Darkness no.22: The Ex - Vampire

3.1K 58 4
                                    

Malinaw na sa akin ang kalahati ng istorya. Kaya pala ganun nalang ang gulat ni Voltaire sa kanilang pag kikita ni Mang Roger nung nakaraan. Nagbabalik pa mula sa aking memorya ang mga eksenang yon habang nasa loob parin kami ng lumang bahay.

"So mawalang galang na po Mang Roger ahhh. Pero ang gusto ninyo bang palabasin ay maganda ang setting nato para mag love story telling kayo? Ganun ba?" Pamimilosopong tanong ni Ben habang may kasamang gesture pa.

Tumawa ng malakas si Mang Roger. Nawawala na ang bilugang mata nito sa sobrang kakatawa.

"HIndi yan ang ipinunta natin ditong tatlo. Pagpuputol niya. "Meron akong ipapakita sa inyo." Sa normal nitong boses.

Agad na tumayo si Mang Roger buhat sa kanyang kinauupuan. Mula sa may sahig ng bahay ay inangat niya ang isang malaking carpet na naroon. Biglang nagliparan ang alikabok sa buong bahay. Ang mga maliliit na particles nito ay talaga namang makikita mo buhat sa iyong harapan.

Pag angat ng carpet ay bumungad naman sa amin ang isang parisukat na butas. Habang napatigil naman buhat sa eksenang ito si Mang Roger.

"Eh Mang Roger ano ho yan?" Tanong ko kaagad rito.

"Yan ang ipapakita ko sa inyo." Pagpapatuloy niya.

-------√v^√v^√v^  Darkness no.22: The Ex - Vampire  √v^√v^√v^-------

Unti unting inangat ni Mang Roger ang parisukat na butas nayon. Mula rito ay tumambad sa amin ang isang pasukan pababa. Sa gilid nito ay may isang mahabang hagdaan na kung saan ay hindi namin alam kung saan patutungo.

"Mang Roger safe ba dyan?" Tanong ni Ben na tila natatakot na.

"Ipapahamak ko ba naman kayo. Ikaw talaga Benedict ohh!" Puna naman ni Mang Roger dito.

Pinangunhan ni Mang Roger ang pagbaba. Sabay nun ay sumunod kaming dalawa ni Benedict. Halong excitement din ang nararamdaman ko na may halong kaba habang bumababa kami sa may butas. Kung ano ano kasi ang pumapasok sa isip ko habang bumabababa kami rito. Hindi ko mapigilan. 

Pag baba roon ay biglang binuksan ni Mang Roger ang switch ng ilaw. Agad na lumiwanag ang buong paligid. Biglang tumambad sa amin ang mga bagay ay hindi namin inaasahan.

Mga malaking cylinder, Isang mahabang lamesa na parang sa pang opera, Isang makina na hindi namin alam kung para saan, Mga botelyang ibat iba ang mga kulay at kung ano ano pang mga wierd na gamit na hindi mapag kakailang pang experimento.

"M-M-Mang Roger para san po ang lahat ng ito?" Pag uutal kong tanong.

Si Mang Roger naman ay sige lang sa pag suyod at pag tingin ng mga gamit na naroon. Tila eh ngayon na lang siya ulit nakapunta rito.

"Isa tong sikretong laboratoryo." Sa mahina nitong wika.

Pati rin si Benedict ay manghang mangha. Pinapakielaman pa nito ang mga ibat ibang kulay na garapon sa isang glass rack na hindi ko mawari kung ano ang nasa loob.

"Eh kanino ho ito at bakit gusto ninyo itong ipakita sa amin?" Tanong ko ulit kay Mang Roger.

Tumingin lang sa akin ang matanda. Hindi manlang niya sinagot ang katanungan ko. Imbis ay umupo siya sa upuan na naroon at ipinagpatuloy ulit niya ang kanyang kwento.

X~X~X

Sa sumunod na araw ay nag punta ako sa pag libing ni Esmeralda. Punong puno ng puting bulaklak ang gilid ng kanyang kabaong samantalang puti rin ang lukay ng kabaong na pinaglalagyan nito. Ang kanyang mukha ay sadyang pinaamo na tila eh siya lamang ay natutulog. Napatingin ako sa pamilya ni Esmeralda. Ang mama nito ay sige lang ang pag iyak. Halos mahimatay na ito sa kanyang kinauupuan habang nakadantay ang ulo nito sa kanyang asawa.

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon