Czyme's POV
Sabado na ngayon kaya nandito ako sa bahay, halos hindi ko man lang naramdaman na ilang araw na pala ang nagdaan dahil sa pagiging abala ko sa klase.Naisipan kong magluto muna ng cookies para mag meryenda kaya bumaba muna ako.Pagkababa ko bumugad agad sakin ang tatlong kaibigan ni kuya.
"Good morning Czyme/bansot"bati sakin nong tatlo."Anong maganda sa umaga kung lagi namang mukha niyo ang nakikita ko"irita kong sambit sakanila tsaka umirap,akmang maglalakad na sana ako ay natigilan ako dahil sa pagtawa ng malakas ng mukong na yon. "Hahaha kaya pala~~~"natigilan sya sa pagdada nang magsalita si kuya kaya humarap ako sakanya."Ah..eh..Czyme akyat ka muna sa kwarto mo,magpalit ka"medyo nahihiya at naiiritang sambit ni kuya.Nagtataka ko syang tiningnan pero tumayo sya at lumapit sakin kasabay non ang paghuhubad nya ng damit nya. "May dalaw ka"bulong nito habang ipinupulupot ang damit sa bewang ko. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin."Magpalit ka"tuloy nya nang matapos sya.
Umakyat agad ako sa kwato ko at pumunta sa harap ng salamin tsaka tinanggal ang damit ni kuya sa bewang ko.
(#___#)
Napakagat ako sa labi ko nang makita ang dugo sa pajama ko.Bwesit!!
Zhawn's POV
"Dre may laban daw tayo ngayon"sabi ni Yshmael na nakatingin kay Zyro."Rank 6 ang makakalaban natin pagpupunta tayo"sambit naman ni Zymor."Maghanda kayo,sa abundant warehouse tayo"nakangising sagot naman ni Zyro.
Napag-isipan namin kanina na lilibangin uli si Czyme."Dre diba magpapasyal tayo ngayon?" tanong ko kay Zymor na abala sa pagkain ng dragon seed."Wag muna ngayon,siguradong hindi na yon bababa bat niyo pa kasi pinansin pwedeng ako nalang naman kasi bat di niyo pa maisipang magpanggap na wala kayonh napansin"natatawang sambit nito."Eh dre,ikaw nga rin ah"isip batang sambit ni Yshmael. "Sanay na sya sakin tsaka ako pa nga ang bumibili ng ano nya...tsaka isa pa kapatid ko naman yon"sagot niya."Pano kung hindi namin pinagtawanan malamang hindi niya pa malalaman pano pag may pumasok na iba huh?Mas malala yon uyy"natatawang depensa naman ni Zyro.
Bago ata ngayo ang Mau-Mau na kilala ko ngayo ah hahaha.
Naisipan naming dito muna kami habang hinihintay ang oras ng pag alis namin.3:15 pm palang naman,ang usapan kasi 6:30 pm."Dre kanina pang hindi lumalabas si Czyme,baka gutom na yon"sabi ni Zyro."Ah oo nga, dadalhan ko lang muna sya ng pagkain"sambit niya tsaka dumiretso sa kusina.
"Dre may napapansin ako sayo ah"sambit ko kay Zyro,tiningnan niya naman ako ng may pagtataka."Ano yon?Maasar ka tas mag-iinarte?Nako dre hulinf huli ka ng dalawa kong mata?"biro ko sakanya pero kumunot lang ang noo niya."Huh?"maang-maangan pa dre. Alam kong may nababago sakanya hahaha. "Pagdating ke Czyme bumabagsak ang angas mo dre, anyare?"biro ko sakanya.Mas kumunot ang noo niya.Si Yshmael naman,ayon nakangisi rin siya hahaha."Anong bagsak pinagsasabi mo dyan?Kahit kailan hindi ako babagsak o bumagsak ang angas ko dahil sa bansot na yon!"inis na sambit nito.Pikon hahaha."Ayan ka na naman sa bansot na yan dre.Tingnan lang natin kung hindi nga ba"nakangisi kong sambit dito.
"Antagal mo naman dre?Kung wala ka pa siguradong nagbubunuhan na ang dalawa dito hahaha"tatawa tawang sambit ni Yshmael sa pababang si Zymor.Lumingon naman ako kay Zyro na nakakunot parin ang noo nito.
Zymor's POV
"Hinintay ko pa syang matapos" pagsisinungaling ko.Ang totoo kasi nakipagdaldalan pa ako sakanya hehehe.
Flashback
Kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan niya at hindi naman nagtagal ay sumagot na sya."Pasok"pagpipigil ang tawang pumasok ako sa kwarto niya dahil sa nginig ng boses niya. "Kain ka muna,kanina ka pa hindi bumababa eh kaya dinalhan nalang kita"sambit ko tsaka inilapag ang pagkaing dala ko sakanya."Bakit nga ba hindi ka lumabas, naabutan ka tuloy ng meryenda"sambit ko na pinapanuod syang kumakain."Nakakahiya kuya,mas lalo na ung mukong mong kaibigan"halata ang irita sakanya.
End of flashback
Nagdadrive si Zyro ngayon gamit ang kotse ko papunta sa venue kung saan magaganap ang laban ng sarili naming mga grupo."Anong naisipan mong kapalit nito pagkatapos?" tanong ko,na siguradong mananalo na ang grupo.Ganon kasi ang kailangan naming gawin mas lalo na't kami-kami lang ang nakakaalam ng laban namin ngayo na biflaang nagyaya.Hindi ako sinagot ni Zyro,namutawi lang ang ngisi sa kanyang labi.
Pumasok agad kami sa abandonang warehouse, umakyat kami sa second floor. Maalikabok, makalat at medyo nangangamoy na rin ang warehouse na ito na tambayan ng mga kagaya naming gangster."Andyan na pala kayo" nakangiting sambit ng leader ng rank 6 na nakalaban namin dati.Nagsilabasan naman ang mga kasamahan niya."Marami akong bago ngayon.Tiyak na mapapatumba nila kayo ng walang kahirap hirap"malambing na sambit nito habang sinusulyapan ang mga nasa higit sampu sa kaliwa niya.Sa isang kumpas ng leader nila ay sumugod ang sampu samin.
Sumugod sakin ang tatlo kaya todo iwas ang ginawa ko.Hinablot ko ang kamay ng isa na akmang babatukan sana ako pero inunahan ko nya sya.Pwersahang hinila ko sya tsaka ko tinadyakan sa bandang dibdib niya na syang ikinabagsak nya.Sinikmurahan ko rin ang isa at kasabay non ang pagtalon ko para tadyakan ang isa pa.Tumba ang tatlo na nakahandusay na ngayon.
May sumugod uli sakin na dating kagrupo ng kalaban kaya iwas parin ako ng iwas. Nakaramdam ako ng matinding sakit nang hambalusin ako ng kalaban sa likod ko.Tumalon ako sa likod ng isa tsaka ko sya tinadyakan sa likuran na naging dahilan ng pagkasubsob niya sa maalikabok na semento.Sinuntok ko rin ung isa sa mukha tsaka ko binatukan ng pagkalakas lakas kaya nawalan sya ng malay.Sinugod uli ako ng isa na may hawak na kahoy.Nang susugod na sana sya pero naunahan na sya ni Zhawn. Kinuha niya ang kahoy tsaka ito itinapon sa gilid tsaka nya ito pinaikot at sikmurahan.
"As a group leader and winner in this battle.Buwag na ang grupo niyo"seryosong sambit ni Zyro na akmang tatalikod na sana pero nagsalita ulit ang leader na nahihirapang tumayo."Di pa tayo tapos!"sigaw nito samin. Ngumisi ng nakakaloko si Zyro."Oo di pa tayo tapos,pero pagnaulit uli ito.Sinisiguro kong tapos na ang buhay mo"nakangising sambit nito tsaka tuluyan ng umalis.
