Zymor's POV
Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng damit para ke Czyme.Tahimik ang hall ngayon dahil nagkaklase na rin sila.Excuse rin kami buong maghapon dahil sa pinapractice naming performance.
Inis na isinara ko ang locker ko nang makakuha na ng itim na damit.Kunot ang noo at salubong ang kilay na papunta sa clinic.
Dinatnan kong mahimbing na natutulog si Czyme sa hospital bed na wala man lang itong kasama.Nabendahan na rin ang braso niya at malinis na ang duguhan niyang braso kanina. Inilapag ko ang damit sa gilid ng kama niya at tumayo sa gilid niya.Tinanggal ko ang salamin na nakasuot sakanya at pinagmasdan ang mala anghel nitong mukha.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya lumingon ako."Marami na ang nawalang dugo sakanya. Nung una hindi pa siya nagpahinga tapos ngayon dumugo ulit.Kailangan siyang masalinan"paliwanag ng nurse na siyang pumasok.Walang sali-salita akong naglakad papalapit sakanya at umupo sa couch."Ngayon palang gawin muna"seryosong sabi ko sakanya na tinutukoy ko ay ako ang kunan niya ng dugo.May kinuha naman ito lalagyan ng dugo at may kasama itong parang tubo(gamit ng hospital)at meron din itong pinapahawak at pinipisil ito para may makuhang dugo.
Matapos akong kuhanan ay may itinusok rin ke Czyme na nakakonekta sa bag na may dugo.May kumatok ng dalawang beses bago sila pumasok.
Bumaling sila ke Czyme na mahimbing parin ang pagkakatulog."Kamusta siya?"seryosong tanong sakin ni Zyro habang nakatingin parin ito ke Czyme."Kailangan niyang masalinan ng dugo at magpapahinga rin mo na siya"sagot ko sakanya.Lumapit ang dalawa sakin at lumapit rin si Zyro sa kapatid ko.
"Dre,kailangang ipatawag ang parents niyo" bulong sakin ni Zhawn.Hindi nalang ako nagsalita at ipinikit na ang aking mata.
Czyme's POV
Napamulat ako nang may maramdamang humaplos sa kamay ko.Pagdilat ko ay nakita ko agad si Mauzyro sa tabi ng kama ko na hinahaplos ang kamay ko.Tumigil ito nang makita akong gising na."Kamusta ang sugat mo?"hindi maitatago sa tono ng boses niya ang pag-aalala.Bumangon ako at tinulungan niya naman ako.Iginala ko rin muna ang paningin ko."Kumikirot"maikling sagot ko sakanya at tuluyang sumandal.
"Kaya mo bang magpalit?"tanong ni kuya sakin na naglalakad papunta sakin.Umiling naman ako at tiningnan ang kaliwang braso ko."Hindi pa alam nina mommy ang nangyari sayo,ipapatawag rin sila bukas kasama ng mga parents nong mga nanakit sayo"galit na sabi nito na tiningnan ang braso ko.
"Ipapatawag ko lang yong nurse para palitan ka muna"sabi ni Mauzyro.Ngayon ko lang napagtanto na puros mantsa na pala ang uniporme ko.Pumasok ang nurse at lumabas naman silang apat.Ito yong babaeng nagbenda sa sugat ko kanina."Tatlong araw na yang sugat mo.Ilang beses ng dumugo yan?"tanong nito."Dalawa o tatlong beses na po"sagot ko sakanya.
Nang matapos ako nitong palitan ay pumasok na uli ang apat."Kumain ka ng mga masusustansyang pagkain.Wag mo munang pupwerasahin yang balikat mo.Pwede niyo na siyang iuwi para makapagpahinga"paalala sakin nito bago lumabas."Magaling na 'to pagdating ng araw ng introduction number natin"sabi ko sakanila na titig na titig sakin.
Nanatili kami don ng sampung minuto bago maisipang iuwi ako.Tinulungan ako ni kuya na tumayo,kinuha naman ni Zhawn ang gamit ko."Kuya nakakalakad ako,braso ko ang masakit at hindi ang paa ko"natatawa kong sabi sakanya na inaalalayan pa ako sa paglakad.Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad habang hawak hawak ako."Kung pumunta nalang kaya kayo sa subject natin kesa naman nagsasama-sama kayo ngayon.Kaya ko namang maglakad at makakauwi ako ng maayos"seryosong sabi ko sakanila.Mahirap paghiwalayin ang mga to eh.