Napaka bilis ang lahat ng pangyayari. Ang isang oras ay naging sampu. Ang sampu ay naging isang araw, Ang isang araw ay naging isang linggo at ang isang linggo ay naging isang buwan.
"Doc anong pong improvement sa formula?" Tanong ko kaagad kay Dr. Vargas. Umagang umaga pagpunta ko sa loboratoryo niya.
"Sa tototo niyan eh marami na. Almost ninety percent na ang mga nasusubukan ko from the actual formula. Aminin ko na medyo nahirapan ako. Pero ika nga patient is a virtue. Kaya lika may ipapakita ako sayo." Yaya nito sa akin.
Agad kaming ang punta ni Doc. Vargas sa isang kwarto. Mula rito ay meron isang medium size square box na nakabalot ng tela.
"Are you ready Pat?'' Wika nito sa na eexcite na boses.
"Yes doc I'm Ready!" Sagot ko naman.
-------√v^√v^√v^ Darkness 32: Mice and Kitten √v^√v^√v^-------
Agad na binuksan ni Dr. Vargas ang naturang box na nakabalot sa tela. Mula naman sa aking harapan ay bumungan sa akin ang isang glass box na may daga sa loob.
"Ano ho yan doc?" Tanong ko kaagad.
Benend ko ang aking katawan upang silayan ng maigi ang daga sa loob. Paikot ikot lang ang daga sa bawat sulok ng glass box na katulad na isang normal na uri.
"What do you think Pat?" Tanong ni Doctor sa akin na naka cross arms.
"Ahmm isang dagang normal na naninira ng mga damit at nangunguha ng mga pagkain sa bahay???" Sagot ko.
"Yes tama ka. In your naked eye ay aakalain mo na isa lamang itong normal na daga. Ngunit in a matter of minute. Ayy no! I think in a second eh magbabago ang pananaw mo.." Pagsasalaysay nito.
"Huh?" Tanaging nasabi ko.
Nagpunta si Doctor Vargas sa isang sulok ng kanyang laboratoryo. Mula rito ay kinuha naman niya ang isang walang kamuang muang na kuting at inilabas ito mula sakatamtamang laki ng kulungan. Dinidila dilaan pa ng kuting ang mga daliri ni Doctor habang hawak niya ito at hinihimas himas.
"Ito Pat what do you think to this little fella?" Tanong ulit ni Doctor sa akin.
"Ahhhh isang kuting na kayang hulihin at patayin ang dagang nasa loob niyan." Sabay turo ko sa loob ng glass box.
"Ohh really??? Great Instinct!!!" Bulalas nito. "Pero Pat alam mo na maraming namamatay dahil nagkakamali sila sa kanilang akala???"
"Hindi po." Sagot ko naman.
Agad na binuksan ni Doctor Vargas ang kalahati ng glass box at mula roon ay pinasok niya ang maliit na kuting. "Ngayon Pat tignan mo?"
Muli kong binend ang aking katawan at tinuon ang aking paningin sa loob ng glass box. Mula rito ay nakikita kong tila gusto ng kainin ng pusa ang daga na nasa kabilang banda lamang ng box.
Agad ng nagsimulang maglakad ang kuting. Tila sa pinapamalas nitong kilos ay kinakarkula nito sa kanyang isipan kung papano niya makakain ang kawawang daga.
Hanggang walang anu anoy bigla siyang umatake. "Meowwwww!" Sa galit nito. Nilundagan niya ang maliit na daga sa likuran nito. Ngunti hindi paman siya nalulundagan ng daga mula sa likod ay nakita na niya ang kuting.
Nakakamanghang biglang nagpakita ng gilas ang daga. Mabilis itong umilag mula sa atekeng yun at ang sunod na nangyari ay talagang hindi kapani paniwala. Dahil bigla nalang kinagat ng daga ang kuting sa leeg nito na tila siya ngayon ang takam na takam.
Bumuhos ang dugo ng kuting sa kabilang parte ng glass box habang pumipimiglas pa ito.
Ang mga mata ng kuting ay tila luluwa na sa sobrang sakit at gulat sa mga nangyayari. Habang ang daga naman ay busog na busog dahil sa mga dugong nainom niya.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Teen FictionRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...