Darkness no.09: The Night Job

4.3K 76 8
                                    

Alas singko na ng umaga. Ilang oras nalang at magsisimula ng sumikat ang araw. At yun ang isa sa mga kinakatakutan ko. Dahil kahit na konting sinag lang nito ang dumampi sa aking balat ay tiyak na masusunog ako at magiging letchong bampira.

"Kailangan ko ng matutuluyan." Pag uulit ko.

Nakatayo parin ako malapit sa counter. Nag pakilala sa akin si Mr. Monde ang may ari ng carinderyang ito. Maliit lang na tao si Mr. Monde. Maputi na ang iilang buhok nito at mataas ang hair line nito sa ulo. Pero hindi naman halata sa pinag kikilos niya. Ika nga niya eh kalabaw lang daw ang tumatanda.

"O sige lika na at sasamahan kita." Wika naman ni Katrina.

Pagkatapos naming mag usap ni Mr. Monde. Ay niyakad ako ni Katrina sa may likod ng carinderia. Ilang kilometro lang ang layo nito mula sa carinderia ay makikita ang isang establisyimento. Mula rito ay may dadaanan kapang maliit na eskinita at yon saka sa akin bumungad ang isang apartment.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.09: The Night Job √v^√v^√v^-------

Bagong pintura ang buong buliding. Halatang halata dahil sa umaalingasaw na amoy ng mabahong pintura sa hangin at sa nakalagay na marka na nakasulat sa isang pirasong karton na bagong pintura huwang hawakan. Naunang nagtungo si Katrina sa unang palapag nang gusaling yon. 

"Lika na!" yaya sa akin ni Katrina. Habang ako naman eh nabulabog sa pagtingin ko rito.

Huminto kami sa pangalawang palapag ng gusali. Mula sa ikalawang kwarto na malapit sa hagdan ay huminto kami sa paglalakad. Dito naba ang magiging kwarot ko? Wika ko sa aking sarili. At yun na nga! Unti unting inikot ni katrina ang doorknob. Binuksan ang pintuan at tuluyan ng binuksan ang ilaw.

 "Lika na sa loob. Ano nga palang panglan mo?." Tanong niya sa akin. 

Agad akong ng isip. Dapat ko munang itago ang totoo kong pangalan. Pero bakit ganon walang pumapasok sa isip ko. Pambihira. Nilibot ko ang aking mata. Mula sa latang basurahan sa gilid ay nagkaroon ako ng ideya sa nakasulat ditong salitang save the earth.

"Ahhh Saver. Yun tama Saver ang pangalan ko." Wika ko habang nakangiti sa kanya.

Pero mukang pati siya eh nawirduhan sa pangalang binanggit ko. Matagal siyang hindi umimik. Pero after a couple of second eh niyaya na niya ako na pumasok.

Katamtaman lang ang kwarto. May isang maliit na kama, Isang aparador para sa mga damit, lamesa, isang monoblock na upuan at isang bintana na malapit sa ulunan ng kama.

"Okey ba Saver?" Tanong ni Katrina sa akin. Habang tinatangka niyang buksan ang bintana.

"Wag!!!" Sigaw ko.

"Huh? Anong wag?" Tanong sa akin ni Katrina na napigilang buksan ang makapal na kurtina.

"May sakit ako sa mata. Bawal ako sa liwanag ng araw." Pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? O sige. Magpahinga ka muna diyan tapos mag text ka lang pag may kailangan ka. Mamaya nalang tayong mag usap. Okey?" Wika niya.

Ngunit tungo lang ang sinukli ko. Umalis na si katrina sa bago kong kwarto. Pagka alis niya ay unti unti ng dumilim ang paligid. May konting liwanag na nakasisilay sa may bintana ngunit hindi naman ito sapat para masunog ako ng tuluyan

Mula sa aking dalang bag ay nilabas ko ang isang laptop. Agad kong chi narge ang ninakaw ko na laptop kay Benedict. Siguro umiiyak nayon ngayon. 

Humiga muna ako sa aking bagong kama. Syempre nakakalungkot . Inaaninag ng konte ang kisame ng bago kong masasabing tahanan. Aminin ko malungkot ang buhay ko ngayon. Pero pipilitin ko itong maging masaya. Pipilitin kong mag kakulay ang ang mundo ko na nababalot ng kadiliman.

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon