Agad kaming nagpunta sa bahay ni Rose pagkatapos niyang tumawag sa akin. Mabilis pa sa alas kwatro kaming umalis ng bahay. Hindi ko alam pero mukang todo ang pag aalala ni Benedict sa ginang nayon? Tense na tense si Loko!
Pagdating namin sa mismong bahay nila Rose ay agad kong binuksan ang pintuan sa front door. Agad kaming pumasok ni Ben. Mula naman sa may sala ay nakita namin si Miss Rose na naka upo lang at halos nakatikom ang mga kamay nito na tila nagdarasal.
"Miss Rose anong nangyari?" Tanong ko kaagad rito.
Ngunit handa ko ng i comfort si Miss Rose nag bigla naman siyang yakapin ni Benedict at walang habas nitong pinaghihimas ang buhok nito.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.26: The Code √v^√v^√v^-------
"Hoyyy anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Ben sabay batok!
"Pre naman dahan dahan lang naman.'' Apila naman ni Ben sa akin. Pero eh panay parin ang pag yapos nito kay Miss Rose.
Agad din naman akong nag isip ng madalian sa pag yapos ni Ben nayon and i conclude na.
"Punyemas ka naman Ben ohhhh!'' Wag mong sabihin na?'' Sa pagkagulat ko.
"Yes men!!! Kung ano man ang iniiisip mo eh tama!" GF kona si Miss Rose!" Pag yayabang nito.
Kaya naman pala nung gabi eh nakita ko tong si Ben sa may Veranda na mukang may kausap. Pa pout pout lips pa ito na tila eh may hinahalikan sa kabilang linya. Sabagay eh maganda naman talaga tong si Miss Rose. Kamukah ni Roxanne Ginoo.
"Pero Miss Rose eh maiba tayo? Bakit ba kayo kaagad na tumawag?" Pag iiba ko ng topic.
Pero imbis na sagutin kami ni Miss Rose eh sandaling tumahimik ito at tumingin sa mga mata namin ni Ben sabay sabing.
"Lika sundan nyo ko sa itaas." Sa normal nitong boses.
Dahan dahan kaming nagpunta sa itaas. Ang next location na ipapakita nito sa amin eh ang matagal ko ng gustong pasukin. Walang iba kundi ang kwarto ni Mr. Emilio.
Papalapit palang kami sa kwarto ni Mr. Emilio ngunit mukang takot na takot na itong si Rose. Hindi namin maunawaan kung ano ang labis na kinatatakutan nito mula sa naturang kwarto. Agad namang niyapos ni Benedict ang bagong kasintahan nito at tila pinaparandam dito na wag kang matakot dahil nandito nako.
"Ikaw na ang mag bukas.'' Utos sa akin ni Rose na nakayapos parin siya kay Ben.
Agad naman akong kumilos. Nilagay ko ang aking kamay sa doorknob ng pintuan ng kwarto ni Mr. Emilio marahan ko itong inikot at tuluyang binuksan.
May konting hangin na biglang sumilay sa akin sa pagbukas namin ng pintuan. Agad ko naman binuksan ang ilaw upang makita namin ang loob ng kwarto. Sa pagbukas ko naman ng ilaw ang tila normal naman ang lahat.
"Clear walang tao" Sabi ko na nakatingin lang sa buong kalooban ng kwarto.
"May tao diyan kanina eh..." Panggigiit ni Rose.
"Babe lika na wala namang tao eh." Sabi naman ni Ben kay Rose.
Dahan dahan kaming pumasok ng loob ng kwarto. Pagkatapos nun eh agad na akong nagtanong.
"So Rose ano pang kinatatakunan mo rito bukod sa aninong nakita mo kanina?" Follow up question ko.
Agad na tininggal ni Rose ang pagyapos niya sa katawan ni Ben sabay nun ay biglang turo niya sa walling ng kwarto ni Mr. Emilio.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
JugendliteraturRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...