Chapter 22

3.4K 86 0
                                        

Yshmael's POV

Nandito kami ngayon sa rooftop ng school.Tatlo lang kami ngayon dahil nasa hospital parin si Zymor.Napag-usapan na rin namin na dadalawin namin siya mamaya kasama si Dean. Pumasok si Czyme ngayon pero niya parin kami kinakausap.



"Tungkol sa babae kahapon,anong balita?" tanong ko sakanila.Mabilis na naglaho kahapon ang babae hindi man lang namin naramdaman ang pagdating at pag-alis niya."Lady in your dark nightmare"napapaisip na sambit ni Zhawn."Dre,she's your lady"natatawang sambit nito habang nakatingin ke Zyro.Tiningnan naman niya ito ng masama kaya tumigil siya sa pagtawa."We're five together with that lady dre"seryosong sambit ulit ni Zhawn.Dark Nightmare ang codename ni Zyro sa gang namin at siya rin ang leader.


Nagsibalikan kami sa classroom nang tumunog ang bell.Naglalakad na kami papuntang classroom na nasa second floor."Wala ang mga teacher ngayon,may meeting sila"malanding sabi ni Monique sa tenga ko nang makasalubong namin siya.



Pumasok kami sa classroom para kunin ang bag namin.Sinulyapan ko ang upuan ni Czyme pero pati ang gamit niya ay wala.Kinuha namin ang bag namin tsaka dumiretso sa locker namin para ibalik ang ibang libro doon.



"Oh.....Bakit?......Oo,Sige pupunta na kami"nangibabaw ang pag-aalala ni Zyro sa likod namin na nahuhuling naglalakad.


"Si Czyme nasa clinic sabi ni ate"sambit nito na nauuna nang naglalakad kesa samin.Mabilis rin kaming sumunod sakanya papuntang clinic.


Pumasok agad kami sa loob ng clinic at tumambad samin ang nakatulog na si Czyme na may nakakabit sakanya.


"Marami ang nawala sakanyang dugo na naging dahilan ng mawalan siya ng malay. Dinala siya dito ni Mang Oscar"sabi ng nurse na nakabantay ke Czyme."Dugo?"takang tanong ko na ikinatango niya."May malalim siyang sugat sa braso"paliwanag nito.Saan niya naman nakuha ang sugat niya?



"Wala bang klase ngayon?"tanong ni Czyme na kakamulat lang.Umiling naman ako.Tinulungan ko siya sa pagbangon."Ano pa bang ginagawa niyo dito.Puntahan niyo si kuya hihintayin kayo non"tuloy niya habang hawak ang kaliwang braso niya."Kasabay ka nalang namin mamaya"senserong sambit ni Zyro. "Kaya ko ang sarili ko"nakangising sambit nito.


Tinanggal nalang nito ang nakaturo sa likod ng palad niya."Czyme bumalik ka don"utos sakanya ni Zyro pero hindi siya nito pinakinggan.Dumiretso sya sa couch at kinuha ang bag niya."Miss Requez magpahinga po muna kayo"tawag rin sakanya ng nurse peeo hindi rin siya pinansin nito.



Czyme's POV

(0____0)

"Ano ba mukong,ibaba mo nga ako!" nagkukumawala kong sabi habang buhat buhat ako pabalik sa clinic."Zyro,yong sugat ni Czyme"paalala naman sakanya ni Zhawn na di man lang ito pigilan.



"Pagsinabi kong bumalik ka,babalik ka!"inis na sambit nito kasabay ang pagbagsak sakin sa hospital bed.Napaigtad nalang ako dahil sa naramdamang kirot galing sa balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin."Ang sabi ko,kaya ko ang sarili ko!"bulyaw ko sakanya pero kumunot lang ang noo niya.Binalingan ko naman ang dalawa niyang kasama na umiiling na.

Akmang aalis na naman ako nang biglang pumunta sa harapan ko si Mauzyro na halos magkadikit na ang mukha namin para pigilan na naman ako."Puputok na ang pantog ko!"inis na sambit ko sakanya,nahihiyang umalis naman siya sa harap ko.Tatawa-tawa sina Zhawn at Yshmael nang sulyapan ko sila.


Dumiretso ako sa banyo ng clinic.Inis na inilabas ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniform ko at idenial ang number ni mommy.


[Hello,baby?]sabi ni mommy sa kabilang linya.

"Kamusta si kuya?Papunta na ako dyan" paalam ko sakanya.

[He's okay,mag-ingat ka baby.Hihintayin ka ng kuya mo]

"Okay mom,Bye"pagputol ko sa kabilang linya at lumabas na sa banyo.

Mauzyro's POV

"Pinapapunta ako ni mommy at daddy sa hospital.Mauuna na ako"paalam ni Czyme na kalalabas lang sa banyo habang inaayos nito ang salamin niya."Ihahatid ka na namin,para makita rin namin ang kuya mo"sabi ko sakanya.Tumango lang ito at lumabas na hawak ang braso niya.



"Gamit ko ang kotse ko mauuna na ako" paalam nito at sumakay sa kotse niya.Bumusina ito samin bago umalis.Nagsakayan rin kami sa kotse namin at sumunod na nagmaneho papunta sa hospital.



"Dre,andito na pala si Dean"sabi sakin ni Yshmael na kakababa lang sa kotse niya.Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang kotse ni ate Jona na katabi lang ang kotse ni Czyme.



Pumasok na kami sa hospital at dumiretso sa ikatlong palapag ng hospital.Pumasok kami sa elivator."Okay lang naman kahapon si Czyme panong nagkasugat yon?"takang tanong ni Zhawn sa tabi ko.




Lumabas kami nang magbukas ang pinto nito at dumiretso sa kwarto ni Zymor.


"Sa lagay mong yan nakakapagyabang ka pa hahaha"rinig ko agad ang boses ni ate pagkapasok namin."Ganon talaga pag gwapo Dean hahaha"hagalpak rin ang tawa ni Zymor. "Kuya,nariyan na ang mga kaibigan mo" tumigil sa pagtawa ang dalawa nang sabihing nandito na kami.Pumasok naman kami at dumiretso sa tabi niya.




"Kailan ka makakalabas dito?"tanong ko agad sakanya.Kumunot naman ang noo nito kasabay ang mahinang pagtawa."Bukas"nakangiting sambit nito."Zymor,Mr. And Mrs. Requez aalis na po muna ako may gagawin pa ako sa school"paala ni ate.Lumapit naman ito ke Czyme tsaka hinalikan sa pisngi.



"Wag mo ring pababayaan ang sarili mo Czyme.Aalis na muna ako"sambit nito tsaka umalis na.



"Oh my god!Baby what happened to your arm?!" nag-aalalang tanong nito sa anak niya. Napatingin ako sa mag-ina."Okay lang ako mommy"aniya niya na iniiwas ang braso na hahawakan ng kaniyang ina.Napaupo rin si Zymor sa tabi ko na nakatingin sa kapatid niya.




"My god!dad dumudugo!"naghihisterikong sambit ng mommy nila  na nagugulat sa balikat ni Czyme. "Anong nangyari dyan?"tanong ni Zymor sa kapatid niya."Aksidenteng nadulas ako sa may bakuran kuya may nakausling yero doon tumama ang braso ko"pilit na ngiting sagot nito.



"Ipapagamot ko lang muna to kuya,didiretso narin akong bibili ng makakain natin" pagtatapos sa usapan ni Czyme at naglakad sa harapan namin."Sasamahan ko muna siya" paalam ko ke Zymor,tumango naman ito.



"Sasamahan na kita"sabi ko sa likuran niya. Hindi niya ako sinagot kaya nakisabay na ako sa paglalakad sakanya."Ayos ka lang?"tanong ko sakanya na hawak hawak ang brasong dumudugo.Tinanguan lang ako nito at nagpa assist sa nurse.



"Anong napapala niyo sa pagsali sa gang?Meron naman sainyo ang lahat"seryosong sambit nito habang ginagamot ang kamay niya. Hindi ko siya sinagot at pinanuod lang ang ni nurse na ginagamot siya."Nurse ako nalang po,salamat"sabi niya habang inaayos ang salamin niya.Umalis naman ang nurse at iniwan ang mga gamit.




Kinuha ko sakanya ang ipit na may bulak na basang basa ng betadine."Hindi porke kasali kayo sa gang katatakutan na kayo ng lahat. Lahat ng nasa paligid niyo may kaniya-kaniyang sama ng ugali.Hindi porke bata o matanda wala na silang gawaing masama" napatingin ako sakanya dahil sa mga sinabi niya."Pero ang gawain nilang masamang yon may dahilan,may dahilan ang paghihiganti nila"patuloy nito.




Naglaban ang mga titig namin."Ano bang nangyari kahapon?"tanong nito at nag-iwas ng tingin."Sinaksak siya ng kalaban namin.Hindi ko nabantayan ang kuya mo dahil sa kapabayaan ko"paliwanag ko sakanya."Wala kang kasalanan.Hindi niyo naman hahayaang mangyari yon kay kuya kung unti lang ang kalaban niyo.Alam kong marami ang kalaban niyo,pagod rin si kuya kahapon kaya siguro hindi siya nakapaghanda ng maayos" paliwanag nito.Ngumiti siya sakin kaya napangiti na rin ako.



"Salamat"sabi nito tsaka tumayo."Walang anuman"nakangiting sagot ko sakanya."Bili muna tayo ng panghapunan.Dito ka na kumain bago kayo umalis"sabi nito.Tumango nalang ako tsaka kami lumabas.

That Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon