Mauzyro's POV
Gumising ako nang maaga dahil 7:30 in the morning magsisimula ang pageant.Nabanggit pala skain ni ate na kaibigan nya ang mag aayos kay Czyme.
Pagkabihis ko dumiretso na ako sa kwarto ni ate Jona."Ate gising na 4:50 na,maaga pa ang program ngayon"panggigising ko sakanya. Umungol naman ito at nang mapansin nya ako ay napabalikwas sya."Oh my god!Am I late?!"tanong nya.OA."No,bumagon ka na dyan"sabi ko nagulat nalang ako nang sumigaw ito."Kyaaah!I can see the new Czyme!"ang OA talaga ng ate ko.
Bumaba nalang ako para kumain.Umakyat uli ako sa kwarto ko para ayusin ang itsura ko.
"Don't be late...She's simple hindi yon maarte..oo nga..okay bye...agahan nyo"rinig kong bunganga ni ate.
"Zyro dalian mo ikaw magbuhat nitong dala ko"sambit nya sa labas ng pinto ko kaya binilisna ko nang ayusin ang sarili tsaka lumabas.
(-___-)
Gown,make ups and sandals."Magaan lang to wag kang mag inarte"bulyaw nya sakin.Inis na kinuha ko naman ito sakanya.
Zhawn's POV
"Dre tawagan mo nga si Zyro,si Czyme nalang ang walang tigaayos"nag-aalalang sambit ni Zymor.Mas kinakabahan pa tong isang to kesa sa pambato namin hahaha.
"Czyme sila ang mag-aayos sayo"turo ni dean sa dalawang baklang kasama nya."Sumama ka nalang sakanila,boys pumunta narin kayo sa gym kailangan rin ako sa stage"paalam ni dean kaya sumunod na kami.
Naglalakad kami ngayon papuntang gym.
"Kyaahh!!kyaahh!"
"I love you Zymor!"
"Will be mine Zyro!"
"J4 kyaaaahh!!"
Nakakabinging sigawan ng kapwa naming estudyante.Pumunta kami sa harapan at pumwesto.At nagsalita na ang emcee.
"Good morning every one,may I announce that ten minutes left to prepare all the candidates and the pageant will start"paalala ng emcee.
Czyme's POV
"Good morning every one,may I announce that ten minutes left to prepare all the candidates and the pageant will start"emcee.
Saktong tapos naman na akong ayusan ng dalawang bakla.Pumwesto na kami sa likod ng stage.Ang suot ko ay itim na short at hanging na puting sleeveless."Good luck Miss Requez" sambit ng dalawang bakla tsaka umalis.
"Candidate number 1:Lea Salazar!!"masayang sambit ng emcee.Puros sigawan ang namumutawi sa buong gym halatang marami silang supporters.
"Candidate number 2:Genalyn Ramirez!!" sigawan ulit.Kumabog ang dibdib ko nang ako na ang susunod sakanya.
"Candidate number 3:Czyme Ember Requez!!" Nang makaakyat ako ay tumapat agad ang spotlight sakin.
"Czyme Ember Requez!!ang ganda mo!!" umalingawsaw ang boses ni kuya dahil sa wala man lang umimik nang umakyat ako sa stage.Maraming manunuod ang nakatulala at may narinig akong bulungan.
"Sya tong transferee sa section ng J4"bulongan nila."Sya yong babaeng nerd na laging umieksena"natatawang bulong naman ng isa.Nagpatuloy lang ako sa ginawa ko at bumaba na.
Pagkatapos nang dalawang natirang candidate ay nagpalit ulit kami ng damit namin.Damit para sa talent namin.Nagsuot ako ng black na T-shirt na katerno parin ang black kong short tsaka black rin na high cut shoes.Inayos rin ng dalawang bakla ang mukha ko.
