Darkness no.08: The New Beginning

4.5K 77 4
                                    

Gutom na gutom na ako. Sa palagay ko eh sa mga susunod na mga sandali ay babawiin na nang aking katawan ang aking lakas at tuluyan na akong manghihina. 

Para akong tanga na sumakay lang ng bus tapos hindi ko alam kung saan ako ipapadpad nito. Hinayaan ko nalang akong dalhin kung saan ako dadalihin ng tadhana.

Paglingon ko sa kabilang kalsada ay may nakita akong pang gabing carinderia. Buti nalang eh sa kagaya ng lugar na ito ay meron pang napapadpad na ganitong klaseng kainan. Mula naman sa aking malapit ng manlabong mata ay nababanaag ko ang pangalan nito. Eat ng eat until you bundat carinderia. Medyo nabaduyan ako sa pangalan pero hindi yan ang habol ko. Kundi ang mabahiran ako ng lakas.

"Bahala na. Kahit ano nalang eh kakainin ko." Wika ko sa kaing sarili habang nakatingin sa karatulang yun. Kaya naman eh agad na akong tumawid ng kalsada at tuluyang pumasok.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.08: The New Beginning √v^√v^√v^-------

Pagewang gewang akong pumasok ng Carinderia. Medyo malaki ito kaysa sa inaasahan ko. Merong amin na lamesa na sa puntong iyon ay hindi naman kadamihan ang tao. 

Pinipilit kong ayusin ang paglalakad ko. Para kahit papano ay hindi nila ako palabasin. Nung nakaraan kasi eh pinalabas ako sa isang kainan dahil napag kamalan akong lasing. O sige ikaw kaya ang halos mamatay na sa gutom tignan natin kung maka diretcho kapa sa paglalakad.

Pumunta ako sa may counter. Isang magandang dilag ang bumungad sa akin. Mahaba ang kanyang pilik mata, Mahaba ang buhok at makinis ang balat.

"Sir hello po. Okey lang po kayo?" Wika nito sa akin na nahahalata na niya siguro ang panghihina ko.

"Ayy o-o-o ayos lang ako. Basta bigyan mo nalang ako ng nakakabusog." 

"O sige ho." Wika naman ni Magandang babae.

Umupo ako sa malapit na upuan malapit lang sa counter. Mula roon ay tinignan ko ang laman ng wallet ko. Nako patay nako halos five hundred pesos nalang ang pera ko. Kailangan ko ng makahanap ng trabaho sa madaling panahon. Pero pano kaya kung gabi lang ako pwede? Hindi naman pwedeng sabihin na kasi ho eh bampira ako. Nako sigurado wala na akong trabaho eh huhulihin pa ako.

"Eto napo yung order nyo." Paglapit ng babae makalipas ang ilang minuto. 

Buhat sa aking likuran ay bigla siyang sumulpot. Dala dala ang isang jumbo burger na halos punong puno ng dressing. Habang binababa naman niya ang inorder kong burger ay hindi ko sinasadyang mabasa ang pangalan niya na nakalagay sa kaliwang bahagi ng kanyang uniform. Ang napakagandang pangalang KATRINA.

 "Sige salamat." Wika ko sa mahinang boses.

"Enjoy your meal sir." Sagot naman nito.

Mula sa aking harapan ay kinuha ko na jumbo burger nayon. Sa sobrang hina ko ay hindi ko ito maangat. Punyemas!!! Pano to? Kaya naman eh no choice na ako kaya ang bibig ko nalang ang nilapit ko sa nasabing pagkain. Para akong isang aso na kumakain sa lupa. Wala namang tao eh so gagawin kona.

Nginasab ko ang burger sa harapan ko. Halos mag ozze out naman ang mga sauces nito na may mustard. Garlic mayo at ketchup.

Hindi ko pala alam na nasa likuran ko Katrina ang babaeng serbedora nayon na kasalukuyan palang nag pupunas ng mga lamesa.

Umubo ubo pa nga ito na parang nilakasan talaga upang marinig ko. Ako naman eh halos maubos na ang kalahati ng burger ng marinig ko ang pahaging niya. Syempre nahiya naman ang lingkod ninyo kaya hininto ko ang aking kababuyang ginagawa.

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon