Czyme's POV
"Pwede nang iuwi ang kuya mo"nakangiting sabi sakin ni daddy na kakapasok lamang. Umuwi na rin ang tatlong kabigan ni kuya matapos naming kumain.Tutulungan ko na sana siyang tumayo pero pinigilan nya lang ako."Wag na,baka mapano pa yang sugat mo"seryosong sabi nito tsaka tumayo siya ng mag-isa.
Binuhat rin lahat ni daddy ang kaunting gamit ni kuya.Ayaw rin akong pagbuhatin nila mommy dahil sa sugat ko.
Sumakay kami sa elevator,tinulungan naman ng lalaking nasa loob ng elevator si daddy para buhatin ang dala niya.Hawak-hawak rin ni mommy si kuya na animong inaalalayan.
"Thank you"sambit ni daddy sa lalaki matapos siyang tulungan nabuhatin ang gamit papunta sa kotse namin."You're welcome,sir"nakangiting sambit nito tsaka nagpaalam.
Sumakay kami sa kotse ko na ginamit ko kanina galing sa school.Yong sasakyan ni kuya ay inihatid ni daddy sa bahay kahapon.Bago ako pumasok kanina sumabay sakin si daddy para pumunta dito.
Nasa backseat kami ni kuya si mommy naman nasa passenger seat at malamang si daddy ang nagmaneho.Halos ayaw akong pagalawin ng pamilya ko dahil sa sugat ko.Simpleng sugat lang naman ito hindi ko pa 'to ikamamatay.
"Masakit pa ba yang sugat mo?"tanong ni kuya sa tabi ko kaya nilingon ko sya pero hindi siya nakatingin sakin."Hindi naman na ganong masakit kuya"sagot ko sakanya tsaka ibinalik ang paningin sa harapan."Kailangan na pala nating magpractice kuya para sa performance natin"paalala ko sakanya na sinabi rin ni ma'am sakin kaninang umaga.Tumango nalang ito at wala nang nagsalita.
Zymor's POV
Inalalayan ako ng kapatid ko sa pagbaba nang makarating kami sa bahay.Hinawakan niya ako sa braso."Okay lang ako,mas mabuti pang magpahinga ka nalang para di na gaanong magalaw yang sugat mo"sabi ko sakanya kaya binitawan niya ako.
Pumasok siya sa loob ng bahay.Tiningnan ko naman si daddy at mommy na nakatingin na pala sakin."Nag-aalala lang sayo ang kapatid mo Zymor"sabi ni daddy habang papalapit sakin.Tiningnan ko naman si mommy na bakas sa itsura niya ang pag-aalala."Hindi nakatulog ang kapatid mo kagabi.Nasa hospital siya kagabi,nagbabantay sayo.Buti nga't napapayag ko siyang umuwi kaninang madaling araw dahil may pasok kayo"sabi ni daddy habang hinihimas ang balikat ko.
Napayuko nalang ako dahil sa nalaman ko.Hindi tama ang inasta ko sa kapatid ko matapos ang ginawa niya."Mommy,umakyat na kayo sa kwarto ako na ang bahala dito unti lang naman ito"nakangiting sabi ni daddy kaya tumuloy na kami ni mommy sa loob."Wag kang basta basta gumalaw baka bumuka yang tahi ng sugat mo"paalala sakin ni mommy na naiwan sa couch.Tumango ako sakanya bago umakyat sa taas.
Nang makapasok ako sa kwarto ko inilabas ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Zymor para sabihing nakauwi na ako.Nakakadalawang ring pala ito pero nasagot na agad niya.Nailayo ko sa tenga ko ang phone ko dahil sa ingay sa kabilang linya.
"Bakit ang ingay?"takang tanong ko sakanya.
[Nasa bar kami dre,sorry di ka na namin nakasama dahil hindi ka pa pwede]sagot niya sa kabilang linya.
"Nakauwi na pala ako,pinayagan na akong umuwi ng doctor kanina pagkaalis niyo"paliwanag ko.
[Lintik na yan,uuwi ka rin naman pala pinatagal pa.Edi sana nakasabay ka namin] inis na sambit nito.Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Sige na,magpapahinga pa ako pumunta nalang kayo dito bukas.Mag-ingat kayo dyan"paalam ko sakanya tsaka ibinaba ang linya.
Mauzyro's POV
