Chapter 58

6.9K 207 8
                                    

Author's Note!

Don't skip any scene or POV... may quiz tayo after haha. Seryoso. Dont try to skip if you dont want to skip any important info. Pagtyagaan na ツ

~Chapter 58~

----Saxon POV----

Tss ang walanghiyang Dike! Bakit niya hinayaang mapatay siya ng bampirang iyon! Ang hina niya!

Nakakapeste na talaga ang larong ito

Kating kati na ang mga baraha ko! Bakit wala pa kong nakakaharap!

Nilingon ko si Kyran

"King's bishop to F5"

Atlast!!

Lumitaw ako sa unahang block nila Ali na patuloy pa sa pakikipaglaban sa babaeng gagamba

Agad akong pumunta sa lalaking bampira na kalinya ng block kung nasaan ako

Jaxx

Kilala ko na siya. Nakaharap na namin siya noon

Ang bampirang mahilig magparami!

Di hamak naman na mas gwapo ako at mas makakapagparami ako ng lahi kaysa sakanya

"Mukhang pati ikaw na gwapuhan rin saakin at hindi ka na makagalaw" - ngising sabi ko

"Isa ka nga talagang mahangin na prinsipe" - sambit niya bago lumitaw ang mga kamukha niya palibot sa buong block na halos mapuno niya na iyon

"Walang silbi, isang soldier laban saakin na bishop? Wala talagang silbi"

"Wag kang masyadong kumpyansa sa sarili mo Saxon"

"Aba akalain mo nga naman, kilala mo pala ako"

Agad na namula ang aking mga mata at ikinumpas ang aking kamay kasabay ang paglutang ng aking mga baraha sa aking harapan at mabilis ko iyong pinalipad palibot

Ang natatamaan ng aking mga baraha ay kaagad na nagiging abo

Pero sadyang marami siya

Nagsikuhaan ng mga espada ang kamukha niya at saka sabay sabay na nagsisuguran palapit saakin

Nanatili akong nakatayo habang nasa bulsa ko ang dalawa kong kamay

Pinagmasdan ko lamang ang mga kamukha niya na tumatakbo papalapit saakin

Ng malapit na sila ay dinukot ko ang isang baraha mula sa aking bulsa at mabilis na itinapon iyon pahalang sa ere at habang lumilipad iyon ay dumadami ang isang barahang itinapon ko na pinagtatabas ang mga ulo ng pangit na bampira

Oo pangit siya! Dahil ako lamang ang gwapo sa mundong to

Pinapanuod ko kung paano mawalan ng ulo at magsiabuhan ang bampirang kalaban ko

Nasaan kaya siya

Mukhang... Mukhang natakot na sa sobrang kakisigan ko

pumikit ako at saka nagfocus

Pagmulat ko ng mata ko ay mas pumula ang aking mga mata at lumitaw ang isang kakaibang baraha sa aking harapan

"Find him" - sambit ko at kaagad na lumipad ang baraha

Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa lampasan nito ang mga kamukha niya na patuloy sa pagrami at pagtangkang paglapit saakin na dinadaanan naman ng aking mga baraha

"Ahhhh! Shit!"

Napaangat ang sulok ng aking labi ng magsiwalaan na parang bula ang mga kamukha niya at makita ko na siya na nasa kabilang dulo habang nagdurugo ang gilid ng kanyang leeg at nakaluhod sa lupa

Dark PiecesWhere stories live. Discover now