Chapter 31

2.8K 73 2
                                        

Someone's POV

"Boss nasa kamay na ng mga pulis ang tatlo nating tauhan"sabi ko sakanya na nasa swivel chair niya ngayon at umiinom na naman ng alak.

"Humanda kayo,papatayin ko ang babaeng yon na syang sumira sa buhay ko"aniya nito habang nangingig ang mga kamay nito dahil sa galit.

"Boss may babaeng nakamaskara na sumulpot.Anong kailangan nating gawin?" tanong ko sakanya.

"B*obo!Malamang aalamin natin kung sino man ang bastardang yon!"nanggigigil na aniya nito na ibinagsak ang hawak nitong baso.

Pagkatapos ng usapan namin ay lumabas na ako sa madilim niyang opisina.

Zymor's POV

Pagkadating ko sa bahay nalabukas lahat ng ilaw.Pagkapasok ko palang nakita ko na sina mommy't daddy sa sala."Oh my god,thanks god at nakauwi kang ligtas"sabi sakin ni mommy na agad akong niyakap."Si Czyme?"tanong ko sakanila.Yakap yakap parin ako ni mommy hanggang sa makaupo kami."Nasa kwarto niya,tulog na ata"sagot nito na sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

Nagpaalam na ako para makapagpahinga narin dahil sa pagod."I love you nak"sambit ni mommy."I love you,too mom and dad"sabi ko tsaka ko hinalikan si mommy sa noo si daddy naman yumakap lang ako.

Dumiretso muna ako sa kwarto ni Czyme. Nadatnan ko ang mahimbing na natutulog ito. Lumapit ako sakanya para halikan siya sa noo."I love you Czyme"halos pabulong kong sabi sakanya tsaka siya hinalikan sa noo. Pinagmasdan ko ang mala anghel na mukha nito.

Tumayo na ako at lumabas sa kwarto niya. Nagshower muna ako bago natulog.Naalala ko  ang nangyari kanina.

Anong kailangan niyo ke Dean?Anong kinalaman niya sainyo?Lady?Sino ka ba?Sino ba ang nasa likod ng maskarang yan?

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan

Mauzyro's POV

Nandito kami ngayon sa office ni PO2 Mendez. Kasalukuyan ring kinakausap si ate ngayon na mugto ang mata.

"Ma'am may ideya po ba kayo kung sino at kung bakit nangyari ang panghohostage  sainyo?"tanong nito na ikinailing ni ate.

"Wala po akong alam na dahilan at wala po akong ideya kung bakit nangyari yon kagabi" nanginginig at umiiyak na aniya nito.Katabi niya ako ngayon na kaharap si PO2 Mendez.

"Kinuhanan na rin namin ng statements ang tatlong lalaki pero hindi pa rin sila sumasagot.At ayon sa nalalaman ko,talagang ikaw ang target nila Miss Vourge"paliwanag nito na ikinatitig ko sakanya.

"Anong dahilan nila?Ni minsan walang nakaalitan ang kapatid ko sir"nagtatakang sabi ko sakanya.Sumandal siya sa swivel chair nito at pinagkrus ang braso.Yabang.

"Tanging si Miss Vourge lang ang nakakaalam sa tanong mo at tanong ko Hijo.Tungkol sa babaeng maskarada?Hindi pa namin alam ang pagkakakilanlan nito pero iniimbestigahan parin namin.Pero parang malabo atang mangyaring makilala natin yon.Tsk"aniya nito.Tiningnan ko si ate sa tabi ko na tulala.

"Ipapatawag ko nalang po ulit kayo Miss kung kailangan.Pwede niyo ring kausapin ang tatlong lalaki"tuloy nito.Nagpaalam na kami ni ate.

Tahimik kaming umuwi sa bahay.Tulala at namumula parin ang mga mata nito.Tumawag na rin sila mommy't daddy uuwin sila bukas. Kagaya ni ate,nanginginig rin sa takot si mommy dahil sa nangyari ke ate.Si daddy naman hindi nagsasalita pero mababakas sa itsura niya ang matinding pag-aalala.

"Dre!!"pagkapasok palang namin ni ate sa bahay,ang tatlo kong kaibigan at si bansot na agad ang bumungad samin.Lumapit si bansot sa ate ko,mababakas rin ang pag-aalala sa itsura nito."Czyme I don't know what's going on" sambit ni ate at himagulgol na ito sa pag-iyak.Yinakap siya ni Czyme at hinagod nito ang likuran ni ate para patahanin ito.

Umakyat sina ate at bansot sa kwarto nito. Naiwan naman kami ng mga kaibigan ko. "Anong balita?"tanong ni Zymor,umiling nalang ako at napahawak sa sentido ko."Dre kailangan mong magpakatatag para sa ate mo,at wag kang mag-alala nahuli naman na ang tatlong yon"aniya ni Yshmael.

"Ang kailangan natin ngayong malaman ay kung sino at ano ang dahilan nila.Kailangan rin nating malaman kung sino at ano ang pagkatao ng Lady'ng yon"paliwanag ni Zymor.Napatingin ako sakanya."Wala tayong alam sakanya pero lagi syang nasa paligid. And besides hindi natin siya poproblemahin dahil kakampi natin ang Lady'ng yon"aniya ni Zhawn sa kabila ng pananahimik nito.

"Tulog na si Dean kaya lumabas na ako. Kailangan niya munang magpahinga, kung maaari wag mo muna siyang papapasukin. Kahit kulong na ang mga gumawa ke Dean hindi kayo pwedeng maging komportable,kasi hindi natin alam kung may kasabwat pa ang mga yon at inutusan lang sila"aniya ni Czyme na nasa likod ko.Sinundan ko siyang ng tingin habang papaupo siya sa tabi ng kapatid niya."Oo dre,kailangang mabantayan parin si Dean" pagsasang-ayon ni Yshmael.


"Wag niyo munang pag-usapan ito.Hindi ko sinasabing ipawalang bahala ang nangyari pero lilipas rin ang araw babalik rin sa normal"paliwanag ni bansot.

Gaya ng sinabi niya,iniba namin ang usapan. Komportable ako sa babaeng ito,bawat oras hindi siya nawawala sa isip ko.Lagi syang sumusulpot pati sa panaginip ko.

"Hindi naman mahirap magmahal pero ang mahirap ay yong taong pinagkatiwalaan at pinahalagahan mo siya pa yong taong sasaktan ka ng todong-todo.Maraming manloloko ngayon,mahirap na baka ang buong pagmamahal mo sa taong sakit lang ang pinaparamdam mo ibibigay"paliwanag ni Czyme sa tanong ni Yshmael.


"Kung magmahal ka dapat yong tipong kilala mo na"makahulugang aniya ni Zhawn na nakatingin sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.


Czyme's POV

"Pano kung yong mahal ko na at kilala ko iba ang mahal?Mahirap Zhawn,mas lalo na pagnakikita mo siyang may kasamang iba maliban sa mga kaibigan niya.Kahit alam kong mahal ko siya,ang tanong mah~~" natigilan ako sa pagsasalita ko nang sumingit si mukong."Mahal kita"sagot nito na ikinagulat at ikinatigil ko.

Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang paningin namin kaya nag-iwas ako.Tiningnan ko si kuya na seryoso ang titig niya sa kaibigan niya at may malawak na ngiti.

"Hindi mo na kailangang itanong dahil alam mong MAHAL KITA"seryosong aniya nito.

"Mahal kita"

"Mahal kita"

"Mahal kita"

That Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon