Darkness no.06: Bite and Blood

4.9K 84 11
                                    

Mapanget ang mukha ng nilalang na iyon. Kwadrado ang muka nito. Para itong isang mukang na deporma na di ko malaman. Ang ilong nito ay matangos, Ang tenga nito ay patulis ang dulo. Samantalang ang mga mata naman nito ay medyo maliit na kulay itim ang buong eyeballs. Siya pala ang naamoy ko pag pasok ko ng bahay. Sabi ko na nga ba eh. May kakaiba.

Nakalambitin parin si Benedict sa itaas ng kisame. Para tuloy siyang spider man. Pero ultimo siya eh hindi niya gusto ang role niya sa araw na ito. Halata iyon sa nagmamanika niyang mukha.

Alam ko na malakas ang bampirang ito. Halata naman kasi sa malaki nitong katawan na parang sanay ito sa anumang bakbakan. Pero pano ko kaya maililigtas si Benedict mula sa itaas.

Nakatingin lang ako kay Benedict habang nagiisip ng paraan para makatakas siya roon. Nang walang anu anoy biglang nagsalita ang bampirang iyon. 

"Sino sa inyo si Patrick?"

-------√v^√v^√v^  Darkness no.06: Bite and Blood √v^√v^√v^-------

Nagkatinginan kami ni Benedict na kasalukuyan ay nakasabit parin sa may kisame. Saka pano nalaman ng bampirang ito ang information tungkol sa pangalan ko? Nakakapag taka.

"Sino sa inyo si Patrick!!!" Sigaw nito.

Napalunok ako. Alam ko na kasi ang mangyayari pag umamin ako. Siguradong tepok ang lingkod ninyo. Tila walang nag iimikan sa aming dalawa ni Loko. Nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang unang kakanta. 

"Ako ako si Patrick!" Walang katakot takot na pag amin ni Loko. Napatingin ako mula sa itaas. Syempre nagulat ako. Sa isip is ko eh ano nanaman kayang pinag sasabi nito. Talaga nga naman oh! Talagang Pinangatawanan na ang pagiging super hero.

"Ikaw pala ahhhh! Sabagay ikaw naman talaga ang first choice ko. " Wika ng bampirang yon. Napatawa ko mula sa kaibuturan ng aking puso. Walanghiya! Kung si benedict ang first choice niya eh paano naman ako? Unti unting lumapit ang naturang bampira kay Benedict. Mula sa itaas ay binaba niya ito. Pinwesto niya ito sa harapan ko upang handang kagatin. Binuka ng bampirang yon ang kanyang malaking bibig at inilabas ang madilaw dilaw na pangil. Tinapat niya ito sa leeg ni Benedict at handa ng kagatin ng bigla akong nakonsensya.

"Teka teka!!! Ako si Patrick!" Wika ko.

Mula sa pagpikit ng bampira ay bigla itong dumilat. "Ako ba eh pinagloloko niyo?" Wika nito sa nakakatakot na boses.

"Hindi ako talaga!" Wika ko.

"Wag kang makinig sa kanya ako talaga si Patrick!!!" Sigaw ulit ni Benedict. Napaka gago talaga nitong kaibigan ko oo! Sarap pakagat sa bampira!!! Ka bwisit!

"Benedict ano bang pinag sasabi mo!" Wika ni Benedict na nakatingin na sa akin!

HIndi ako makapag salita ng maayos. Pati kasi ako ay nagugulumihanan sa pag aakila niya. Ultimo ang naturang bampira ay naguguluhan din sa pag aaway namin. Kaya naman sa sobrang inis nito ay sabay nito kaming  hinampas sa pader. Isang hawi lang sa nito sa amin ay agad na kaming nadala nito. 

"O sige para sa inyong dalawang Patrick.?" Sabay ko nalang kayong papatayin." Wika nito. " Para maiganti ko ang pag patay ninyo sa aming prinsesa." Pag papatuloy niya.

Aba at tama ma ang kinatatakutan namin. Na si unang bampirang babaeng napatay ko ay prinsesa ng talaga.  

Biglang sumakit ang likod ko. Ang sakit kayang ibalibag sa may pader ng bahay. Para yatang nabasag ang spinal chord ko sa lakas ng impak. Langya! Kung kaylan kailangan namin ng lakas eh dun pa kami mauubusan.

Kinuha ako ng Bampirang yun. Nilapit niya ang mukha ko sa muka niya. Naamoy ko pa ang hininga niyang hindi ko maintindihan. Halos isang pulgada lang ang layo ng mga mata ko sa mga pangil nitong madilaw. At ang susunod niyang gagawin ay alam ko na. Kaya naman eh pinikit ko nalang ang mata ko dahil sa aking paghihina. Rinig na rinig ko ang pag buka ng panga niya. Sabay tapat ng pangil niya sa leeg ko. Nang bigla nanamang umentra tong si Benedict.

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon