Hindi na ako makahinga. Eto na yata ang katapusan ko. Wika ko habang naka tingin sa kisame ng ospital. Sige parin kasi ang pag sakal sakin ng lalaking ito. Buti nalang at may natitirapa akong lakas na kahit na sinasakal niya ako ay natatagalan ko pa ang pag hinga.
Nang di kalaunan ay unti unti nang lumabas ang pangil nito. Binuka niya ng malaki ang kanyang bibig ng maluwag ding humamahaba ang pangil niya.
Wala namang magawa si Benedict, tila nanonood lamang ito sa pag sakal sa akin ng bampirang ito. Langya walang silbe!!!
-------√v^√v^√v^ Darkness no.04: Princess and I √v^√v^√v^-------
"Benedict!!!!" Wika ko habng inuubo. Pinilit ko talagang magmakaawa sa harapan ni Benedict para naman eh matauhan si Loko.
Pero epektib ang acting ko. Biglang kumurap kurap ang mata ni Benedict. Parang nalagayan ng langis. Habang busy si Brandon sa pag patay sa akin ay humahanap ito ng paraan para matulungan ako.
Kinuha ni Benedict ang isang live wire na pumipitik pitik pa sa may marble na sahig sa di kalayuan. Galing yata ito sa pag sabog kanina at kaguluhan ng mga tao. Kitang kita pa sa dulo ng live wire na yon ang pag spark ng kuryente. Pero teka teka langyang to! Baka madamay ako.
Biglang sinipa ni Benedict ang likuran ni Brandon. Nang nakita ni Brandon ang hawak hawak ni Benedict na live wire ay bigla niya akong binitawan.
"Oh my GULAY! wika ni Benedict.
Agad siyang tumakbo. Nagpadulas siya sa may hawakan ng hagdanan. Halos uminit ang pwet niya sa sobrang kiskis dito. "Aray!!!" Sigaw nito. Si Brandon naman ay gustong kunin ang live wire kaya naman eh todo habol din ito kay Benedict. Kitang kita mo sa muka nito ang excitement. Palabas labas pa ang dila. Parang manyakis!!!
Kumaripas ng takbo si Benedict sa baba. Tinakbo niya ang halos dalawang kilometrong haba ng hallway ng corridor don. Pinahabol niya si Brandon. Mabilis din si Brandon. Kahit na mataba ang tiyan nito ay kahanga hangang napakabilis nitong kumilos. Pambihira nga naman ang nagagawa ng dugo ng bampira sa isang normal na nilalang.
Nauubusan na ng lakas si Benedict. Bumibigat na ang mga paa nito. Ilang minuto na lang at mawawalan na siyang abilidad upang tumakbo ng mabilis. Ti nake advantage naman ito ni Brandon. Nang maaabutan na niya si Benedict ay bigla siyang pumorma na parang dadaganan niya ito ng buo niyang malaking katawan.
Ngunit alisto parin si Benedict. "Benedict sa likod mo!!!!" Bigla kong sigaw. Nang tila narinig ito ni Benedict ay bigla siyang nag padulas sa sahig. Benend niya ang kanyang dalawang tuhod kasabay nun ay ki nross arm niya ang kanyang dalawang bisig sa kanyang dib dib.
Napahiga si Brandon. Sa sobrang impak niya ay nasubosob ang muka nito sa sahig. Halos mag kadurog durog ang mga tiles. Halos mag ka dugo dugo rin ang mukha nito dahil sa mga bubog at lakas ng impak.
Agad kong pinuntahan si Benedict sa pwesto nito. Nakapikit parin siya at nasa ganong posisyon ng pinuntahan ko.
"Hoy!!!" Sabay tapik ko sa kanya mukha niya.
"AHHHHH!" Sigaw niya ng nakapikit parin.
"Para kang gago diyan. Ako to!!!'' Wika ko.
"Ikaw pala yan." Sa nininerbiyos na boses.
"Lika na dali!" Sa pag mamadali ko.
Agad naming kinuha ang live wire. Pinuntahan namin ang katawan ni Brandon na kasalukuyang nakasalumpak parin sa lupa. Mula sa ulo nito ay tinusok ko ang live wire. BZZZZZZZ! Halos hindi magkanda ugaga ang katawan ni Brandon sa pag ngisay. Halos masunog ang balat nito at maluto sa lakas ng kuryenteng dumadaloy sa katawan nito.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
किशोर उपन्यासRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...