Bigla kong pinatay ang computer ni Benedict. Tila natakot din kasi ako sa mga impormasyon na nakuha niya doon. Imaginin mo na prinsesa nga ng mga bampira ang napatay ko. Eh ngayon whats next??? Sigurado DISASTER. Disaste na maaring humantong sa kamatayan ko o mga taong mahalaga sa buhay ko.
"Dude bakit mo naman pinatay?" Pag mamaasim na muka ni Benedict na may kasama pang tapik sa braso ko.
"Tigil tigilan mo ako Benedict ahhh. Wag mong sabihing naniniwala ka diyan?" Sabi ko naman.
"Pare eh yung pag salakay ng bampira sa ospital joke bayun? Kaya nga may possibilities na totoo ang mga impormasyon dito." Pag sasalaysay niya.
"Ahhh basta!'' Nananakot ka lang." Wika ko.
"Pero pare seryoso nga. Pano kung tama nga at prinsesa pala yun. Pano na?" Tanong niya sa akin.
"Sa totoo niyan eh yan din ang tanong ko sa isip ko. Pero wag naman sana." Wika ko habang biglang nalungkot ang muka ko.
Inakbayan ako ni Benedict. Ultimo eh pinadama niya sa akin na di ako nag iisa.
"Pare hayaan mo at nandito lang ako." Sabay ngiti niya.
"Salamat pare." Tanging tugon ko sa kanya.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.05: Second Fear √v^√v^√v^-------
Nanonood ako ng T.V ng tanghaling iyon. Apocalypes Now! Yan ang title ng pinapanood ko. Tungkol sa isang bansa na may kumalat na isang pambihirang sakit. And guest what? parang mga bampira ang mga tao. Ang sintomas eh. Umiinom ng dugo. Pag hindi ka uminom ng dugo eh hindi ka belong. Kaya papatayin ka nila.
Kung iisipin mo nga naman na mangyari ito sa Pilipinas ngayon eh lubos na nakakatakot. Yun ngalang si Brandon eh kailangan ng determanation at todong lakas para matalo. Eh ano pa kaya ang isang batalyong mamamayan. Iniisip ko palang eh patay na ko.
Bigla akong nagpunta ng kusina. Balak ko kasing uminom ng kape. Ewan ko ba pero bigla akong na tense sa pinapanood ko. Lalo na pag naaalala ko ang muka at naaagnas na katawan ni Brandon habang nakukuryente. Nakakadiri.
Biglang umihip ang malakas na hangin sa likod ko. Pagka tingin ko sa pintuan ay bukas ito. Kaya naman eh nilapitan ko ito at ni lock. Hindi ko pinansin ang insidenteng yon. Dahil ayoko ng mag isip isip pa. Sumasakit lang ang ulo ko.
Hanggang biglang may kumalabog sa may sala. Napahinto ang pag gawa ko ng kape. Hininto ko ang pag halo dito at tuluyan ng iniwan ang bote ng niyon sa may lamesa.
"Parang nangyari nato ahhh?" Sabi ko sa isip ko. Pilit kong iniisip pero ibat ibang imahe ang bigla ng pumasok sa aking diwa. Hanggang naalala ko ang Pangyayri sa bahay ni Brandon. Bigla akong napalunok. Teka teka ano naman kayang bubungad sa akin ngayon. Kung yung dati eh prinsesa daw sa tingin ko prinsepe naman.
Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ni Benedict. Ginugyog ko kaagad ang buo niyang katawan. "Ben gising!"
"Ano bayun???" Wika nito na naka bukaka pa.
"Oii gising diyan may tao sa loob ng bahay." Pag susumbong ko.
"Anoooo? Sino?" Pagkagulat naman niya.
Agad itong bumangon sa kanyang kama. Kasabay non ay tinaas niya ang kanyang unan at kinuha ang malaking krus na naroroon. Nung nakita ko yon eh hIndi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa.
Marahan kaming nag punta ng sala. Nung una ay sumilip muna si Benedict sa may siwang ng kanyang pintuan bago paman tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Teen FictionRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...