Hindi ako mapakali sa loob ng kwarto. Kaya pala eh ibang pakiramdam ang naramdaman ko nung hinahanap namin si Troy sa may bayan. Sa tulad ko kasing bampira ay malakas ang aming pandama. Alam namin kung may darating na pangyayari sa kapwa man namin, mismong sa aming sarili, pati na sa aming paligid.
"Pare okey ka lang? Teka teka wag mong sabihin na nandiyan ka sa Santa Catalina ngayon?'' Tanong ni Ben sa akin na ngayon eh halos isubsob na niya ang kanyang mukha sa may web cam.
"Oo nandito ako." Sa mahina kong boses." Ben? Tignan mo kung may iniwan silang marka o palatandaan.'' Pag uutos ko.
Mula sa kanyang web browser ay sinuyod ni Ben ang mga marka ng katawan ng biktima. At ito ang kanyang sinabi.
"Bale mula sa katawan ng biktima ay may tatlong pare parehong hiwa sa may likod nito." Pag pupuptol niya.
"O anong ibig sabihin nun?" Tanong ko ulit.
Muling pinagalaw ni Benedict ang kanyang mouse mula sa kanyang mga file at mismong siya eh nagulat.
"Oii ano nga mas lalo mo akong tinatakot eh!" Wika ko.
"Pare ang ibig sabihin ng tatlong hiwang yun. Ayon sa mga sign ng mga bampira ay checkpoint!" Wika nito sabay tingin sa akin sa monitor.
-------√v^√v^√v^ Darkness no.16: Night on the Bus Stop √v^√v^√v^-------
Bwiset talaga tong buhay nato oo!!! Marami pa talaga akong hindi alam sa mga vampire na sign at kaugalian. Aba meron din pala sila nun???
"Anong ibig sabihin nun. Yun bayong makikita sa daan?" Pag isyoso kong tanong.
"Diyan ka nagkakamali. Ang check point na sinasabi nila eh. Ibig sabihin ay malapit na sila sa kanilang hinahanap or target." Pagpapatuloy nito. "At sa pagkakataong ito eh ikaw nga at walang kaduda duda na ikaw ang hinahanap nila." Pagdagdag nito.
Patay na ako nito. Saan naman ako nito pupunta sa kalagitnaan ng gabi? Punyemas naman oo!
"Oi pre ano ang balak mo?" Tanong ulit sa akin ni Ben na halata ang pag aalala.
"Hindi ko alam. Pero ang alam ko eh kailangan ko ng umalis dito ngayon para hindi sila madamay." Sagot ko naman.
Iniwan kong nakabukas ang laptop. Ang ilaw na nagmumula sa monitor nito ang nagsisilbing liwanag habang ako naman ay nag mamadaling mag impake. Mula sa aking cabinet ay kinuha ko ang ilan kong mga damit at gamit at inilagay ko ito sa isang malaking compact bag.
Sinarado ko narin ang aking laptop at sinimulan ko ng tumakas. Hindi ko na magawang magpaalam pa kila Mr. Monde at lalong lalo na kay katrina. Alam ko kasi ang mga instinct ng mga bampira. Katulad nung nagyari sa akin eh wala silang oras na pinipili. Patay kung patay. Kaya kung dito pa ako maabutan ng mga humahanap sa akin ay tiyak na madadamay ang lahat.
Niligpit ko muna ng konte ang aking kama. Nilagay ko na sa aking balikat ang aking maliit na bag at panandalian akong tumingin ulit sa aking kwarto. Sa muling pag tingin ko rito ay nanunumbalik ang mga eksena ng una ko ritong pag dating. Mga saya at galak na pinadama ng bawat isa na kahit sandali lang eh nakalimutan ko na isa pala akong bampira.
Dahan dahan na akong lumabas ng pintuan. Marahang sinara ito. At sa aking pag sara sa tinuring ko nang tahanan sa mahigit na tatlong buwan ay saka naman ito unti unting kinababawan ng kadiliman.
Buti naman eh tulog na ang lahat sa pag alis ko. kaya naman eh mas madali akong makakaaalis at wala ng iyakang magaganap. Ginamit ko ang aking bilis. Halos lilipad na ako sa kaluwagan ng kalyeng yun sa pinapamalas kong tulin.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Fiksi RemajaRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...