Yshmael's POV
Dumating kami sa bahay nila tito ng walang umiimik maski isa samin dahil sa pagiging seryoso ni Zymor habang nagmamaneho.
"Mga Hijo,dito na muna kayo magpalipas ng gabi total linggo naman bukas"sabi ni tita samin na kauupo lang sa sofa katabi si tito."Opo tita"sagot ko.Itetext ko nalang sina mommy. Nandito kami sa sala ngayon.Hindi nakasindi ang TV kaya mesdo akward dahil sa pagiging tahimik namin.Si Czyme lang ang wala dito dahil pinaakyat na sya ni tito kanina dahil sa pagitan nilang magkapatid.
"May kukuhanin lang ako sa taas"bakas parin ang inis na aniya ni Zymor.Walang nagsalita nong umakyat na siya."Pagpasensyahan niyo muna sya"sambit ni tito na hawak ang kamay ni tita."Wala po yon,sanay na po kami sa ugali niyan pagdating sa kapatid niya"sagot ko na ikinatahimik uli namin."Hindi rin kasi namin alam ang mga ugali nila dahil sa pagiging malayo at walang oras sa kanila.Dahil lahat ng atensyon namin nasa trabaho namin,maski si Czyme hindi ko alam ang ugaling meron siya.Hindi ko inaasahan na gagawin niya yon dati.Ang dalawang anak naming hindi kami ang kasama nilang lumaki,sa lolo at lola nila sila lumaki.Ang lola at lolo nila ang siyang nakakapagpatahimik ke Czyme.Ang paggabay,pagpayo at pag-aalaga na dapat ay kami ang gumagawa pero ang lolo't lola nila ang gumagawa"emosyonal na kwento ni tita samin.
"Ngayong nandito na kayo,kailangan niyo ring gawin ang mga bagay na hindi niyo nagawa samin mas lalo na sa kapatid ko. Mom,dad mahirap ang pinagdaanan ko pero mas mahirap ang pinagdaanan ni Czyme nang mawala si lola.Naiintindihan ko naman ang pagiging busy niyo pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pwede niyo naman kaming kausapin kahit saglit lang pero wala eh,wala.Sorry,mom,dad ayoko lang kasing maulit na kahit may problema siya wala siyang karamay.Nahihirapan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak tapos kinabukasan tumatawa na pero ang totoo ang laman ng tawang yon ay mas malalim pa na sakit" lumuluhang sabi ni Zymor na nasa likuran na namin."Sorry sa mga isinusumbat ko mom, dad"tuluyan na syang humagulgol sa pag-iyak.Lumapit si Zyro sakanya at pinaupo. Lumapit ang mommy niya at niyakap siya nito habang humahagulgol rin sa pag'iyak."Sorry for being iresponsible mom to the both of you" humahagulgol na aniya ni tita.
"Mga hijo umakyat na muna kayo sa kwarto ni Zymor"sabi ni tito samin,tumango naman kami at umakyat.
Mauzyro's POV
Pumasok kami sa kwarto nito ng hindi umiimik. Ilang beses na akong nakapasok dito sa kwarto niya kaya hindi na ako naninibago.Maluwang ang kwarto nito,may dalawang couch at study table.Pumunta muna ako sa veranda ng kwaeto niya para magpahangin.Iniwan ko rin ang dalawa na ngayon ay nakahilata na sa kama ni Zymor.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang humaplos na agad ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat.Makikita mo mula rito ang kulay asul na tubig ng pool nila at mga ilaw na nakapaligid sa malaking bahay nila.
Napalingon ako sa nanggagalingan ng paghikbi.Nasulyapan ko si Czyme na katulad ko ay nasa veranda din.Nakatagilid ito sakin kaya kalahati lang ng kabuuan niya ang nakikita ko,hindi niya rin suot ang salamin niya.
"Czyme"tawag ko sakanya.Natigilan ito sa paghikbi at agad na pinunasan ang luha niya."Oh gabi na,bat nandito ka pa?"halos pumiyok na siya dahil sa pagpipigil.Natawa nalang ako ng mahina."Dito muna kami matutulog"nakangiting sabi ko sakanya."Ayos ka lang?"tuloy ko."Sino ba namang magiging maayos kung puputulin na ang braso ko.Tsk" natawa nalang ako dahil sa pagpiyok niya kasabay ng pagtawa.Napatitig ako sakanya dahil sa kagandahan ng ngiting nakaukit sa labi niya. "Loko,ano ayos lang ba yang sugat mo?" tanong ko ulit sakanya tumango tango naman ito.
"Matulog ka na,matutulog narin ako.Good night"paalam niya sakin at pumasok na,narinig ko pa ang pagtunong ng lock ng pinto niya. Nakangiti akong pumasok na biglang ikinagulat ko rin dahil tumambad ang mukha ng dalawa sa harapan ko habang nakangisi.
"Subukan mong magdeny dre,susupalpalin ko yang mukha mo"nakangising aniya ni Zhawn. Tiningnan ko sila ng nagtataka."May gusto ka nga"nakangisi ring sabi ni Yshmael.Magsasalita palang sana ako nang batukan na nila ako dalawa."Aray!!"sigaw ko na hawak hawak ang batok ko."Oa ka dre"natatawang sambit ni Zhawn."Liligawan mo o papanuorin mong maagaw ng iba?"seryosong tanong nito sakin,nakuha ko ang sinabi niya."Sino?"tanong ko nalang."Ako dre,Lintik ka sino pa ba ang tinutukoy ko.Sige isang deny pa dre matatamaan ka talaga sakin"seryoso na talagang aniya niya.
Linampasan ko nalang sila dahil hindi ko alam ang isasagot.Kabadingan.Sumunod parin sila sakin na nanunukso ang tingin pero hindi nawawala ang seryosong tingin ni Zhawn.
Mauzyro Vourge
Narinig ko bigla ang magandang boses niya nong ipakilala niya ako sa mommy niya.Bigla ring lumitaw ang imahe niya sa isip ko,ang itsura niya nong una ko siyang nakita,nong araw na siya ang nalagyan ng cake sa mukha,yong araw na kasama namin siya sa Batanes,nong araw na sinipa niya,nong araw ng mahalikan ko siya, nong araw na sumayaw, kumanta, naglaro.Lahat ng imahe niyang nakikita ko siya.
"Sabi sayo dre ayaw mo lang tanggapin!" nabalik ako sa ulirat nang marinig ang malakas na boses nito."So anong balak mo?"tanong niya sakin habang sinusundot ang tagiliran ko. "Huh?" tanging sagot ko lang."Lintik na 'to,umamin ka na't magdedeny ka pa?"bulyaw niya sakin.
"Rinig ko dre wag kang magdeny"napalingon kaming tatlo sa pinagmulan ng boses na yon."Anong sinasabi niyo?"taka kong tanong sakanila tiningnan ako ng seryoso ni Zymor na isinara ang pinto."May gusto ka sa kapatid ko"seryosong sambit nito."Subukan mong magdeny hindi ka makakalabas sa pamamahay na 'to"seryosong tuloy niya na nasa harapan ko na.Ano bang pinagsasabi ng mga 'to.Wala akong sinabi!!Hindi na rin nagsalita ang dalawa dahil sa titig ni Zymor sakin.
"Tanggap kita para sa kapatid ko,pero magkamatayan nalamg tayo pag niloko or sinaktan mo siya"aniya niya na tinalikuran ako.Halos mapanganga ako sa sinabi niya.Naiwan kaming tulalang tatlo.
Zymor's POV
Napangiti nalang ako dahil sa narinig ko na mula sa bibig niya at hindi sa dalawang ugok na nangungulit sakanya.
Flashback
"Mom,dad I have to go in my room.My friends are waiting for me"paalam ko sakanila. Hinalikan naman nila ako bago ako umakyat
"Oo,mahal ko na siya and I don't know why i already fall in love with her when I see her wear her beautiful smile.I don't know that I'm falling in love with that girl.I can't explain to my self"natigilan at napangiti ako dahil sa mga sinasabi ng lalaking ito.
End of flashback"Tulog na tayo magpapractice pa tayo bukas" sabi ko sakanila na hanggang ngayon ay nakatulala parin sa isa't-isa.Gulat na gulat ang king ina.
