Nakaupo lang si Benedict sa harapan ng kawayang lamesa. Ang kanyang kamay ay naka cross arm habang ang kanyang mga mata naman ay tila may hinihintay na text buhat sa kanyang cellphone.
"Ben anong ginagawa mo diyan. Galaw galaw ka baka ka pumanaw!" Biro ko rito.
Ngunit hindi lang ako pinansin ni Ben patuloy lang siya sa pag tingin sa kanyang touchscreen na cellphone na tila nag coconcentrate. "Nabaliw na ata!" Bulalas ko rito habang nakatingin lang sa kanya.
Pinagpatuloy ko lang ang aking gawain ng umagang yon. Nagtungo nako sa may kusina upang maghugas na ng pinag kainan. Nilagyan ko na ng joy ang isang kulay dilaw na sponge saka pinabula ito. Enjoy na enjoy pa ako sa pagpapabula nito ng bigla ko namang narinig ang pag tunog ng cellphone ni Ben.
Tot tot! Tot tot! Tot tot! Tot tot!
-------√v^√v^√v^ Darkness no.24: The Missing Link √v^√v^√v^-------
Hindi ko lang inintindi si Ben sa mga pinaggagawa nanaman niya. Kung hindi niyo kasi natatanong ay mahilig itong si Ben na makipag textmate. Sa palagay ko eh yun din yung ginagawa niya ngayon? Minsan nga ay meron kaming i nayball ni Ben sa may Glorietta. At syempre ako ang ginawa niyang front. Nung una eh okey naman ang lahat ng bigla nalang na inlove sa akin yung babae.
Ha ha! Naalala ko pa ang mukha ni Ben ng nagkaalaman na kaming lahat. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa ng mga araw nayon. Pano ba naman kasi ang nangyari ay pinagpapalo siya ng payong nung babae sa harapan ng maraming tao.
"Walang hiya ka! walang hiya ka!" Paulit ulit nitong bulyaw kay Ben. At syempre pati ako ay nadamay din.
Pero kahit na ganon yang si Ben eh yan ang naging karamay ko sa hirap at ginhawa. Hinding hindi nya ako pinabayaan. Lalong lalo na nung nalaman niya na bampira ako. Full support parin ang lingkod niyo.
Mula sa may sala ay biglang nagtatakbo itong si Ben. Muntikan na nga siyang madapa dahil sa garapal nitong kumilos.
"Pre!" Sigaw nito sa akin.
Agad siyang nagpunta sa aking likuran. Pinaharap niya ako sa kanya at agad na tinapat sa mga ko ang hawak hawak niyang cellphone.
"Ohh ano yan?" Tanong ko rito.
"Basta pre basahin mo!" Wika niya habang hinihingal pa.
Hinugasan ko ang aking kamay sa may girpo. Pagkatapos non ay nagpunas ng kamay at agad na kinuha ang cellphone ni Loko.
Ang mga nakasulat na letra dito ay agad kong binasa sa aking isip. Benedict sabi sa text. Alam ko na ang exact address ni Mr. Emilio Guilatorre.
Hindi ako nakapag salita. Bagkus ay unti unti kong nilagay ang aking mga tingin kay Ben. Sabay sabi nito na.
"Surprise!"
X~X~X
Wala si Mang Roger ng mga oras nayon. Nagputa nanaman siya sa maliit na bahay nayon. Kaya naman eh kaming dalawa lang ang naiwan ni Ben sa munting dampa nito. Kasama ang mga ibon at kung ano anong uri ng hayop sa may gitna ng gubat.
"Sinong kinausap mo sa agency?" Tanong ko kaagad kay Ben habang sobra ang tuwa.
Nagyayabang nanaman si Ben. Halata sa inaasta ng mga kilos niya at ng muka niya.
BINABASA MO ANG
Red Moon (Published Book under LIB)
Teen FictionRED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2) - ₱ 109.75 RED MOON (Book 2 of 2) - ₱ 109.75 Enjoy reading po then Selfie selfie po tayo with the book pag may time. Wag nyo po akong kalimuta...