Chapter 5

5.3K 158 2
                                    

Czyme's POV

"Tara na sa mga bahay magpicture tayo don"yaya ko sakanila.Sumunod naman sila. Kailangan kasi namin ang mga pictures para sa presentation namin para may maipakita kami.

"Naimbag nga bigat mo inang"bati ko kay lola.

Translation:Good morning lola

"Kasta met kaniya yo apo"bati pabalik ni lola.

Translation:Good morning rin sa inyo apo.

Nang matapos na namin lahat ng ginawa ay naisipan na naming umuwi sa hotel.Ang saya ng araw na 'to.

After two weeks ng pag-iinterview namin ay umuwi na kami.Hinatid na namin ni kuya ang mga kaibigan nya.Dumiretso narin kami sa bahay.Nang maipasok ko ang kotse ay nakita ko na ang kotse ko na maayos na.Maaasahan talaga si kuya Reymond.

Pagka-akyat ko sa kwarto ko humilata agad ako dahil sa pagod.At naalala ang mga nangyari dahil sa mga sinabi sakin ni Mang Canor sakin.

Flashback

"Nasan ang mga magulang niyo?"tanong sakin ni Mang Canor.

"Si mommy at daddy po namin ni kuya ay nasa ibang bansa"sagot ko.

"Umuuwi ba sila?"nakangiting tanong nya.

"Once a year lang po"ngiting aso ang ganti ko sakanya.

"Miss mo na ba sila?"Tanong nya.

"Oo naman po,mula noong bata kami ni kuya lumaki kami kasama ang yaya namin. Samantalang si mommy at daddy always business,ni isang celebration nga hindi pa namin sila nakakasama kahit birthday namin ng kuya ko.Sa susunod na taon mag dedebut na ako wala parin sila,sabik na sabik na akong mahagkan at mabuo ang pamilya ko"kwento ko sakanya, namuo naman ang luha sa aking mata.Bumagsak nalang ang luha ko kaya pinahid ko agad ito.

"Alam mo hija,ganyan din ako dati pero ang pagkakaiba lang ay ang magulang.Iniwan kasi ako nang mama ko dati,walang oras na hindi ko siya iniisip.Alam mo hija,ako nong bata ako nahihirapan ako,gabi-gabi,araw-araw umiiyak ako.Pero nung naisip ko ang sarili ko na kaya kong mabuhay mag-isa,ginawa ko pero nong nalaman kong hinahanap ako nang mama ko kahit bumalik pa sya sakin hindi ko inisip na may magulang ako pero nong malaman kong patay na sya,bumalik ang dating ako,yong batang iyakin dahil sa magulang, at nalaman ko rin na kaya umalis ang mama ko ay dahil nagtrabaho sya para mabuhay ako.Kaya ito ako ngayon maganda na ang buhay ko dahil sa mama ko.Nagsisisi rin ako sa ginawa kong pagtakwil sakanya.Sana mapatawad nya pa ako"emosyonal na kwento nito sakin."At hija kung ako sayo matuto kang magpatawad"dagdag nya.

End of flashback

School

Ang bilis nang oras,presentation na namin ngayon.Nakita ko sina kuya sa isang pathway kaya lumapit ako sakanila.Lakad-takbo ang ginagawa ko habang hawak hawak ang salamin ko.

"Kuya anong oras ang presentation?"tanong ko.Liningon naman nya ako"10:00 am"sgaot nya.Tumango nalang ako sakanya."Good luck satin.Uuwi na muna ako kuya"paalam ko. Tumango nalang rin sya tsaka nagpatuloy ulit sa pag-uusap nila.

Umuwi muna ako para ayusin at maghanda para sa presentation namin.Tiningnan ko rin kung maayos na ang laman ng presentation namin sa laptop ko.Lahat ng laman nito ay patungkol sa mga nakusap namin.Nakalagay rin dito ang mga pictures namin sa bawat taong nakakausap or lugar na napupuntahan namin.

Nang ayos naman ito ay napagpasyahan ko na ring ayusin ang sarili ko.Nagpants ako ng fitted at mahabang T-shirt.Pinunglot ko rin ang kulot kong buhok at inayos ang salamin ko.

Zymor's POV

Stage

Nandito kami ngayon sa likod ng stage para maghanda at nagsisimula na ang presentation.
"Guys pray first"nakangiting sambit ng kapatid ko saka ito nagsign of the cross.Nang matapos ang saglitang dasal.Natapos na ang dalawang grupo at kami na ang susunod.Halata ang kaba naming apat samantalang ang kapatid ko ay hindi man lang makuhang kabahan o ano man lang.Si Zhawn ang unang magprepresinta. Inihanda rin ni Czyme ang laptop at ang projector.

Binati muna namin sila bago kami nagsimula.

"Sa Batanes welcome ka sa lahat ng bahay.Dyan sa bahay na yan"sabay ang pagflash ng picture na nasa loob kami ng confession house."Ang bahay na yan ay tinatawag na confession house dahil kung ano man ang itatanong sayo ay kailangan mong sagutin o umamin ng walang halong biro at kasinungalingan.Dahil sa confession game na nilaro namin ay nalaman ko,namin ang importansya ng isang tao na minamahal mo"paliwanag nya at doon na sya natapos sa presentasyong ginawa nya.Susunod naman si Yshmael.

"Sa Batanes may isinusuot silang Vakul"sabay pakita nya ng picture namin na nakasuot ng vakul kasama ang isang matanda."Yan ang protekta nila sa sarili,pagsinusuot nila yan komportableng-komportable sila kaya dapat kong gano nila prinoprotektahan ang sarili nila dapat ganon din tayo sa kanila"Yshmael.At susunod naman ako.

"Makikita mo sa mga Ivatans na nakatira don kung pano nila ginagalang ang mga nagpupunta don"sabay pakita ko ng picture ng kapatid ko nong kinausap niya ang matanda na hindi ko man lang alam kung anong ibig sabihin non."Kahit di ka nila kilala pinapapasok ka parin nila dahil ganon nila iginagalang at winiwelcome ang mga turista don.Makikita at mararamdaman mo talaga sa kanila ang pagmamahal"presinta ko at halata ang kaba ko dahil sa pamumuo ng pawis sa aking noo. Susunod naman si Zyro na nanginginig ang kanyang kamay kaya tinapik ko ito at nginitian.

"Pagpumunta ka sa taas ng bundok makikita mo ang malinaw na dagat at napakaaliwalas na paligid"sabay pakita nya ng litrato."Kung gano ito kalinis ganon din ang puso ng mga tao dito"nakangiting sambit nito.Maikli pero nakatuwa.Sumunod naman sakanya ang kapatid ko.Nakangiti ito samin at sa lahat ng manunuod.

"Sa Batanes marami akong natutunan,marami na akong nakausap na pamilya pero may isang taong don ko naitatak ang mga sinabi nya sa puso't isip ko"pakita nya ng larawan nila ng isang medyo may edad nang lalaki."Na kahit iwan ka ng maraming tao o ng magulang mo matutukang umintindi at magpatawad.Kahit malayo samin ang magulang namin ay natutunan ko itong intindihin at mapatawad.Dahil lahat ng ginagawa nila ay para samin ni kuya. Nasasaktan ako dahil sa murang edad ko palang ay nawalay na kami sa magulang namin at alam kong mas nasasaktan ang magulang namin dahil sa pag-iwan samin sa murang edad dahil sa pagsasakripisyo nila"nakangiti nitong sambit pero makikita mo talaga sa mga mata nya ang sakit.

"Pagmamahal,pag-aalaga, pagpoprotekta at pagpapatawag ang dapat nating gawin sa taong nakapaligid o mahal natin"mas lumawak ang kanyang ngiti.Tumabi naman kaming lahat sakanya sabay ang pagbow namin.

________________________________________________

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT^__^

That Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon