Darkness no.28: Musicians Final Wish

2.6K 48 4
                                    

Bigla akong tumakbo ng mabilis. Kahit tila mabilis ang mga pagdating ng mga matutulis na pira pirasong bakod nayon sa kinatatayuan ni Benedict ay tila napaka bagal nito sa aking paningin.

Agad kong niyakad si Ben. Niyakap ko siya sabay dala ng kanyang katawan sa may ere. Nakatalikod siya sa mga kahoy na paparating habang ako naman ay nakaharap.

Kitang kita ko buhat sa aking harapan ang mga dulo ng mga kahoy na ito na ubod ng tulis. Halos isang dipa nalang ito mula sa itim ng aking mga mata. Ngunit salamat sa angking kong bilis at mabilis koring nailagan ang mga ito.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.28: Musicians Final Wish √v^√v^√v^-------

Ang mga matutulis na bakod ni Mang Roger ay isa isang nabaon sa lupa. Halos kalati ang mga nabaon mula sa mga katawan nito na ang tanging ibig sabihin lang ay sobrang lakas ng impak nito.

"Ayos ka lang Ben?" Tanong ko kaagad kay Benedict pero eh nakapikit lang ito. Nang hinawakan ko naman ang kanyang ulo ay agad na nahaplos ko na tila basa ito. Agad ko itong tinignan at dun ko lang napag tanto na itoy dumudugo.

Ang aroma ng dugo ni Ben ay agad na umalingasaw sa hangin. Nahahalina ako nito ngunit pinipigilan ko. 

"Ben!!! benn!!!" Gumising ka. Wika ko habang kinakalog ko ng bahagya ang kanyang ulo.

Agad namang nag response ang kamay ni Ben ng bahagya na ang ibig sabihin ay buhay pa ito. kaya naman eh bigla kong tinawag si Mang Roger upang akoy tulungan.

To the rescue naman si Mang Roger. Agad siyang nagpunta sa aming pwesto at agad na inalalayan niya ako kay Ben. Ngunit aangatin na namin si Ben ng biglang sumigaw si Rose.

"Patrick!!!!!" nang ubod ng lakas. Parang lumelevel na ang boses nito sa lakas ng pluta na pinapamalas ni Varda.

Dahan dahan akong tumingin sa aking likuran. Nakahawak parin ang aking mga kamay sa katawan ni Ben ng bigla nalang mula sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pag dating ni Varda.

Para itong kasing bilis ng hangin. Agad niyang ginamit ang kanyang lakas upang mataboy ako. Malakas si Varda siguro eh dahil narin sa galit nito sa pangyayari kanina.

Kasunod naman nun ay bibalibag din niya si Mang Roger. Para lang itong pinitik at agad na itong nataboy sa isang puno ng niyog. Lumagatok ang mga buto ni Mang Roger. Kasabay nun ang iilang niyog na nagbaksakan mula sa puno.

 "AHHHHHHHHH!!!!" Sigaw naman ni Rose na tila na nonood lang sa live na Horror type movie.

Nang wala ng sasaklolo kay Ben ay kumilos naman si Varda. Agad niya itong pinuntahan, Inamoy amoy muna nito ang sariwang dugo ni Ben mula sa kanyang ulo. Tila eh isang pabango ito na ubod ng mahal na kahit na isang amoy ay ayaw nitong sayangin.

Nakalaylay na ang ulo ni Ben sa kabilang banda. Habang tila isa lang siyang laruan na binubuhat ni Varda sa pamamagitan ng kanyang isang kamay.

Pagkatapos nun ay unit unti ng binuka ni Varda ang kanyang bibig. Ang dalawang pangil nito sa harapan ay nagsimula ng humaba. Pinapamalas talaga nito ang natural nitong haba at tulis sa amin habang kami naman ay labis na nanghihina.

Pumwesto na si Varda. Unti unti na niyang nilalapit ang kanyang malaking bibig sa leeg ni Benendict at tatangkain na itong kagatin. Ang mga mata ni Varda ay talaga namang hindi mapagkakailang makikitaan mo ng halong galit at pag sasabik. Mapula ito at nanlilisik.

Kumilos nako. Kahit papano ay hindi ko papayagan ang kaibigan ko na mamatay lang nawala akong ginagawa kaya bigla kong nagpunta sa kanilang pwesto. 

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon