Darkness no.07: My own New World

4.8K 78 18
                                    

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ng doctor. Anong positive ang tinutukoy nila. Meron ba akong nakamamatay na sakit o kaya eh nakakahawang epidemya na hindi ko maintindihan. 

Sa pagpatuloy ng pag pikit ng aking mga mata ay biglang nag balik sa pag iisip ko ang mga pangyayaring iyon. Halos humalik na ako sa lupa habang hinihila ng bampirang yon ang hita ko. Akoy nagpupumiglas. Halos matuklap na ang kuko sa paghawak sa nayong magaspang na sahig. "Ben!" Tanging nasabi ko ngunit hindi ko magawang ilakas.

Hanggang bigla ko nalang maramdaman ang pangil na unti unting tumusok sa aking paa. Halos ramdam ko ang bawat hapdi at sakit na parang hinihiwa ng walang anesthesia.

Di ako makapaniwala sa mga pangyayari.

Maliwang na sa akin ang lahat.

Alam kona kung bakit ako nasa espesyal na kwartong ito.

Kung bakit nila ako pinagaaralan.

Kung ano ang ibig sabihin ng katagang iyon.... POSITIVE.

Hindi kaya isa na akong ganap na Bampira???

-------√v^√v^√v^ Darkness no.07: My own New World √v^√v^√v^-------

Naririnig kong unti unti nang umaalis mula sa kwarto ang mga doktor. Alam ko yun dahil pahina ng pahina ang tunog ng kanilang paa. 

Bigla akong namulat. Kasabay nun ay ang pag higop kong bigla sa hangin. Agad kong hinipo ang buo kong mukha pati na mga braso ko. Kinurot kurot ko pa ang aking pisngi upang madama kung masasaktan ako. Pinapanalangin na sa susunod ko na pag kurot rito ay bigla akong magising. Pero kahit na ilang beses ko itong kurutin ay nasasaktan parin ako. Pulang pula na ang balat ko. Ngunit tila nagiging puti ito makalipas ang ilang segundo.

 Ano ito? Eto naba ang epekto ng pagiging bampira ko?

OH may!!! Gisingin nyo na ako!!!!! Wika ko sa aking isipan habang nakahawak sa aking ulo.

Bigla akong napatingin sa may gilid ng kwarto. Mula sa gilid ng blurred na salamin ay naaninag ko ang isang pigura. Mabagal ang pag lakad nito. HIndi kaya doctor ito? Ngunit bakit mabagal ang pag lakad niya? Tanong ko sa aking sarili.

Bigla ulit akong humiga. Pumikit. Pinigil ang pag hinga at pinakaramdaman ang nilalang na parating. 

 Ramdam ko ang unti unti niyang paglapit sa akin. Palakas rin ng palakas ang mga yapak nito sa lupa. Hanggang narinig ko na hinawi na niya ang kurtinang bumabalot sa aking higaan.

Napalunok ako. Nakaka curious ako kung sino ito eh kahit isang salita ay walang binabanggit. Hanggang sa biglang na lamang niyang hinawakan ang balikat ko at yinugyog ng kauti ang katawan ko.

 "Patrick gising dali!" Wika ng tinig.

 Pag mulat ko ay si Benedict pala.

 "Pare!" Bulalas ko sa kanya.

Bigla akong bumangon. Marami akong gustong itanong kay Benedict mula sa kinalalagyan ko ngayon. Pero mas nasa isip ko ang pag takas.

 "Kailangan pare na makalabas tayo rito kaagad." Wika ni Benedict.

"Nasan ba tayo?" Tanong ko. Sabay hawak sa balikat niya.

"Basta mamaya kona pare ikekwento. Dali lika na!" Yaya ni Benedict.

Si Benedict ang nauna dahil mas alam niya ang daan papalabas. Ako naman eh parang utot lang niya sa likuran. Mas gusto ko naring makaalis rito. Baka kung ano pa ang gawin nila sa akin.

Doon ko lang namalayan na ang lahat ng gamit sa kwartong iyon ay puro puti. Ang sakit sa mata. mangmula sa kama, Kurtina, Lamesa, Aparatus, Sahig, Kisame, Pintuan, At sa suot suot kong damit. Lahat ay pawang laba at linis sa tide. 

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon