Czyme's POV
Napamulat ang mata ko nang maramdaman ang mga yapak na papalapit sakin.Natatakpan ng unan ang mukha ko pero nakikita ko ang anino nila dahil sa liwanag."Kulot"maharang tawag sakin ni kuya na umupo sa tabi ko.Tinanggal ko ang unan na nasa mukha ko."Okay lang naman na pumasok sila diba?"tanong nito.Bumangon ako at tiningnan ang tatlo na nakatayo malapit sa kama ko.
Kinuha ko ang salamin sa mini table na katabi ng kama ko at isinuot ito."Czyme umiyak ka kagabi?"tanong sakin ni Yshmael.Napatakip nalang ako sa mukha ko gamit ang dalawang palad ko dahil sa hindi ko man lang napansin na halata palang umiyak ako.
"Sorry sa mga nasabi ko kahapon"senserong sabi ni kuya.Tumingin naman ako sakanya. "Wag kang magsorry kuya. Naiintindihan kita"nakangiting sambit ko sakanya.Ginulo naman nito ang buhok ko tsaka nahiga sa tabi ko.
"Okay lang kung tumabi sila?"nakangiting tanong ni kuya.Tiningala ko naman ang tatlo, nakangiti ang dalawa samantalang si Mauzyro ay nakakunot ang kanyang noo.Tumango naman ako sakanila,agad na nagtalunan ang dalawa sa tabi ni kuya.Nginisihan ko si Mauzyro tsaka tumayo at pumunta sa likod nito para itulak.
"Pillow fighting!!"sigaw nong dalawa nagkuhanan naman kami ng tig-isang unan pero ako ang nawalan dahil nasa kama ang mga unan ko.
"Protektahan mo ang kulot ko kung ayaw mong makuha siya ng iba!"tatawa-tawang sigaw ni kuya ke Mauzyro na sinusugod siya nila Zhawn."Pag yan nasaktan,lintik lang ang walang ganti"tuloy nito na kinakalaban rin si Yshmael.Nasa likod lang ako ni Mauzyro na kalaban naman si Zhawn.
Nang makakuha ng pagkakataon ay tumakbo ako palapit ke Zhawn at inagaw ang unan.Napahiga ako sa sahig si Zhawn naman ay napahiga sa kama at pinalo-palo siya ni Mauzyro. Nagsipaghagalpakan kami sa loob ng kwarto ko dahil sa naging itsura ng kama ko.Halos mahubadan ito at laglag na talaga ang kumot ko sa sahig.
"What's going on here?"nagugulat na tanong ni mommy na halos mapanganga dahil sa itsura ng kama ko."Wanna join mom?"nakangising tanong nito ke mommy na hinila na si mommy malapit samin."Oh my god!I'm too old to play this game Zymor"OA na sambit ni mommy, tumawa naman kaming lahat.
"Bumaba na kayo,kakain na tayo.Ipapaayos ko nalanf ke manang tong kwarto mo baby" sabi ni mommy na lumabas na.Nagtawanan uli kami bago bumaba.
"You're so cute together"nakangiting bungad agad samin ni daddy nang makababa kami. "Kulang nalang ang boyfriend ni Czyme para makumpleto kayo"tuloy nito habang pinagmamasdan ako.Tumikhim naman si kuya tsaka ngingiti-ngiti silang bumabang tatlo na naiwan kami ni Mauzyro."Cute couple,dad hehehe"nagugulat na tiningnan ko si kuya na bumubuo pa ng heart gamit ang daliri niya na isinisiring saming dalawa ni Mauzyro."Yeah" sabi ko tsaka nakipag finger swear sakanya na ikinagulat naman niya.
Napatitig ako sakanya pero nag-iwas agad siya ng tingin sakin."Chos"pambabawi ko.Bumaba naman ang mga balikat nila kasabay ng pagbuntong hininga.Binitawan ko na ang hinliliit niya at dumiretso sa dining area.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna akong lilinisan ang bago at luma kong kotse.Sina kuya naman ay pinag-uusapan ang tungkol sa performance nila sa November 16.
Mauzyro's POV
"Sana di ka umiwas ng tingin,inaasar ko siya pero nakisabay siya.May gusto yon sayo panigurado.Sa lahat ng lalaking bibigyan niya ng atensyon ikaw ang lalaking nakaagaw ng atensyon niya"natatawang aniya nito."Dre tigilan mo nga ako sa mga sulsol mo sakin"inis na sabi ko pero ang totoo ay nasaktan ako sa ginawa niya kanina.
"Bat nilang natin isali si Czyme sa performance natin.Sayaw at kanta dre mas astig siyang tingnan pag ganon"nakangiting sabi ni Zhawn na pinagdiinan pa ang pangalan nito habang nakatingin saakin."Oo dre,kaya naman ni Czyme yon backup naman tayo mas lalo na tong isa"pagpaparinig nila sakin."Lintik mga dre pag ako di niyo tigilan~~~"natigilan ako nang magsalita si tita Cyrill sa likod ko.
"Tigilan niyo na yan,tatawagin ko nalang si Czyme dito para makapagpractice na kayo" napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga paraang pagdidiin nila sa pangalan ng bansot na yon."Mom,kami na don na rin siguro kami mag-uusap usap"pigil naman nito sakanya.
Lintik na ungas na to.Napahiya na nga ako kanina uulitin pa.
Lumabas kami,tumambad samin si Czyme na sinasabunan ang kulay itim na kotse,yong dati niyang kotse samantalang ang kulay dilaw na kotse ay mukhang hindi pa nagagalaw."Dre tulungan mo muna siya kami muna ang gagawa ng step at pipili ng kanta"aniya ni Zymor na kinindatan pa ako at bumaling sa kapatid."Good luck dre hehehe"sabi nong dalawa na tinalikuran na ako.
Dahan dahan akong lumapit ke Czyme na nakaluhod pa ito at sinasabon ang gilid na parte ng itim na kotse."Wanna help?"tanong ko sakanya pero di man lang ako nito lingunin kaya tumabi na ako sakanya na ikinatigil sa ginagawa niya.
"Magpractice ka nalang don"sabi niya na pinagpatuloy ulit ang ginagawa."Kasama ka namin sa performance,pagsasabayin natin ang kanta at sayaw"paliwanag ko sakanya at kinuha rin ang isang sponge sa mabula bulang timba."Okay lang sayong mabasa?"tanong nito tumango tango naman ako."Kamusta yang sugat mo?"tanong ko sakanya."Ayos naman hindi naman na dumudugo"sagot nito.
"Kamusta na pala si Dean?"biglang tanong niya matapos ang katahimikan."Maayos naman,kayo nga ng kapatid mo ang lagi niyang kinakamusta sa tuwing magkakausap kami"sagot ko sakanya habang sinasabon ang bintana."Malayong-malayo ang ugali mo sa ate mo"sabi nito na diretso ang pagkakatitig sakin."Bat di ka nalang kasing bait ng ate mo"tuloy nito."Wag mo kong ikukumpara sa ate ko dahil magkaiba kami"sita ko sakanya natawa naman ito ng mahina.
"Alis dyan ako na pumasok ka na sa loob baka anong isipin ng kuya mo"pantataboy niya sakin.Di mo lang alam na ang kuya mo pa ang dinuduldulan ako palapit sayo bwahahaha.Hindi ako umalis at pinagpatuloy ang pagkuskus sa kotse.Umalis naman siya kaya ngingiti-ngiti kong kinukuskos ito.
(*-*)
"Ayaw mong umalis edi ikaw nalang ang babalawan ko hahaha"tatawa-tawa niya akong sinasabuyan ng tubig na nagmumula sa hose. Nahirapan akong lumapit sakanya dahil sa pagsasaboy nito sa mukha ko.Nang maagaw ko ang hose sakanya ay siya naman ang sinabuyan ko."Para kwits"nakangisi kong sabi sakanya habang nakaharang din ang kamy nito sa mukha niya."Oo na,tama na yong sugat ko nababasa!" sigaw niya sakin kaya ibinaba ko ang hose at lumapit sakanya."Sorry"nag-aalala kong sabi sakanya na hindi malaman kong anong hahawakan ko sa parte ng braso niya dahil sa aligaga.
Ipinagpatuloy nalang namin ang paglilinis sa isa pa niyang kotse."Marami ka ng girlfriend noh?"nanunuksong tanong nito habang kinukuskos ang harapan ng kotse.Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sakanya."No,I don't have any girl in my life except my mom and my sister "sagot ko sakanya na ikinatigil niya. "Also a kiss from another girl?I don't experience that,when the accidental kiss between us?That is the first kissed from the other girl,from you that I fell in love" seryosong patuloy ko.Katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin kaya ganon nalang ang pagsisisi ko dahil sa inamin ko.
"You're also my first kissed"
You're also my first kissed
You're also my first kissed
You're also my first kissed
Nagpaulit ulit ang boses niya sa pandinig ko na siyang ikinatigil at biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
