Zhawn's POV
Nakalipas ang isang araw nang matapos ang aming presentation at masaya kami dahil pangalawa kami sa limang grupo.Natuwa lahat ng judge or teacher na naging judge dahil sa maganda at nakakainspire ang ginawa namin.
Nandito kami ngayon sa canteen kasama ang mga kaibigan ko."Dre diba nong araw na sinabi ni ma'am na may quiz,wala ron ang kapatid mo?"tanong ni Zyro.Oo nga wala siya don at ang ikinatataka lang namin ay bakit sya ang highest.Hindi naman na bago samin na matalino si Czyme pero nakakapagtaka lang talaga na fourth year high school and first day of school ay wala sya pero sya ang highest."Oo nga,alam naman naring tatlo na matalino talaga ang kapatid mo except kay Zyro" nagtataka ring sambit ni Yshmael."MATALINO nga diba,nagtataka nga rin ako don"medyo may yabang na sambit nito sa salitang matalino."First,wala sya nong ituro ni ma'am ang topics natin.Second,hindi naman siya pwedeng magpaturo kay ma'am I mean yong tuturuan sya nang mag-isa.And last,wala pa namang binibigay na libro unless itinanong nya ito kay ma'am at nagsearch"paliwanang ko.Nakakapagtaka lang talaga.
Pupunta kami ngayon sa gym para maglaro muna ng basketball dahil maagang nagpauwi ang teacher namin ngayong hapon.
Gymnasium
Madaming estudyante ngayon dito.Habang papunta kami sa bench ay maraming mga babae ang sumisigaw.As usual sinisigaw na naman ang pangalan namin at ang pangalan ng grupo.Hindi naman na bago samin to kaya hindi na kami nagrereklamo pa pero nakakairita lang ang mga boses nila.Tsk.
May isang babaeng papunta sa gawi namin ngayon.Lapitin kami ng mga babae kaya medyo sanay na hahaha.Nang makalapit ito ay may iniabot syang isang bottled water kay Zyro. Tinanggap nya naman ito ng nakangiti na naging dahilan ng pag-ngiti ng babae na halos makita na ang kanyang gilagid.Paniguradong may kalokohan na namang gagawin yan hahaha.Ni minsan hindi pa yan tumatanggap ng kahit ano galing sa hindi nya kilala or kaibigan. Hindi nga ako nagkakamali or kahit kailan ay hindi talaga dahil gumawa ulit sya nang kalukuhan pero......
(0____0)
Napatulala kami sa ginawa nya ULIT.Sya lang ang babaeng kumakalaban sa leader namin tsk.
"Subukan mo"nakangisi nitong sambit habang hawak ang kamay ni Zyro.Inis namang ibinaba ni Zyro ang kamay nya at simaan nya ito ng tingin.Nakahanap ka na ba talaga ng katapat mo Mauzyro hahahaha.Masama ang tingin sakanya ni Zyro pero nakangisi parin ito.Maraming nagbulungan sa paligid.Napalingon rin ako kay Zymor pero pareho lang kaming tatlo na nagulat sa ginawa nya.Ang bilis nya hindi ko man lang naramdaman ang presensya nya.Tumakbo ang babaeng nagbigay ng bottled water kay Zyro. Napuno ng katahimikan ang pagitan nila.Sa pagtitigan nila ay biglang kinindatan at nginitian ito ni Czyme tsaka umalis."Bwesit ka bansot!"inis na sigaw ni Zyro.Pikon ang loko hahaha.Ngayong may katapat ka na titigil ka na ba?haha.
Hindi na kami nagtuloy na maglaro dahil halatang pikon at nabwesit ang isang kasama namin hahaha."Dre kapatid mo lang ata makakapagpatigil dito"bulong ko kay Zymor tsaka inginuso si Zyro na kunot na kunot ang noo at salubong ang kilay.Tumahimik lang ito at titig na titig parin sya sa hindi mapakali si Zyro.Pikon haha.
Nagkayayaan muna kaming pumunta sa isang cafe na popular dito.Nagsisakayan kami sa sarili naming kotse.Naunang umalis si Yshmael na kasunod lang nito ang kotse ko at sabay naman sila ni Zymor at Zyro.
Prrrrrt!!
Nasa kala gitnaan na kami ng pagmamaneho nang biglang mapatigil ang sasakyan ni Yshmael kaya napatigil rin kaming nakasunod lang sakanya.Bumusina ako kay Yshmael dahil hindi parin ito umaandar.May dalawang itim na kotse ang humarang sa daan.
Bumaba kami sa kaniya kanya naming sasakyan tsaka tiningnan ang nakaharang sa daan. Nagsibabaan naman ang limang tao sa bawat kotse.Malayo palang ay kilala ko na,sila yong mga nakalaban namin.
"Kamusta na Mauzyro?"nakangising tanong ng pinaka leader nila,ang leader ng Hyke Minus Gang kilala bilang HMG."Ito gwapo parin" nakangiting sagot nito."May sasabihin pa ba kayo?Kung wala na wag kayong paharang- harang sa daan dahil may mas importante pa kaming gagawin kesa pag aksayahan kayo ng oras"Nababagot kong sambit.Sa dinami rami ng pagkakataon ngayon pa kayo sumingit,sa panahong pikon lang kanina ang leader namin pero ngayon mahangin na hahaha.
Czyme's POV
Naglalakad ako ngayon pauwi dahil iniwan ako ni kuya.Pumunta kasi ako kanina sa music room para magpahinga matapos ang nangyari sa pagitan namin ng mukong na yon.
"May sasabihin pa ba kayo?Kung wala na wag kayong paharanh harang sa daan dahil may mas importante pa kaming gagawin kesa pag aksayahan kayo ng oras"napatigil ako dahil sa narinig kong pamilyar na boses.Nagtago ako dito sa kotse ng isa sa mga kaibigan ng kuya ko.
Sampung lalaki laban sa apat na lalaki ang nakikita ko ngayon sa labanan,so unfair. Umiiwas naman ang tatlo pero napapataman parin sila dahil sa dami ng mga ito.Inilabas ko ang cellphone ko tsaka isinaksak ang headset pero walang tugtog.Naglakad ako sa harap ng mga ito na nagkukunwaring hindi ko sila napapansin at naririnig.
Isinadya kong mahulog ang nakasaksak na isang headset nang makapunta ako sa gitna nila. Napatigil sila sa paglalaban at may nagtatakang tingin.Nagkunwari akong hindi aware sa mga ginagawa nila.
Sinulyapan ko si kuya pero masama ang tingin nya sakin at may nagtatakang tanong pero di ko lang ito pinansin."Kuya andito ka lang pala, kanina pa ako naglalakad di mo man lang ako hinintay.Anong ginagawa niyo rito?" pagkukunwari ko.Mas sumama naman ang tingin nya sakin.Di man lang ako sakayan ng lintik na to.
"Apat laban sa sampo,huh?"nakangiti kong sambit at itinigil ko na ang pagkukunwari,tutal nakuha ko naman na ang atensyon nila. Sinulyapan ko ang dalawang sobra. Nagkatinginan naman ang mga ito at tiningnan ako ng masama kasabay ng pagsugod nila sakin kaya umiiwas ako.Saby sumugod ang dalawa pero madali lang naman sila,kaya tumba agad.
Sinulyapan ko ang apat kong kasama pero di parin sila tapos.Pinanuod ko lang sila hanggang napatumba na nila.Tiningnan nila ako nang masama."Bakit ka pumunta rito?!"galit na tanong ni kuya."Kuya daan to pauwi" nakangiting sagot ko.Magtataka na tong mga to eh.Mas sumama ang tingin nya sakin."Alam mong delikado kanina nagpatuloy ka pa!" sigaw nya.Galit na talaga to."Hindi ko kayo napansin,okay.Tsaka anong malay ko sainyo eh dito ang mas madaling daan pag uuwi ako"pinaparamdam kong inis ako, nagbuntong hininga naman si kuya."Pano mo nagawa yon?"takang tanong sakin ni mukong patungkol nya sa dalawang nakahandusay."May kahoy ako dito sa bag yon ang ginamit ko" pagsisinungaling ko.
"Umuwi na tayo baka gabihin pa tayo.Sa susunod na araw nalang ang nahudlot nating gawain"seryosong sambit ni kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/129445878-288-k836674.jpg)