Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Hindi ko rin alam kung ano ang susunod kong magiging kilos sa pangyayayring yun. Napapikit ako ng sobrang diin habang alam kong hinihintay ni Katrina ang sagot sa kanyang katanungan.
"Saver ano ngang ganagawa mo diyan?" Pag uulit niya.
Rinig ko mula sa bukas na pintuan ang himig ng mga kuliglig sa umagang yon. Parang pati ang mga ingay nila ay nagtatanong sa akin kung bakit nga ba ako nasa lapag ng aking kwarto at tila may ginagawa.
Handa na si Katrina na lumapit sa akin. Malakas kasi ang pakiramdam ko. Rinig ko kaagaad ang unang hakbang niya sa lupa. Kaya inunahan ko na siya.
"Wag!" Sa normal kong boses.
"Huh anong wag?" Sa pagtataka niya.
"Wag kang lumapit dito at patayin mo ang ilaw." Utos ko.
"Huh ano bang nangyayari sayo Saver?" Sa lalong pagtataka niya.
"Basta wag kang lumapit. Diyan ka lang." Sabi ko ulit.
Pero nagmatigas si Katrina. Hindi niya ako sinunod.
"Hindi! Hindi ko papatayin ang ilaw hanggat hindi ka humaharap sa akin." Sa mataas nitong wika.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.13: Verity and Envy √v^√v^√v^-------
Mahigpit parin ang pagkakahawak ko sa katawan ng kawawang pusa. Ayokong humarap kay Katrina at makita niya ang pinaggagawa ko. At ano ipagtapat ko sa kanya ora mismo na. " katrina bampira ako!" Ganun ba? Ganun ba?
"O sige patayin mo muna nag ilaw. At isarado ang pinto." Sa malumanay ko na boses.
Sinunod naman ito kaagad ni Katrina. At nanahimik lang sa kinatatayuan niya. Mula sa kadiliman ng aking kwarto ay dahan dahan akong tumayo. Sa aking kamay ay hindi ko binitawan ang katawan ng pinaslang kong pusa. Marahan akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya habang naglalakad ako ay halo halong eksena ang pumapasok sa aking isipan.
Ano kaya pag nakita niya akong ganto eh sumigaw siya? O kaya eh bigla niya akong hampasin sa ulo. O kaya eh hindi niya ako matanggap sa kalagayan kong ito. Pero kahit na anong mangyari eh kailngan kong tanggapin ang katotohanan.
Kaya parang biglaan man ang pangyayaring ito eh kailangan ko ng maging handa.
Tumapat ako sa pigura ni Katrina na naaninag ko sa makapal na kadiliman sa aking kwarto. Mula naman sa switch ng ilaw na isang dipa lang ang layo mula sa kinatatayuan niya ay binuksan ko ito.
Agad na tumambad kay Katrina ang puro dugo kong labi at sa harapan ng aking damit. Malamlam ang aking mata at nakatahimik lang. Tila naghihintay. Nanghihintay na kung anong sasabihin at magiging reaksiyon niya.
"Ano? Eto ba ang gusto mong makita?" Tanong ko kaagad sa kanya.
Hindi siya makapag salita. Halos hindi ko makitang kumurap ang kanyang mga mata. Tinitignan lamang ako ni Katrina ngunit kahit tili at pag hingi ng tulong ay wala akong narinig buhat sa kanyang bibig.
Dahan dahang itong lumapit sa akin. Marahan niyang inangat ang kanyang kamay at hinawakan ang aking labi. Tila pinunasan niya ito. Tapos nun ay nilapit niya ang kanyang kamay sa kanyang ilong at itoy kanyang inamoy.
Bigla niya akong niyakap. Mainit ang katawan ni Katrina. Kakaibang init na matagal ko ng hindi naramdaman. Niyapos niya ako ng maigi. Tila pinapadama niya na tanggap niya ako at hindi niya ako iiwan.
Agad kong tinanggal ang pa kakayapos niya sa malamig kong katawan at agad ko siyang tinanong.
"Hindi ka natatakot sa akin?''
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Teen FictionRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...