Zymor's POV
Nang makarating kami sa bahay ay umupo agad ako sa sofa.Si Czyme naman ayon nagmadaling umakyat sa kwarto nya.Ang kapatid kong walang kataste taste sa pananamit kung tawagin namin pero ngayon nganga kami sakanya.Maganda sya.Sobrang ganda,litaw na litaw ang kagandahan nya kahit sinple lang lumilitaw ein ang maputo nyang kulay sa dress na yon.
"Hijo,kain na kayo tatawagin ko lang ang kapatid mo"sabi ni manang.Tumayo nalang ako tsaka dumiretso sa dinning area.Nakahain na ang pagkain kaya kumain na ako.
Ang kagandahang matagal ko nang hindi nakikita sayo.Ang kagandahang hinihintay ko na nawala nang maglayas ka.Yong dating babaeng prinsesa ko ay dumating na.
"Kuya tatawag mamaya sina mommy pumunta ka nalang sa kwarto ko"sabi sakin ni Czyme na hindi ko man lang napansin ang presensya nya.
Pagatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo.
Kumatok ako sa pinto ni Czyme nang makarating ako."Pasok na kuya"excited nitong sabi. Pumasok naman ako at tumabi sa nakadapa si Czyme sa higaan nya.Pinalo ko naman ito sa puwet dahilan ng pagkakabangon nya."Yong puwet mo kasi inaagaw nya ang atensyon ko"sabi ko sakanya sinamaan nya naman ako ng tingin."Manyakis!"sabi nya sabay palo sa braso ko.Natigilan kami sa ginagawa namin nang andon pala sa sina mommy.Hindi ko man lang sila napansin di rin naman sinabi ni Czyme.
"Baby,sabihin mo nalang sa kuya mo kung ano yong napag-usapan natin.Kailangan ko nang patayin ko.I love you"paalam ni mommy. Napatingin naman ako sakanya."Bat di mo ko tinawag?"inis kong tanong sakanya. "Katatawag lang rin nila kuya may sinabi lang sila sakin tapos non nagpaala na"sumusukong aniya.
"Next month dadating sila at may ireregalo sila satin"masayang sambit nito.Napabuntong hininga nalang ako tsaka humilata sa kama nya.Humiga rin sya sa tabi ko.
Kinabukasan
Yshmael's POV
Linggo ngayon kaya ito rin ang huling practice namin.Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain namin pagkadating ko mamaya.
"One box of donut and six mucha"order ko.Kinuha naman ang order ko."367 pesos sir"sambit nang babae ibinigay ko naman ang five hundred pesos."Keep the change"at tuluyan na akong lumabas.
Kring...kring..
"Nasan ka?"hinihingal na tanong ni Zymor sakin."Malapit na bakit?"nagtataka kong tanong sakanya."Dalian mo kung sakaling makakasalubong mo si Czyme pasakayin mo,ibababa ko na"tsaka nya ibinaba ang linya kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho dahil sa pag aalala.
Napahinto ako nang makita ang pamilyar na babaeng naka upo sa damuhan.Inilabas ko agad ang cellphone ko tsaka idinial ang number ni Zymor."Dre nandito sya sa malapit sa may sakop ng lupa nina Zyro pumunta nalang kayo dito lalapitan ko sya"sabi ko tsaka maglakad papalapit sakanya nang patayon ko na ang linya.Ganto na ganto ang nangyari dati.Siya yong kilala kong paghindi na kaya ay umaalis at pinipiling mapag isa gaya nong dati.
Flashback
"Lola please wake up"sabi ni Czyme habang sinisilip ang lola nyang nakahiga sa hospital bed na wala nang buhay."Czyme tahan na,tahan na"mangiyak iyak ring pigil ng kapatid nya sakanya.Kaming dalawa ni Zhawn ang kasama nilang magkapatid dahil wala silang makakaramay sakanila dahil nasa malayo ang mga magulang nila.Humagulgol sa iyak ang kapatid nya,nahihirapan syang tingnan na nasa ganong sitwasyon ang kapatid nya sa murang edad niyang yon."Czyme tahan na"sambit nya pero hindi parin sya pinansin ito kaya yinakap nya nalang ito."Kuya sabi ni lola hindi niya ko iiwan pero bat ngayon?!Lola gumising ka dyan"humagulgol na talaga sya,nakakaawang tingnan na sa murang edad nya ay nakakaranas sila ng gantong problema na wala man lang silang makaramay na higit samin.
Sa isang linggong lumipas ay ngayon ang libing ng kanilang lola.
"Lola you promised me that you will never leave me.Kahit san ka man ngayon sana lagi mo akong bantayan"walang araw na hindi sya umiiyak.Namayat rin sya dahil sa puyat at hindi kumakain ng wala sa oras.
Namatay ang lola niya dahil sa ligaw na bala.Mula nang araw nayon,maski anino ni Czyme ay hindi namin nakita at nabalitaan nalang naming naglayas sya.
End of flashback
Mauzyro's POV
Gamit ang kotse ko ay pumunta kami sa sinabi ni Yshmael kung nasan si Czyme.Hindi ko alam kung vakit nagkaganon nalang sya bigla.
Flashback
Nandito kami ngayon sa sala,umakyat ako saglit sa kwarto ko para kunin muna ang gitara ko.Ito ang gitarang regalo sakin ni ate nong birthday ko last year.
Pagkababa ko ay umupo ako sa couch at tinabihan si Zymor.Nanunuod sila ngayon.Maaga silang pumunta dito pero hindi alam ni Yshmael."Mukong pahiram nga nang gitara mo"kalabit nya sakin ibinigay ko nalang ito sakanya.
"I will never leave you hold on tight.Promise to stay forever by your side.I will never leave you promise.I stay forever I will never leave you behind"
Umalingawsaw ang boses ni Czyme kasabay ng pagtugtog nya ng gitara.Napaka emosyonal ng pagkakakanta nya kaya hindi ka magtataka kung bakit ka nalang biglang luluha.Angvgawing pagkakakanta nya ay bukal sa puso at talagang mararamdaman mo ito.
"Czyme"emosyonal na tawag sakanya ni Zymor.Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtugtog.
Lumapit sakanya ang kapatid nya pero hindi parin ito tumitigil.Inagaw ni Zymor ang gitara sakanya tsaka dahan dahang inilapag ang gitara sa sahig."Czyme"pagtawag sakanya ng kapatid nya,lumuhod si Zymor para magkapantay sila.
Lumapit ako kay Zhawn dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sakanila."Czyme,forget the past please.Ayokong nakikita kitang ganyan" emosyonal na sabi sakanya ng kuya tsaka tsaka pinahid nya ang luha sa pisngi ni Czyme."Yan ang dating Czyme Ember two years ago"seryosong sambit sakin ni Zhawn.Nagtaka naman ako dito dahil wala akong alam sa past nila.Ngumiti si Czyme sa kuya nya tsaka sya tumayo."Excuse me"huling sambit ni Czyme na mabilis tumakbi palabas.
End of flashback
Zymor's POV
"Czyme"tawag ko sakanya nang makalapit kaming tatlo nasa gilid nya si Yshmael.Hindi man lang ito umimik kaya tumabi ako sakanya. "Czyme,please ayokong nakikita kitang ganto nasasaktan at nahihirapan akong makita kang ganyan"emosyonal kong sambit sakanya habang nakatingin sakanya na tagilid.Liningon ako nito tsaka nginitian kasabay ng pagbagsak ng mga luha nya.Nang sumandal sya ay inakbayan ko sya habang hinahaplos ang balikat nya.
Nasa tabi lang namin ang mga kaibigan ko.Halos gabihin na kami sa pag-uwi dahil hinihintay pa namin si Czyme na nakasandal parin ang ulo nya sa balikat ko."Dre tulog na sya"sabi ni Yshmael nang sulyapan nya ang kapatid ko.
"Ako na ang magbubuhat sakanya,ako na rin ang maghahatid sainyong dalawa"patungkol samin ni Zyro.Binuhat nya si Czyme sumunod naman sakanya si Zhawn para pagbuksan sya ng pinto,inilahad ni Yshmael ang kamay nya sakin inabot ko naman ito at tinulungang makatayo.
