Napatayo ang bampira sa aking harapan. Bahagyang nasugatan ang kanyang pisngi ng boomerang na nagmula sa matandang misteryosong yon. Pinunasan ng bampirang ito ang kanyang mukha habang tumatayo. Kitang kita sa mukha nito ang sobrang galit.
"Wala pang nangahas na sugatan ang aking balat. At mas lalong hindi ako makakapayag na isang katulad mo lamang ang susugat sa aking mukha." Wika ng bampira na kasalukyan ay nasa harapan ko parin.
Hindi naman nag sasalita ang matanda. Tila nakangiti pa ito habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng bampirang yon.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.17: The Perfect Two √v^√v^√v^-------
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito naba ang oras para ako ay tumakas? Pero papaano eh mahihirapan ako sa aking sitwasyon dahil sa nabale kong buto sa aking likuran. Ang sakit na nararamdaman ko na sanhi nito ay parang pinagsamasamang suntok ng mga nasagupa konang mga masasamang tao sa tanang buhay ko.
Agad na naghilom ang sugat ng bampirang nasa harapan ko. Mas mabilis ang paghilom ng kanyang sugat kaysa sa paghilom ng akin. Ibig sabihin ba nito ay mas mataas siyang uri ng bampira?
Patuloy parin ang pagka inis na nakikita ko sa kanyang mukha. Ang matanda naman sa kabilang kalye ay tila nagiinis pa rin. Patuloy parin ang pag ngiti nito at paminsay minsay dumudura pa sa kanyang harapan. Kaya naman eh mas lalong nanggagalaiti sa galit ang bampirang ito. Unit unting niyang tinaas ang kanyang kamay at pinaikot ikot ito sa ere. Ngumiti ang bampirang ito ng pangisi sabay sugod sa may matanda.
Para itong bala sa bilis. Sigundo lang ang bilang ngunit naroon na kaagad siya sa halos kalahating kilometrong pinang gagalingan ng matanda.
Pero tila handa ang matanda. Mula naman sa kamay nito ay agad naman niyang pinailaw ang dala niyang flashlight. Ito ang naging dahilan upang panandaliang masilaw ang bampirang yon.
Nasilaw ang bampira. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay upang takpan ang kanyang mga mata. Nawalan din siya ng direksiyon sa may ere at nagbabadyang tatama sa isa sa mag street light ng sinambot naman siya ng kanyang kasamang bampira na nasagupa ko kanina sa may bus.
"Ginoong Voltaire!' Bulalas nito. Habang mula sa kanyang mga bisig ay sinalo niya ito ng kanyang buong lakas.
"Okey lang ako Zunic." Sagot naman ni Voltaire.
Habang abala ang dalawang bampira sa isang banda naman ay pinuntahan naman ako ng matandang yun. Ultimo sa kilos nito at sa pinakitang liksi ay hindi mo aakalaing siya pala ay isang matanda.
Agad niya akong kinayag at dinantay ang kamay ko sa kanyang balikat.
"Ano kaya mo ba bata?" Tanong niya sa akin. Habang pinipilit niya akong itayo sa lupa.
"Hindi ko kaya!" Wika ko naman na patuloy parin ang pagsakit ng likod ko.
"Putris ka!!!" Bulalas nito. "Kayanin mo!!!' Pagpapatuloy niya.
Bigla niyang hinawakan ang aking likod. Inalalayan niya ako hanggang sa aking pagtayo. Pinilit ko ang hapdi ng aking nararamdaman pero parang hindi ko talaga kaya. Ang hapdi ay para kasing sakit ng inoperahan ng walang anesthesia.
"Manong wag mo na akong iligtas. Umalis na kayo." Sabi ko.
"Hindi ako aalis rito ng wala ka." Wika naman ng matandang ito.
Kaya naman eh tinatagan ko ang aking loob. Tiniis ko ang hanggang langit na sakit. Pagkatayo namin ay bigla siyang sumipol.
Mula sa himpapawid ay biglang lumitaw ang isang itim na ibon. Pumwesto agad ito sa aming harapan na tila siya ang aming look out kung susugod man ang kabilang kampo.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Teen FictionRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...