Chapter 20

3.4K 103 1
                                        

Zhawn's POV

"Sir nariyan na po si sir Yshmael"sabi sakin ni yaya.Pupunta kasi kami ngayon kina Zymor. Inayos ko ang buhok ko tsaka lumabas."Dre, bihis na bihis ka ata.Alam mo naman siguro kung anong gagawin natin diba?"natatawang tanong nito sakin.Natawa nalang rin ako tsaka tiningnan ang sarili tsaka bumaling ke Yshmael na naka itim na pantalon at puting damit.



Sumakay nalang akp sa kotse niya para di ko na ilalabas ang kotse ko."Tumigil na kaya si Czyme kakatanong?"natatawang tanong nito."Baka hindi na"sagot ko nalang.Kahapon kasi hindi niya na kami pinansin,hindi rin siya nangulit nong breaktime namin.



Czyme's POV

Papasok na sana ako sa loob ng bahay pagkatapos kong linisan ang sasakyan ko pero natigilan ako.May dumating na pamilyar saking dalawang sasakyan.Bumusina ito kasabay non ang pagpark ng kotse nila."Good morning Czyme"bati sakin ni Zhawn na bumaba kasabay si Yshmael sa iisang sasakyan.





"Ehem!!"malakas na tikhim ang narinig ko mula sa likod ko kaya napalingon ako dito. Nakatingin si kuya sa kabuuan ko habang nakataas ang isang kilay."Baka gusto mong magpalit muna bago ka magpadisplay riyan kulot?"nakangising sambit nito.Nakuha ko ang sinasabi niya.Tinakpan ko ng buhaghag at basa kong buhok ang dibdib ko.Lintik na 'to!Sana di nila pansin."Hija"tawag sakin ni manang na nasa harapan ko na,iniabot sakin ang isang towel.



"Jusko Hija,ang nipis ng suot mo kitang kita ang bukana ng dibdib mo.Malilintikan ka na naman sa kuya mo"problemadong sambit nito habang iginagaya ako sa loob.Nakayuko akong pumasok sa bahay na nasa likuran ko naman ang apat."Maligo ka na at magmeryenda muna kayo dito"sambit ni manang.Umakyat na ako sa kwarto ko.



Czyme hindi ka nasilipan,okay?Wag kang mag-alala hindi ka nasilipan!


Inis akong pumasok sa banyo at naligo.Wala sa sarili akong natapos sa pagligo.Hindi ko rin namalayan na nakapalit na pala ako dahil sa mga naiisp ko.



"Hija,tawag ka na ng kuya mo"tawag sakin ni manang habang kumakatok."Susunod na po" sagot ko tsaka inayos ang buhok ko.Mahabang pajama ang suot ko at mahabang T-shirt.


"Kumain ka na"bungad agad sakin ni kuya pagkababa ko palang."May pupuntahan kayo?"tanong ko sakanya."Don lang kami sa gym.Kung may pupuntahan ka magpaalam ka sakin pumunta ka lang sa likod"sambit nito tsaka lumabas sa pintuan papunta sa gym namin na nasa likod lang ng bahay.May gym kami dito sa bahay pero hindi ito masyadong malaki.


Kumain na rin ako at nanuod muna saglit ng balita.Dahil sa naramdamang pagkabagot naisipan ko munang pumunta sa gym.

Zymor's POV

"Siguraduhin niyong wala kayong nakita sa kapatid ko kundi bubugbugin ko kayo" paniniguro  ko sa kanilang tatlo.Nandito kami ngayon sa gym at nagtetraing para sa laban namin."Wala nga paulit-ulit ka dre"inis na sagot ni Zhawn.Si Zhawn kasi yong tipong pag alam niyang magagalit ka sakanya siya yong unang aamin.Mabilis yang magalit,saaming apat siya ang mabilis na mag-init ang ulo pero siya rin yong lagi ng nagpapatawa samin.



"Dre,anong plano mo sa araw ng laban natin?Diba darating ang parents niyo?"tanong ni Zyro sakin."Gabi naman ang laban natin baka nasundo na namin sila bago mag-ala sais" sagot ko nalang.Tinigilan na rin ako ni Czyme kakatanong.




Mabilis ang mga kamay namin sa pagsuntok. Hindi rin mawawala sami ang angas.Si Zyro ang pinakamagaling saming magtaekwondo. Magaling sa armas si Zhawn,magaling sa suntukan si Yshmael na higit na mas mabilis saming lahat.Magaling rin ako sa paggamit ng armas.Lahat kami ay sanay sa pakikipaglaban.


Nang makaramdam kami ng kaunting pagod ay nagpahinga muna kami.Napatigil nalang ako sa paglalakad at tiningnan si Czyme na nakacross ang dalawa niyang braso habang kunot naman ang aking noo."Anong ginagawa mo?" nakakunot noo kong tanong sakanya.Dumiretso naman ito sa pagtayo at hiniwalay ang magka cross nitong braso."Manunuod ako"sagot nito na umupo sa may malapit saming bench.Hindi nalang ako umimik at uminom na ng bottled water na ipinadala ko ke manang kanina.


"Czyme,anong balak mo sa program?"tanong ni Yshmael sakanya.Liningon ko naman siya na nakatingin lang sakin.Nagkibit balikat lang ito tsaka nag-iwas ng tingin.



Nagsimula ulit kaming nag-ensayo."Bat di niyo kaya subukang maglaban muna,pero wag niyong gagamitin ang lakas niyo.Try niyo" nakangiting suhestyon nito habang nakatingin sa akin.Tiningnan ko naman siya."Zhawn at Mauzyro try niyo.Sumunod kayo kuya pagkatapos nila.Ang paglalaban na gagawin niyo ngayon ay parte parin ng paghahanda at pag-eensayo niyo"tuloy nito. "Alam namin kaya wag kang magtuturo riyan. Wala kang alam sa ganitong laban"inis na sambit ko sakanya.


Nagsimula na nga ang laban nong dalawa."Wag mong gagamitin sa kasama mo ang ganyang galaw mo"natatawang sambit ni Czyme habang tinitingnan ang taekwondo move ni Zyro. Tiningnan ko si Czyme sa tabi ko na tatawa tawang nanunuod."Wag mong turuan ang mga yan.Wala kang alam sa ganyan mas mabuti pang manahimik ka nalang"naaasar na sabi ko sakanya.


(#___#)

Taka ko siyang tiningnan nang maglakad siya malapit sa dalawa.Pati si Yshmael ay nakanganga ito sakanya."Zhawn gamitin mo ang technique sa arnis"sambit nito habang paikot-ikot ito sa dalawa."Tama na muna!" tawag ko sa dalawa kaya huminto sila.Lumapit ang dalawa samin tsaka uminom ng tubig. Naiwan si Czyme kung aaan naglalaban ang dalawa kanina.



"Kung ayaw niyong gawin ang sinabi ko okay lang pero ito ang wag niyong kakalimutan. Magfocus kayo sa mga technique na gamit ng kalaban niyo.Sa dami ng kalaban niyo kailangang malakas rin ang pakiramdam niyo"seryosong sambit nito habang naglalakad palapit samin.



"Tara Mauzyro para malaman niyo kung kailan dapat gamitin ang mga technique na ginagawa niya"nagtatakang tiningnan ko si Czyme hang nakatingin ke Zyro."Seryoso ka?" takang tanong sakanya ni Yshmael. Tiningnan ko naman si Zyro na nakangisi na sakanya ito. Walang salita ang namutawi sa bibig ni Zyro kundi ang pumwesto sa gitna.



Nag-ikutan ang dalawa habang nakahanda ang kamay ni Zyro pero si Czyme parang wala lang. "Una kailangan niyong basahin ang bawat kilos nila"sambit ni Czyme na sumugod ke Zyro. Sinuntok suntok ni Czyme si Zyro na nakaprotekta naman ang kamay nito sa pagsugot ng kamay nito."Instead of defensing try to catch my hands"sabi nito na tumigil na sa pag-ataki.




"Gamitin mo ang technique na ginawa mo sa kaibigan mo"dagdag nito.Ginawa rin ni Zyro ang ginamit nya kay Zhawn kanina."Ang paggamit mo sa estilong yan,dapat sa kanyang leeg,lalamunan o dibdib"tukoy nito sa flying kick ni Zyro.Natamaan si Czyme sa may balikat na naging dahilan ng pagtumba niya. Lumapit naman si Zyro sakanya na inilahad ang kamay niya."Ang kalaban ay kalaban,wag mong tulungan ikakapahamak mo pa yan" natatawang sambit nito na bakas ang pagiging seryoso.Tumayo si Czyme sa sarili niya at muli silang naglabanan ng tingin.Sumugod ng suntok si Zyro na nakadenpensa naman ang isa.


(6_____6)

Sa bilis ng pangyayari nasa ibabaw ngayon ni Zyro si Czyme kaya lumapit agad ako sakanila. "Sorry"sambit ni Czyme na inilahad ang kamay niya."Ako na"singit ko naman ke Czyme.Inabot naman ni Zyro ang kamay ko tsaka sya tinulungang tumayo.



"Magfocus ka sa laban wag sakin"nakangising sambit nito tsaka kami tinalikura.Tatawa tawa naman ang dalawa na nakatingin ke Zyro."Wag sa kapatid ko dre"natatawang sambit ko nalang.Kumunot naman ang noo niya kaya nagtawanan kaming tatlo maliban ke Zyro.

That Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon