Dinala nalang ako ng aking mga paa sa isang progresibong lugar. Kakaiba ito sa tahimik at maayos na kapaligiran na tinirahan ko kasama sila Benedict at Mang Roger ng ilang buwan.
Maingay, Mausok, Buhay na buhay ang mga nag kikislapang ilaw sa buong paligid.
Marami kang makikita sa buong kapaligiran. Mga street vendor sa gilid ng daan, Mga kabataan na kahit hating gabi na eh panay parin ang pag lalaro sa may kalye, Mga lalaking naglalalro ng bilyar sa katabing instroktura lang, Mga nanlilimos, Mga dumadaan sa kalyeng ito na halos magkaroon na yata ng stiffnect sa taas ng pagtingala nila habang naglalakad.
Hindi ako nag hahanap ng pag ha happy happy kung yan ang iniisip nyo dahil sa gabing ito ay aking tutuparin ang kahilingan ng isa sa mga bampirang napatay ko. Oo tama ang hinala ninyo. Walang iba kundi si Varda.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.29: Tears of the Vampire √v^√v^√v^-------
Agad akong nagpatihulog mula sa isang mataas na gusali. Swabeng swabe lang ang pagbagsak ko sa may lupa. kasabay nun ay ang pagtungo ko sa isang bahay na mula sa memorya ni Varda na nasagap ko. Na sa aking palagay ay malapit lang dito.
Tatahakin ko ngayon ang isang eskinita. Nakasusulasok ang amoy dito na tila pinaghalo halong tinunaw na plastic at basang lupa. Pero tila sanay na ang mga tao dito sa gantong kapaligiran. Hindi nalang nila ito iniinda. Bagkus ay masaya nalang silang naninirahan dito kasama ang kanilang kanya kanyang pamilya.
Pagdating ko sa dulo ng eskinita ay bumungad naman sa akin ang isang grupo ng kabahayan. Sa sobrang dami nito ay hindi ko alam kung saan dito ang bahay na dapat kong tukuyin.
Sa pag kakataon yun ay kailangan kong umisip ng paraan. Kaya naman ang pandama ng isang pagiging bampira ang ginamit ko. Mula sa aking kinatatayuan ay marahan akong pumikit. Kinonsentrate ko ang aking sarili sa isang bagay lamang.
Agad kong narinig ang pagaspas ng hangin sa paligid. Ang mga usapan ng mga tao sa mga bawat bahay. Ang aking espiritu ay parang lumabas mula sa aking katawan. Ang maganda pa rito ay nakikita kopa ang aking sarili na nililibot ang buong lugar. Parang astral drop lang.
Hanggang isang pintuan ang umagaw ng aking pansin. Isang pintuan na labis ang pag liwanag ng paligid nito. Ito na ba ang senyales? Ang senyales na ito na ang tanging bahay? Ang bahay nila Varda???
Agad akong dumilat. Sa aking pag dilat ay naramdaman rin ang muling pagbalik ng aking diwa sa aking katawan. Nagpunta ako sa bahay nayon ayon sa aking memorya.
Marahan kong dinama ang pintuan na naroon. Kiniskis ko ng bahagya ang aking mga palad kasabay ng muling pag alala ko sa sinabi sa akin ni Varda.
Kasalukuyan ng dumudugo ang kanyang bunganga ng mga oras nayon. Kahit nahihirapan na siya sa kanyang posisyon na kahiga sa lupa ay nagawa pa niyang maghabilin sa akin.
"Patrick. Dalhin mo ang pluta ko sa aking asawa." Wika nito habang hirap na ito sa pag hinga.
Ang pag kapit ni Varda sa leeg ko ay talagang mahigpit. Kitang kita ko naman buhat sa kanyang mga mata ang labis na pag sisi sa kanyang nagawa.
Pagkatapos nun ay inilabas ko na ang pluta ni Varda mula sa aking bulsa. Nilagay ko ito mula sa harapan ng bahay nayon at agad na kumatok. Pagka katok na pagkakatok ko ay agad akong tumalon ng mataas. Nagtago ako sa itaas ng poste na malapit lang sa bahay nayon upang doon nalang tignan ang mga pangyayari.
"Sino yan?" Wika ng isang boses.
Bigla nalang bumukas ang pintuan pagkaraan ng isang minuto. Mula doon ay lumabas ang isang batang babae. Palinga linga pa ito mula sa kanan at kaliwa niya upang tignan kung sino ang kumatok na iyon ngunit nabigo siya.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Teen FictionRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...