Agad kong tinawagan si katrina mula sa sira kong screen na cellphone. Pero puro operator lang ang sumasagot. Tinawagan korin naman ang boarding house niya upang manigurado. Pero ring lang naman ng ring. Bigla akong napasalampak sa may sahig ng laboratoryo. Parang bigla akong nanghina ng hindi ko maintindihan.
Kung hindi ma contack si katrina at wala rin ito sa boarding house niya ay maaring may tumawag sa kanya at pinapunta siya rito. Pero ang tanong eh nasan na siya???
Pakiramdam ko ngayon ay para akong nakawala sa kawalan. Kawalan na wala ng sasagip pang iba. Kawalan na hindi ko alam kung saan ako pupunta. kawalan na wala ng choice kundi kikilin nalang ang aking huling hininga.
Napatingin ako sa puntong yun kay Doctor Vargas. Tila gusto kong malaman kung bakit siya natunton ng mga walang awang bampira nayun. Kung nasa kanila ba si Katrina. Kung may pag asa paba???
Ngunit ng akin na siyang puntahan sa kanyang kinalulugaran ay nakadilat na ang mga mata nito. Na ang ibig sabihin lang ay patay na siya.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.33: The Plan √v^√v^√v^-------
TING! Isang patak ng dugo ang aking narinig mula sa aking tenga. Pagmulat ng aking mga mata ay tila nasa isang lugar ako na hindi ko pa napuputahan.
Ang lahat ng nakikita ko sa buong paligid ay walang iba kundi dugo. Para itong isang eksena sa kakatapos lang na gera na maraming namatay.
"Nasan ako?" Wika ko sa aking isipan.
Hanggang bigla nalang may narinig akong sigaw.
"Tulugan mo ako Patrick... Tulong!!!!" Sabi ng tinig.
Agad akong bumangon. Hindi ko alam kung saan ako papatungo ngayon pero isa lang ang nasa isip ko. Kundi ang tulungan ang humihingi ng tulong nayon.
Agad akong tumakbo. Sa bawat pag tapak ng paa ko sa may lupa ay siya namang tilamsik ng dugo sa suot kong puting damit. Naaamoy ko pa ang ang mga dugong ito. Kung di ako nagkakamali ay naamoy ko na kung kanino ang dugong nagkalat sa buong lugar.
Dugo ng aking sinisinta, Dugo ng aking minamahal, Wala iba kundi ang dugo ni katrina.
SWOOSH! Bigla nalang may lumapad na malaking ibon na kulay itim sa itim na kalangitan. Tungo sa mga kuko nito ay may nakita akong isang babae na hawak hawak niya sa may ere.
"Katrina!" Ubod na lakas kong sigaw.
"Patrick!" Tangan naman niya.
Tumalon ako ng mataas. Pilit kong inaabot si Katrina sa may ere ngunit hindi ko kaya. Hanggang nilipad siya ng ibon sa sobrang taas na lebel.
"KATRINA!!!!!" Sigaw ko.
Bigla akong napadilat pagkatapos. Mula sa aking harapan ay nakita ko si Kuya. HInahampas hampas niya ang aking mukha habang naka higa parin ako sa may sahig ng laboratoryo na punong puno ng ibat ibang uri ng likido.
"Kuya si Katrina nangaganib siya." Sabi ko.
"Ahhhh pano siya nakuha? Saka anong nangyari dito?"
"Hindi ko alam." Sabi ko naman kanya sabay bangon ko.
X~X~X
Kwento ni Kuya ay bigla daw nagpa misscall si Doctor Vargas sa kanya. Isang oras lang daw ang nakakaraan. Eh iniwan niya daw ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang kwarto kaya hindi niya ito nakita kaagad.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Fiksi RemajaRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...