Czyme's POV
"Hintayin mo naman kami Czyme!" natatawang aniya ni Zhawn.Kakatapos lang kasi ng klase namin ngayon kaya pauwi na kami. "Mag-antay ka bansot wala kang karera" bulong sakin ni mukong na umakbay pa sakin."Nagugutom na nga ako,kung ayaw niyong magmadali edi ako nalang"sabi ko sakanya at inalis ang kamay niyang nakaakbay sakin tsaka nagmadaling naglakad papuntang parking area.
Hindi na ako nagdala ng sasakyan ko kasi sumabay na ako kay kuya kaninang umaga at napag-usapan na ein namin ni mukong na siya ang maghahatid pauwi sakin.Pinagbuksan niya ako ng pinto pati dala kong gamit kanina ay siya na rin ang nagdala.
Bumusina sina kuya bago umalis at sumunod naman kami sakanila."Diretso muna tayo sa mall kung gusto mo?"tanong nito sakin habang nagmamaneho,tumango nalang ako sakanya. "May laban daw kayo mamaya?"seryosong tanong ko sakanya."Pwede bang minsan iwasan niyo rin ang laban kahit may mag-aya sainyo?"tanong ko uli sakanya."Opo bansot" sagot nito na pilit ang ngiti.Alam kong hindi niyo maiiwasan ang ganyan kaya iintindihan ko kayo.
Gaya kanina ay pinagbuksan uli niya 'ko ng pintuan pagkarating namin sa mall.Dinala niya ang bag ko,nandon kasi yong pera ko."Sa Saturday na ang birthday ng mommy ni Zhawn babe,may isusuot ka na ba?"tanong nito sakin.Oo nga pala pupunta kami sa birthday ng mommy ni Zhawn."Meron na"sagot ko sakanya.Okay lang sakin kahit tawagin akong babe ng lalaking 'to.
Tiningnan pa ng guard ang karga ng bag ko bago pinapsok si Mauzyro."Aattend si ate bansot, siguradong aayusan ka na naman ng babaeng yon.Bibilhan nalang kita ng isusuot mo ngayon,pag si ate kasi ang bibili tatambad ang katawan pag pumili yon ng damit"daldal nito sakin habang nakaakbay pa.
Dumiretso kami sa pamilihan ng damit.Wala akong ginawa kundi ang isuot lahat ng napipili nito.Bakla.Lahat ng pinipili niya ay kung saan ako komportable."Pwedeng mag pants nalang?"tanong ko sakanya habang namimili siya."Dress babe,ako na ang pipili ng susuotin mo para di ka mabastos"aniya nito.Ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko.
Dalawa ang binili niya sakin at dalawa rin sakanya.Inilabas nito ang wallet niya at binayaran ang nagkakahalagang two thousand pesos.
Lumabas na kami at dumiretso sa restaurant. "Mukong,ako na rin ang magbabayad"sabi ko sakanya pero umiling lang siya."Ako na babe, mag-oorder na rin ako para kina tita at sa mga kaibigan ko"aniya nito at tumingin na sa menu."Kina ate Jona at sa parents mo?"tanong ko sakanya pero tumawa lang sya."Nandito sila ngayon panigurado,mahilig sa shopping si ate kaya malamang kakain yon dito"aniya niya.
Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami para maggrocery.Humila siya ng push cart at itinulak ito kung saan ako pupunta.
Mauzyro's POV
"Don muna ako sa may chocolates mukong" paalam nito sakin.Sumunod ako sakanya at may kausap siya sa cellphone.
"Kumain na kami ni mukong dito kuya... Oo, dyan nalang sya kakain mamaya sa bahay.. Okay,Sige.Bye"aniya nito at ibinalik ang cellphone sa palda niya.Lumapit ako sakanya na nangunguha ng stick-O."Nasa bahay sina Zhawn don ka na kumain mamaya"sabi nito sakin na inilalagay ang kinuhangvstick-O sa push cart."Don na rin ako matutulog sainyo" biro ko sakanya."May pasok bukas,sa susunod nalang"paalala nito na ikinangiti ko.
Matapos naming bilhin lahat ay umuwi na kami sa bahay nila.Bumili na rin kami ng regalo ni tita sa birthday niya.
Dumiretso muna ako sa gasolinahan para magpagasolina."Five hundred"sabi ko sa lalaki."Magbabanyo muna ako"paalam sakin ni Czyme,bababa palang sana ako para pagbuksan sana sya pero pinigilan niya na ako.
