Darkness no.21: The Lonely Heart

3.1K 54 6
                                    

Dahan dahang lumabas si Mang Roger mula sa kanyang kinalulugaran. Ang konting liwanag  na nagmumula sa buwan ay marahang kinubabawan ang kanyang kalahating mukha. Normal lang ang reaksiyon ni Mang Roger pagkakita nito sa amin. Wala akong nababanaag na kung ano mang pagkukunyari o anumang di kanais nais na gagawin nito.

"Mang Roger?" Bulalas ko.

"Bakit Patrick nagulat ka?" Patanong nitong wika.

Nagulat din si Benedict sa aking likuran. Tila hindi niya rin alam ang ginawang set up nito sa amin. Ngayon ang pareho siguro naming katanungan sa mga oras nato ay kung BAKIT? Bakit niya kami dinala sa lugar na ito? Ilang sandali nalang ba ay may darating na mga pulis at ipapahuli ako? O kaya eh handa na niya akong patayin sa mga oras nato? 

"Wag kayong mag alala dahil walang nag bago ako parin to." Wika ni Mang Roger sa normal nitong tinig.

Biglang napanatang ang aking kalooban sa sinabing yun ni Mang Roger. Itatanong ko pa sana kay sa kanya kung bakit niya nagawa ang lahat ng ito. Ngunit bigla siyang naglakad. Nag punta siya sa may basag na bintana at saka tinignan ang bilog na buwan.

Mahiwagang nilalang parin sa mga pagkakataong ito si Mang Roger base narin sa mga nakalap naming ebidensiya na hindi namin maipaliwanag buhat narin sa mga gamit nito. Ngunit pano namin malalaman ang mga sagot sa aming katanungan kung palagi nalang siyang umiiwas?

"Mang Roger...? Wika ko ngunit bigla nalang niya itong sinapawan ng kanyang alok.

Mula sa pagkakatingin parin sa may basag na bintana ay agad na nagsalita si Mang Roger. Maninahon lang ang kanyang tinig na tila pinapahiwatig nito na handa na niyang sabihin ang lahat ng kanyang lihim.

"Gusto ninyong marinig ang istorya ko?" Biglang tanong nito sabay tingin saming dalaw ni Benedict.

-------√v^√v^√v^  Darkness no.21: The Lonely Heart  √v^√v^√v^-------

Inanyayahan kami ni Mang Roger na umupo sandali. Tinuro niya ang dalawang upuan na yari sa kahoy. Agad naman kaming umupo kaaagad ni Benedict na tila eh mga bata na sabik sa kanyang ikekwento.

Huminga naman ng malalim si Mang Roger. Hindi paman niya binubuka ang kanyang bibig ngunit kitang kita mula sa mukha nito ang labis na pagkalungkot. Ang dalawang kamay nito ay nakalagay lang mula sa kanyang harapan. Habang ang kalahati naman ng kanyang mukha ay naliliwanagan ng liwanag ng buwan.

Pinikit ng marahan ng matanda ang kanyang mga mata. Tila isinasariwa niya ang mga pangyayari sa kanyang buhay na gusto nitong ilahad sa amin. Bahagya niyang minulat ulit iyon at agad na niyang sinimulan ang kanyang kwento. 

X~X~X

Taong 1800. Nababanaag ko pa mula sa aking isipan ang panahon nayon. Ang panahon ng mga pangarap. Ang panahon ng aking unang pag ibig. At ang panahon ng kalungkutan.

Simple lang ang aming pamilya. Apat kaming mag kakapatid. Bata palang ako ng namatay na ang aming ama buhat sa pakikipag laban sa mga kastila kaya ako na ang naging tatay sa mga maliliit ko pang mga kapatid.

Naglalakad ako nun sa kalye ng alaminos. Gabi noon. Malakas ang simoy ng hangin. Mula sa paligid ay naririnig ko pa ang mga lagaslas ng mga dahon sa mga malalaking puno sa tabi ng kalsada. Wala ng tao sa kapaligiran. Hatinggabi na kasi. Ginabi ako ng uwi dahil inutusan pa ako ng aking amo na mag hatid ng aming tinitindang banig sa may bayan.

Sa aking paglalakad patungong bahay ay biglang may narinig akong isang malakas na ugong. Tila nanggagaling ito sa itaas na hindi ko mapaliwanag. Uso narin sa mga panahon nayon ang kwento tungkol sa mga bampira ngunit mas maraming hindi naniniwala. Sabi kasi nila ay ginagawang panakot lang daw ito ng mg kastila upang hindi namin magawang lumaban sa kanila. 

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon