Mauzyro's POV
Nandito ako sa bahay ngayon,tumutulong sa pag-aayos para sa birthday party ni ate Jona ngayon.Inimbitahan ko na rin ang mga kaibigan ko pati na rin si Czyme.Hindi ko naman talaga iimbitahin yong babaeng yon pag di lang sinabi ni ate.Psh.
"Siguraduhin mo lang na inimbitahan mo si Czyme,kung hindi malilintikan ka sakin" sambit nito habang nakaamba ang kanang kamao niya."Oo nga sinabi ko na"inis na sagot ko sakanya.Hindi natatahimik,kanina pa tanong ng tanong wala pa man parang siya ang dadalaw."Oh siya pagkatapos mo dyan magbihis ka na rin.Aakyat na ako"paalam nito,tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang pagdekorasyon.
Czyme's POV
Sinuot ko ang dress na ibinigay sakin ni dean na sana'y isusuot ko noong pageant namin. Inimbitahan rin ako ni mukong at hindi ko alam kung bakit.Alam kong birthday ni dean pero bakit siya pa ang nag-imbita eh hindi naman siya ang may kaarawan.Kulay pink rin ang aking doll shoes,naka buhaghag rin ang basa at kulot kong buhok at hindi rin nawawala ang salamin ko.
"Kulot tara na"tawag sakin ni kuya sa labas ng kwarto ko kaya nagmadali akong kuhanin ang leather sling bag ko at ikinawit ito sa balikat ko. Bumili rin ako ng regalo ni dean matapos akong inimbitahan ni mukong matapos ang dalawang araw.
Lumabas ako sa kwarto ko pero wala na don si kuya kaya bumaba na ako."Ayusin mo yang buhok mo tsaka tanggalin mo na rin yang salamin sa mata mo kulot mas pumapangit ka.Hindi bagay sa maganda mong suot" nakangising sambit nito kaya tiningnan ko nalang siya ng masama."Halika nga"sabi niya tsaka imwenestra ang kamay niya kaya lumapit ako sakanya.
"Talikod"sapilitang tinalikod niya ako at hindi na ako pumalag.Naramdaman ko nalang ang bagay na gumagalaw sa buhok ko.Suklay!"May pera ka naman bat di ka pa magpaayos ng buhok mo tsaka yang salamin mo masyadong malaki" seryosong sambit nito habang sinusuklayan parin ang buhok ko.Oo, sinusuklayan niya. Ngayon nalang niya,namin gawin to.
"Akina yang bag mo,tara"sabi niya at kinuha ang bag ko tsaka iginaya sa labas.Siya ang nagmaneho.
Birthday Party
Nahirapang ipinasok ni kuya ang kotse dahil na rin sa maraming tao.May mga faculty rin na galing sa school.Marami ring estudyante at makikita mo sakanila na mayaman sila dahil sa magagarbo nilang suot.Nang maipark na ni kuya ang kotse ay lumabas siya at pinagbuksan niya ako.Inilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko ito.
"Kulot,tanggalin mo nga muna yang salamin mo kahit ngayon lang"seryosong sambit nito nang malapit na kami sa pintuan.May nakalatag na red carpet at marami na rin ang mga tao sa loob nito.Napatigil kaming dalawa at inilabas ni kuya ng cellphone niya.
"Oh?...Bakit?....Sige"aniya niya tsaka ibinulsa ulit ang cellphone niya."Tinatawag ka ni dean.Ihahatid muna kita don"nakangiting sambit niya tsaka lumiko."Don yong pintuan kuya hindi dyan"nagtataka kong sabi sakanya pero nagpatuloy lang sya habang hawak parin ang kamay ko.
Pagkapasok palang namin nagumat nalang ako nang hilain ako ng dalawang bakla na syang nag-ayos sakin dati."Maiiwan muna kita dito, kunin mo muna tong bag mo"aniya niya tsaka tumalikod.
Hinila agad ako ng dalawa sa may hagdanan at ipinasok sa isang kwarto.Nagugulat at nagtataka ko silang tiningnan pero ngumiti lang sila. Sapilitan nila akong inupo sa harap ng salamin.
"Buhok nalang ang problema dito bakla,ako na sa pis niya ikaw na sa buhok"sambit ng isa. Hanggang ngayon ay di ko parin sila kilala. Tinanggal ng isa ang salamin ko at sinuklayan rin nang isa ang buhok ko.
