sali-salitang pumasok si tita Cyrill sa operating room na hinaharangan sila ng nurse.Sumunod sakanya si tito Zye,naiwan naman si Czyme samin ngayon na nakakunot ang noo.


"Panong naabot sa ganon yon?"may bahid na galit na tanong nito pero hindi parin siya lumilingon samin."Czyme hindi namin alam na may pana~~"natigilan si Zyro nang tiningnan siya nito ng masama."Yon na nga eh,sinabi ko naman sainyo kahit wala akong alam sa mga ganyan sana naniwala kayo sakin.Hindi mangyayari yan sa kuya ko kung sana sumunod nalang kayo.Ang buhay niyo ang nakataya sa bawat laban niyo kaya sana naman mag-ingat kayo.Si kuya ang nakaratay ngayon,hindi ko kayang nakikita siyang ganyan.Kahit pa nasa mabuting lagay na siya hindi ako matatahimik pag hindi ko siya nakitang mulat ang mata at masiglang gumagalaw!"halos pumiyok siya dahil sa paghilbi at mga luhang nagsibagsakan galing sa mata niya.


Lumapit si Zyro sakanya at bigla nitong yinakap."Sorry for what happened"senserong sambit nito habang yakap yakap parin si Czyme. "Sorry dahil napahamak ang kuya mo nang dahil sakin"patuloy nito na hinahagod ang likuran ni Czyme.

That Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon