Darkness no.15: Man in the Shadow

3.7K 62 13
                                    

Mabilis kaming bumaba ni Katrina mula sa may apartment. Naghanap kaagad kami ng sasakyan na magagamit para mas mabilis naming mahanap si Troy sa gabing ito. Pero kahit na saan kami tumingin eh wala kaming makita. "Punyemas" Bulalas ko habang napapakamot na sa ulo.

"Alam ko na may ideya ako." Tirada ni Katrina.

Agad kaming nagpunta ng garahe. Mula roon ay binuksan ni Katrina ang ilaw. Mula naman sa aking harapan ay bumungad sa akin ang isang malaking truck. Siguro eh ito ang ginagamit nila pag sobrang maraming delevery or may gagawin na cater ang carinderia.

"Tarannnnn!" Pagulat ni Katrina habang nakawave pa ang kamay.

Hindi na ako nagdalawang isip pa ng mga tagpong yon. Agad na akong nagpuntang truck at biglang sabi na. "O lika na ano pang hinihintay mo?" Sabi ko.

"Yes Boss.'' Sagot naman nito.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.15: Man in the Shadow √v^√v^√v^-------

Agad na kaming sumakay sa malaking truck na yun. Pwede nato kaysa naman sa  wala kaming magamit. Saka wag ng pa choosy choosy pa dahil nag hahabol kami ng oras. Sana nga eh mahabol pa namin si Troy.

"Saver marunong kabang mag drive?" Tanong ni Katrina sa akin pag pagsok namin ng kotse.

"Oo naman. May kotse kaya ako dati." Pagyayabang ko.

Agad ko ng kinambyo ang kambyo at binuksan ang makina ng kotse. Panandalian kong tinignan ang itsura ni Katrina at halata sa mukha nito ang sobrang saya. Feeling niya siguro eh sasakay siya sa roller coaster? 

Una naming sinuyod ang palengke. Maraming paring tao ng gabing yun. Feeling ko lang eh nasa divisoria lang ako. Tinabi ko na ang truck sa may side walk at tuluyan na kaming nag hanap.

"Sige Katrina. Dito ako sa kanan at dun ka sa kaliwa." Sabi ko.

At yun na nga ang nangyari. Naghiwalay kami ng daan ni katrina. Sinuyod niya ang papuntang mini mall samantalang ako eh ang daan malapit sa paradahan ng bus.  Para mas mabilis ang pag hahanap namin kayTroy. Pero kahit na anong suyod ko sa mga pasikot sikot sa palengke ay hindi ko siya makita. Saan kayang parte ng lugar na ito siya nagtungo. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko ay naghahanap ako ng isang tao na invisible sa mata ng lahat.

"Ano Katrina nakita mo siya?" Tanong ko pag tawag ko sa kanya sa telepono.

"Wala ehhh!" Dismayadong sagot niya.

Kung wala siya sa palengke eh saan pa kaya siya pwedeng mag punta o maabutan. Niikot ko ang aking mata tungo sa ibat ibang parte ng direksyon ng kinatatayuan ko. Sa kanan eh isang mall, Sa kaliwa eh bus station. Kung lalayas ka eh san ka pupunta??? Panandalian akong ng isip, pinagana ko ang utak ko bilang isang detective. Hanngang sa "ah alam ko na sa bus station!!!" Sabi ko sa sa aking isipan.

Nagtungo na ako sa bus station. Habang papatakbo ako roon eh tinext ko si Katrina. Sinabi ko sa kanya na magpunta rin siya sa pupuntahan ko. 

Maraming tao roon. Katamtaman lang ang laki ng bus station rito na kasya lang ang tatlong bus sa kanilang pwesto.

Agad akong nagpunta ng waiting area. At shoot! nandun nga si Troy. Naghihintay. Nakaupo lang ito at tila nakatingin sa kanyang hawak hawak na ticket.

TING TING TING! Tumunog ang isang mensahe. Sumakay napo kayo sa bus number three. Sabi ng announcer. 

Tumayo na si Troy sa kanyang kinauupuan. Nilagay na nito ang kanyang dalang malaking bag sa kanyang balikat at kita ko na napahinga siya ng malalim. Malungkot ang muka nito dahil narin siguro na nasaktan rin siya sa kanyang ginawa. Pero bago paman niya tinuloy ang kanyang pag lakad ay hinawakan ko siya sa kanyang balikat.

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon