Czyme's POV
Dalawang araw na ang nakalipas at dalawang araw na rin akong nandito sa bahay dahil sa pasa na nasa pisngi ko na ngayon lang nawala.Hindi ko alam ang mga nangyari nang nakaraan dahil narin sa lasing ako pero nalaman ko kay kuya kung saan nanggaling ang magkabilang pasa sa pisngi ko.Sinampal raw ako ng isang lalaki ayon sa nasaksihan ni mukong.At alan ko na kung bakit ito nagkapasa,dahil sa may dalaw ako.
Nang makapasok ako sa classroom ay nakita ko si kuya na nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya.Inilabas ko ang cellphone ko para itext siya.
To:kuya
Kuya pwede ba tayong mag-usap mamaya?
Nang maisend ito ay napalingon ako kay kuya na inilabas niya ang cellphone niya.Nag-iwas ako nang tingin nang tumingin siya sakin.Ilang minuto na ang dumaan pero wala parin akong natatanggap galung sakanya.
"Good morning class"bungad agad ng araling panlipunang guro namin pagkapasok niya palang.As usual wala paring bumabati sakanya kundi ang magsitahimikan at uupo sila sa kani-kanilang mga pwesto.
"Ano ang dalawang kapani-paniwalang teorya ang nalathala sa pinagmulan ng Pilipinas?" panimulang tanong ni ma'am.Maski isa ay walang nagtaas ng kamay kaya ako nalang.Ngayon lang nagtanong si ma'am ng hindi pa namin napag-aaralan.
"Bulkanismo at Asyatiko.Bulkanismo,ayon kay Bailey Willis,ang Pilipinas ay nabuo dahil sa pagputok pagputok ng mga bulkan.Ang mga bulkang ito ay bahagi ng Pacific Eing of FireKaya naman kilala ito sa tawag na Teoryang Pacific.Asyatiko,ayon kay Dr. Leopoldo Faustino,ang Pilipinas ay nabuo sa paraang diyastropismo.Ito ang paggalaw ng lupa sa pamamagitan ng pagtiklop, pagkakaroon ng lamat at pagkiwal na sanhi ng pag-angat at pagbaba ng lupa"mahabang paliwanag ko na syang ikinatahimik ng buong klase.
"Very good Miss Requez"di makapaniwalang sambit nito."Ayon sa sinabi ni Miss Requez... Sino si Bailey Willis at si Dr. Leopoldo Faustino?"tanong ulit ni ma'am.Wala paring nagtaas ng kamay kaya hindi na rin ako magtataas ng kamay dahil ayaw ni ma'am ng paulit-ulit.Napabuntong hininga nalang si ma'am."Mr.Bailey Willis is a Geology while Dr. Leopoldo Faustino is a minner and also a Geology.Si Dr.Leopoldo ay hinarang na pinunong heologo ng Division of Geology and Mines Bureau of Science,panahon ng mga Amerikano"paliwanag nito."We will be continue it tomorrow,dissmiss"patuloy nito habang nakatingin sa relo.
Pagkadissmissed namin dumiretso agad ako sa canteen para hintayin don si kuya.Pumwesto ako sa may gitna na kung saan ikaw agad ang makikita o makikita mo ang magsisidatingan dahil katapat lang nito ang entrance.
"Pwedeng makitabi Czyme?"nabigla ako sa pagsulpot ni Mika sa harapan ko.Tumango lang ako sakanya na kasabay non ang pag-upo niya."Salamat pala sa pagtatanggol at pagliligtas mo sakin"senserong sambit nito habang nakatingin sa mga mata ko."Wala yon,tsaka ako naman ang may kasalanan kaya ka nadamay nong nagpunta tayo kay dean"sambit ko lang tsaka nag-iwas ng tingin."Friends?"lahad nito ng kamay niya kaya napatingin ako sakanya at may malawak syang ngiti sa kanyang labi.Inabot ko ito tsaka ngumiti rin sakanya."Hati na tayo rito"nakangiting sambit nito tsaka iniabot ang fries sakin.
"Oh,dalawang pangit uupo ako ha"sambit nito pero hindi ko nalang sya pinansin samantalang si Mika ay nakatingin sa lalaki na ngayon ay kumakain na.Susubo palang sana ako nang magdalita ulit ang lalaking kaharap namin ngayon."Alam niyo bagay kayo,pangit na talunan pa hahaha!"hagalpak niya ng tawa kaya inis kong binagsak ang kutsara ko na syang naging dahilan ng ingay at sya ring naging kami ang tinuunan ng pansin."Kuya,kung wala kang sasabihing maayos umalis ka na"mahinahon kong sambit dito."Nagsadabi naman ako ng maayos ah tsaka bat naman ako aalis nandito na ang pagkain ko at dito narin ako pumwesto bakit pa?"natatawnag tanong nito."Hayaan mo na Czyme"pigil sakin ni Mika tsaka niya hinawakan ang kamay ko.
Zymor's POV
"Kung ayaw mong umalis pwede bang manahimik ka nalang?!"bungad agad ng pamilyar na boses pagkapasok palang namin."Wag mo kong utusan pangit,kung ayaw kong umalis edi kayo nalang ang umalis hahaha"sambit ng lalaki.Napapalibutan sila ng kapwa naming estudyante kaya hindi namin makita ang nangyayari sakanila.Naglakad ako papalapit sakanila.
"Pare,bitawan mo yan babae yan"nakangiting sambit ko na bakas ang inis.Hawak niya sa kwelyo si Czyme na namumutla na.Binitawan niya naman agad ito tsaka nanginginig ito nang sulyapan ako.Napuno ng bulungan ang paligid. Tiningnan ko ng masama ang lalaki. Sinulyapan ko naman si Czyme na hinihimas ang leeg niya.
Lunapit ako sakanya at pinagmasdan ang mukha niya.Dalawang araw ko siyang hindi nakita o nakausap man lang dahil ayaw niyang lumabas o bumaba sa kwarto niya.Unti unti namang nawawala ang nga estudyanteng naka palibot sakanila kanina.
"Siguraduhin mo lang na hindi magpapasa ang ginawa mo sakanya"seryoso kong sambit sa lalaki na nakayuko na ngayon."Umalis ka na" patuloy ko.
"Pag yan nagkapasa Czyme wag kang lalabas ng bahay tingnan natin kong makakausap mo pa ako"inis kong sambit.Nagliwanag naman ang mukha niya."Mika mauna ka muna"baling niya sa katabi niya.Tumango naman ito tsaka naglakad.
"Kuya,Zhawn,Yshmael sorry sa mga nagawa ko.At Mauzyro sorry rin sa mga nagawa at mga nasabi ko sayo"senserong sambit nito."Alam mo Czyme,ang sarap pakinggan ng boses mo pagtinawag mo sa pangalan ang isang to hehehe"hagikgik ni Zhawn habang nakatingin kay Zyro.Sinamaan ko nang tingin si Zhawn kaya natahimik siya.
"Naiintindihan kita Czyme pero sana sa susunod hindi na aabot sa ganon"seryosong sambit ko sakanya."Malilintikan ako kina daddy pag nalaman ang nangyari sayo, nagsinungaling lang ako sakanila sa twing hinahanap ka"patuloy ko."Thank you kuya" sambit nito.
Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos ay bumalik na kami sa classroom.
![](https://img.wattpad.com/cover/129445878-288-k836674.jpg)