Czyme's POV
"Congrats ate Czyme!"
"Ang ganda mo Czyme!"
"You're so hot!Pwede kang mapasali sa J4!"
Sigaw ng mga nakakasalubong kong kapwa estudyante papunta sa locker ko.Nagpasalamat at nginitian ko naman sila.Kinuha ko lahat ng gamit na magagamit ko ngayong umaga pagkatapos non ay dumiretso na ako sa classroom.
"Good morning class,Congratulations Miss Requez as a representative and a third place"nakangiting sambit nito.Nginitian at tumango lang ako sakanya.
Yshmael's POV
Pinapalakpakan ngayon si Czyme at syempre pati kami dahil sa performance naming lima.Umagang umaga palang puri na agad ang natatanggap namin pagkapasok palang hehehe.Marami ring nagsasabing pwedeng ikabilang si Czyme sa pagiging dancer namin.
Hindi naman na ako magtataka kung sakaling maging isang dancer rin sya sa grupo namin. Katulad nya si Zymor,isang talented.
"Tomorrow,all class in Saint Dale International School are suspended" nakangiting sambit ni ma'am.Namutawi ang nag ' isang sigaw ng mga estudyante tuwing walang pasok (YES!).
"Okay class,dissmiss"masayang nagsipagtayuan at nagsilabasan ang mga kaklase namin.
"Czyme!sabay ka na samin"tawag ni Zymor sa kapatid nya na nilapitan pa niya ito."Mauna na k~~~"tatawa-tawa kaming lumabas ng classroom nang mabuhat niya na ang kapatid nya.
"Pumunta na kayo sa pwesto natin ako na ang bibili ng pagkain,libre ko"nakangiting sambit ko tsaka dumiretso sa pilahan.Maraming nakapila ngayon pero nasa unahan na agad ako dahil binigyan ako ng mga babae ng daanan.
Simpleng estudyante rin kami hindi kami makapangyarihan kaya wag niyo kaming itratong maghahari sa paaralang ito hahaha.
Zhawn's POV
"Sasamahan ko lang si Yshmael,dito ka lang Czyme subukan mong umalis matatamaan ka sakin"sambit ni Zymor na ikinabusangot naman ni Czyme.Gaya ng sinabi nya ay sumunod na sya sa kaibigan namin na kausap na ang kahera ngayon.
Ang pwesto namin ngayon ay ang pwesto naming magkakaibigan sakto lang sa apat pero kumuha ako ng isang mesa para ipagdikit ito na ngayon ay inuukupahan ni Czyme.
Nang dumating ang dalawa ay nagsiupuan na sila at inilagay na rin sa mesa ang mga pagkain.Katabi ko si Zyro ngayon na katabi nya rin si Yshmael,si Czyme at Zymor naman ang magkatabi sa kabila.
"Zyro,pwede nating isali si Czyme sa grupo natin as a dancer"nakangiting sambit ko tsaka ko sinulyapan si Czyme na ngayon ay tulala.Tumango-tango lang namin ito na sumulyap rin kay Czyme pero nagbawi rin sya ng tingin nang tumingin sakanya ito."Czyme,gusto mong sumali sa grupo namin?Maraming may gustong sumali ka sa grupo namin at pumayag naman ang leader namin.Hihintayin nalang namin ang sagot mo"nakangiting sambit ko pero wala paring nagbabago sa pagiging tulala nya.
"Hoy bansot!"sigaw sakanya ni Zymor na ikinabigla nya naman."Huh?"wala sa sariling tanong nya."Gusto mo bang sumali sa grupo namin?"pag-uulit na tanong ni Zymor sakanya umiling lang naman ito."Are you sure?Pero kung sakaling magbago ang isip mo tatanggapin ka parin namin.Kasi sayang naman yong talent mo pag di mo nilalabas" nanghihiyang na sambit ko.Sayang lang kasi talaga,baka mas maraming hahanga samin pag may babaeng isa,syempre maraming hahangang lalaki kay Czyme sa astig nya bang yon.
Nagsibalikan agad kami nang matapos kaming kumain.Nauunang naglalakad si Czyme na tulala parin,wala sa huwisyo.Tsk.Kahapon naging maayos naman sya.
"Akala ko hindi nya na iisipin ang nangyari pero nagkamali pala ako...ginawa niya nang maayos ang performance nya pero hindi parin mababago ang mga nakaraan ng pagitan nila ng lola namin.Na akala ko tanggap niya na pero hindi parin pala.Akala ko,dahil sa naglayas sya gusto niyang kalimutan ang mga pangyayari sa murang edad niya pero maling mali ako.Sa dalawang taon na wala sya hindi ko alam kung siya pa ba ang dati kong kilalang Czyme"emosyonal nyang sambit habang naglalakad kami na nakatingin sa likuran ni Czyme.
"Gusto ko lang sabihin na...kahit gano kalungkot ang kapatid mo dapat andon ka sa tabi niya.Mas mahihirapan ka lang dahil sa nakikitang mong sinasarili niya ang kalungkutan nya,damayan mo sya sa kalungkutan,kasiyahan at mga problema niya para hindi kayo parehong nasasaktan" senserong sambit naman ni Zymor sakanya.
Nagdiretso nalang kami sa upuan namin at kasunod non ang pagpasok ng Filipino subject namin.Liningon ko si Czyme na wala paring pinagbago.Nasa likod rin sya katulad naming apat.Czyme,Yshmael,ako,Zymor at si Zyro.Sa kanan ang pwesto nya na medyo katabi ang bintana.
Hindi ko namalayang nagsusulat na pala si ma'am sa blackboard kaya inilabas ko na ang notebook ko para magsulat.Sumulyap uli ako kay Czyme pero wala parin talaga kaya kinalbit ko si Yshmael.
Tumingin sakin si Yshmael matapos ko syang kalbitin tsaka ko ininguso si Czyme."Kausapin mo,baka mapagalitan pa yan kay ma'am" bulong ko sakanya.Ginawa nya rin ang sabi ko kaya nagtuloy na ako sa pagsusulat.
"Pwede na kayong umuwi pagkatapos niyo, may pagpupulong ang lahat ng guro" sambit ni ma'am habang tinitingnan ang librong hawak nya.
Nagsilabasan na kami nang lumabas si ma'am. "Dre tambay muna kami sainyo"sambit ko sa walang imik na si Zymor na nakatingin parin sa kapatid nya.
Nagsakayan na kami sa kotse namin at gaya nga ng sinabi ko pupunta muna kami sa baya nila.
Mabilis na nakarating ang magkapatid sa bahay nila na kasunod lang kami.Pumasok kami kasabay si Zymor,si Czyme naman ibinaba nya ang gamit nya sa couch tsaka dumiretso sa refrigerator.
"Pahingi naman"sabay agaw ni Zyro sa isang pack ng biscuit pero di lang sya pinansin ni Czyme.Dumiretso sa couch si Czyme at isinindi ang TV.
Mang-aasar ka na nga sa taong wala pa sa huwisyo makiramdam ka naman dre hahaha.
"Hahaha dre,anong trip mo hahaha?" pagpipigil ko ng tawang tanong sakanya.Bigla nya nalang ako nitong binatukan kaya napatigil ako sa pagtawa ko."Ewan ko sayo!"inis na sambit nito.
Dedma ang lintik nag-inarte pa hahaha!
"Alam kong nag-aalala ka sakin kuya,okay lang ako promise.Hayaan mo muna ako kahit ngayon lang please"sambit ni Czyme na nakangiti sa kanyang kapatid na nakaharang ngayon sa screen ng TV.
Isa rin to eh,mga tukmol pala kayo alam niyo na nga ang pinagdadaanan ng tao nangungulit pa kayo hahaha.
