Darkness no.03: Hospital Panic

6.4K 120 38
                                    

 

 

Hindi kami nakapag salita sa aming mga nasaksihan sa kwartong iyon. Halos lahat ay karkulado ang bawat pag hinga. higop ng hangin, buga, hingop ng hangin buga. 

 "Pare anong gagawin natin. Pwede nabang gumalaw?" Tanong ni Benedict sa akin sabay lunok. 

 Pitch black ang kabilang kwarto. Ang tanging pakislap kislap na ilaw kanina ay tuluyan ng kinain ng dilim.  "Mahirap ito." Wika ko. Kahit na may ilaw kami sa loob ay parang nangangapa parin kami sa dilim. Si Doctor. Teodoro naman ay halata ang takot nito ngunit tila hindi pinapa kita sa amin. Nagawa niya pang tumawag mula sa kanyang hawak hawak na speacker phone.

"Doctor. Conception?" malumanay nitong sabi. Pero walang sumagot sa kanya mula sa kabilang kwarto.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.03: Hospital Panic √v^√v^√v^-------

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ni Benedict na kulang nalang eh maihi sa suot nitong pantalon. Halos basa na ng pawis ang suot nitong damit. Parang ng jogging sa ilalim ng sikat ng araw.

 "Pare? Ano na?" Tanong niya sa kain.

"Teka lang!" 

 Dahan dahan akong nag punta sa malaking salamin na iyon. Inangat ko ang aking kamay at dahan dahan kong dinama ang pitch black na salamin sa harapan namin. Malamig ito. Ramdam ko ang lamig sa kabilang kwarto. Para lang akong nakahawak sa loob ng freezer. 

 Pzzzzzt! Pzzzt! Mayamay pa ay tila may isang live wire ang narinig namin na nakabasag ng katahimikan ng buong paligid. 

 "Ano yun?" Wika ni Benedict. na parang tangang todo tingin sa paligid.

Pati ako ay napalunok din. Dahil unit unti akong naka kita na nag iispark na live wire sa kabilang salamin. Agad kong tinanggal ang aking kamay rito. Naninigurado lang para hindi ako daluyan ng kuryente kung saka sakaling tama ang hinala ko.

Mula sa maing panananahimik ay isang mukang naman ay bigla na lamang summilay sa may harap ng salamin. 

 "Doctor Conception?" Bulalas ni Doctor Teodoro ng nakita niya ito.

 Muka nito ni Doctor Conception iyon na naka balot sa leeg nito ang isang live wire. Nakalabas ang dila nito at tila kinikiskis ang ulo nito sa may salamin. Nag simula itong magpakita sa kanan papunta sa kaliwa. Marahan naming tinitignan ang pag kiskis ng ulo nito hanggang ito ay huminto sa may bandang gitna.

 "Pare buhay pa ba yan?'' Wika ni Benedict.

"Hindi ko alam?" Sabi ko naman habang nakahawak ako sa upuan.

Si Doctor Teodoro naman ay agad na pinuntahan ang kanyang kaibigan sa may salamin. "Doctor!!!" sigaw nito habang kinakatok ang salamin.

Agad siyang pinuntahan para itigil ang ginagaw niya at umalis na ng kwarto. Nang walang anu anoy muling gumalaw ang muka ni Doctor Conception at unti unting nawala ang muka nito sa kadiliman.

 "Doctor!!!" wika ulit ni Doctor Teodoro. Lahat ay tahimik. Hindi namin aalam ang susunod nitong galaw. Hanggang hinila ko na siya at sabay kaming napa higa sa sahig. Napa talikod ako sa lupa. Habang nadaganan ni Doctor Teodoro ang likod ko.

Habang naka salumpak ang muka ko sa lupa ay muli ay may kakaibang tunog nanaman kaming narinig. Ngunit sa pag kakataong ito ay tila bulkan iyon na sasabog. Agad kaming napatingin sa may salamin at hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Nang wala pang limang segundo bigla nalang itong sumabog!

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon