Chapter 4

7.1K 235 0
                                    

Dedicated to:
blairivan
aryljames94
Xtinachryzthine
alcalarona3
kriaBlythevampires
nasrifa04

~Chapter 4~

Marahan kong pinapatakbo ang aking kabayo na siyang sinasabayan naman nila

Bigla akong napahinto ng makaramdam ako ng konting pagkahilo

"Let's take a rest"

Napaangat ako ng tingin kay Priam na nasa unahan habang nakatingin saakin

"Kailangan na nating makapunta na doon Priam"

"Limang araw na tayong naglalakbay Freya. At simula ng umalis tayo di ka pa umiinom ng dugo"

"I'm okay Priam. Magpatuloy na lang tayo para makarating na tayo agad doon"

"Buhay ka pa ba pag nakarating tayo doon?"

Napalingon ako kay Yael

"Mahaba pa ang lalakbayin natin Freya. Achreron is on the other side of this Empire" - Rosh

"Lets take a rest for awhile Princess" - Zeyton

Napahawak ako ng mahigpit sa tali ng kabayo ko ng makaramdam na naman ako ng pagkahilo

"Okay" - sagot ko

Naunang bumaba sa kabayo niya si Zeyton at inalalayan ang kabayo ko na pumunta sa gilid ng isang puno at saka ako inalalayan pababa

Nasa kagubatan kami na sakop ng Syldavia

Malawak ang bawat sakop na lupain ng mga kaharian ng Dark Empire. Maliban pa sa walong kaharian na naririto ay mayroon pang mga lupain na sakop ng maliliit na pangkat, kaya't isa itong mahabang paglalakbay na halos gusto ko ng hilain ang daan upang makarating kami agad roon

Umupo ako at saka sumandal sa isang malapad na puno

Agad namang lumapit saakin si Priam

"What are you doing Priam?!" -angil ko

Sinugatan niya ang palapulsuhan niya

"You need to drink blood"

"Ayoko. Hindi ako iinom sa iba. Kay Luan lang"

Mahina lamang ang pagkakabigkas ko sa huling mga salita pagkat hindi ko kayang sabihin ng malakas ang pangalan niya dahil sa tuwing sinasabi ko iyon ay lalo akong nalulumbay sa pagkawala niya

"Psh what's with the mate thing that anyone can be an idiot and martyr? Magpapakamatay para lang sa mga kalahati nilang wala naman nga sa tabi nila??"

Nagsilingunan kami kay Saxon na nakasandal sa puno habang naka ekis ang dalawang kamay nito sa harapan ng kanyang dibdib

"Kung makapagsalita ka kala mo sa hindi mo iyon gi-"

"Shut up Rosh! Hindi iyon ngyari! Hindi ko iyon ginawa! Hindi ako tanga tulad niyan ni Freya! Kung umalis ang gagong un eh di pabayaan niya! Kung ayaw naman pala sakanya bat niya pa hahanapin? That's foolishness!"

Pagkasabi niya niyon ay agad siyang naglakad paalis

"Bakit ba parang may pinaghuhugutan yun?" - Zane

Tumayo ako at saka pumunta sa kabayo ni Zeyton at saka kinuha ang lalagyan na may laman na dugo at saka uminom doon

Nakita ko naman na umupo na rin sa isang ugat ng puno si Priam

Dark PiecesWhere stories live. Discover now