Gulong gulo na ang isipan ko. May part two nanaman ba ang nangyaring gulo nung isang araw? Anak ng teteng ohhhh! Mas malaki ang katawan ng lalaking ito. Ahit ang kalahating ulo niya na kulay mais naman ang natitira pa nitong buhok sa kabila. Parang pinag laruan lang ng di ko malaman.
"Sir dun nalang po tayo sa labas. Dun nalang natin pag usapan ang lahat." Wika ko habang hinawakan ko siya sa kanyang balikat upang kausapin sa labas.
Hindi lang siya umimik. Ano to napipi? Siryoso ang muka niya. Tila isang bulkan na hindi ko kailan kung kailan sasabog.
"Tanggalin mo ang kamay mo sa balikat ko!" Wika niya sa matigas na tinig. "Sir parang awa niyo na dun ho tayo sa labas."
Hanggang walang anu anoy. Bigla niya akong sinuntok.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.10: Beyond the Red Light √v^√v^√v^-------
Napaiktad ang pisngi ko sa kabila. Punyemas na buhay to ohhh? Wala nabang ginawa ang mga taong to kundi makipag away nalang araw araw. Sabagay binabagay ang muka sa kanyang gawain.
Mula naman sa loob ng carinderia ay narinig yata nila ang sagutan namin ng lalaking ito. Kaya naman eh nag labasan sila. Alalang alala sila sa akin. Syempre ako lang nanaman mag isa. Agad na tumawag si Mr. Monde ng baranggay tanod. Mula sa kanyang cellphone ay dinial niya ang numero 123. Flash contack ito sa baranggay hall. Talagang hinanda ito ni Mr. Monde dahil may posibilidad nga na mangyari ulit ang mga gantong eksena.
Namimilipit nanaman ang muka ko sa sakit. Ang pakiramdam ko eh mababali na ang panga ko sa pag suntok ni Barombadong kuya nato. Habang nakasalampak ako sa lupa ay dumiretcho si kuyang barombado sa loob. Nagsisigaw ito. "Ilabas niyo kung sino yun!!! Ilabas niyo!!!" Paulit ulit nitong sigaw.
Pinaghahagis nito ang mga lamesa. Buti nalang eh plastic kaya hindi ang mga iyon masyadong nasira.
Rinig na rinig hanggang labas ang pag wawala ng lalaking ito. Mas malala ito kaysa sa kapatid niya. Kung baga sa suka mas maasim at mas ma acid. Sila Eman naman at sila Mr. Monde ay nag tago na sa kusina. Punyemas naman talaga. Mukang ako nanaman ang aasahan nila.
Unti unti akong tumayo. Medyo nawawala narin ang sakit ng panga ko kahit papano. Kaya naman eh magpapakilala na ako sa lalaking ito para matapos na ang lahat.
Mula sa likuran niya ay sumigaw ako ng malakas. "Oiii kinausap kita ng maayos pero hindi mo ako pinakinggan. So kung gusto mo ng away pag bibigyan kita." Sa matapang kong sabi.
"Nako bata magtigil ka ahhh. sa katawan mong yan sinisindak moko. Loko Loko!!!" Sagot nito sa akin.
Ehhh! Talaga palang walang breeding ang lalaking ito eh... Yung ugali niya ay ng be blend sa muka niya. Dahan dahan akong sumugod. Habang papalakad ako sa kanya ay prenteng prete lang itong nag hihintay sa pag dating ko. Mas lalong nakakainis.
Paglapit ko ay umentra na siya. Bigla siyang kumuha ng pwersa sa hangin at aambang susuntukin ako. Syempre hindi ko papayagan yon. Sa mabilis kong reflects ay bigla kong nasangga ang kamao niya at bigla ko siyang binigyan ng upper cut. Halos pumangit ang muka ni kuya pag kasuntok ko. Panandalian itong pumikit at parang nahilo. Naramdaman kong medyo lumambot siya at hindi nag sasalita.
Bigla akong napalunok. Tapos naba ang labanang ito? Wika ko sa aking sarili. Nakatingin lang ako sa malaking katawan niya habang mukang nag didiliryo siya.
Nang walang anu anoy bigla siyang dumilat. Punyemas! Sumigaw siya ng malakas. "Hayop ka!!!" Bigla niya tinangkang hawakan sa damit ko pero naunahan ko siya. Bigla akong tumakbo papalabas. Syempre sinundan naman niya ako. Pahirap pa sa pagtakbo ko papalabas ang mga nakaharang na gulo gulong lamesa. Para akong nasa maze. malayo layo rin kasi ang pintuan papalabas dahil nasa counter kami.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Teen FictionRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...